Dream 7

198 6 3
                                    

Hard Headed

Walang alinlangang binato ko siya ng tuwalya at sumugod sa kanya.

"Impakto ka! Sinong nagsabi sa'yong pumasok ka sa kwarto ko!"

"Ano ba! Tigilan mo! Papatulan kita!" papikit-pikit niyang sabi habang sinasalag ang mga sapak ko sa kanya.

"Edi patulan mo! Gago ka. Wala kang karapatang pasukin ang hindi mo naman kwarto! Kakasuhan kita!"

Hanggang sa mapaupo na siya sa sofa naming mahaba dahil sa pag-atras niya. Doon ako mas nagkaroon ng tyansang pag-igihin pa ang pananakit ko sa kanya. Sinakyan ko siya na tipong wala na talaga siyang laban. Panay ang bulyaw, sabunot, hampas, suntok ko sa kanya at panay din naman ang pag-iwas niya. Mahina rin akong nanalangin na sana ay nakakalipad ang kutsilyo at sa isang tawag mo lang ay lalapit na sa iyo.

"Ang OA mo! Buti nga hindi c.r ang pinasok ko e, iyong kwarto lang-aray! Sumosobra ka na. Kapag ako talaga gumanti sa'yo-aray!"

"Hayop. Manyak ka! Hindi kita titigilang unggoy ka! Ang pervert mo! Mamatay ka na!"

"Anong manyak e, wala naman akong nakita. At sigurado naman akong wala akong makikita sa'yo-ah, aray! Ikaw na babae ka"

Banta niya saka hinuli ang dalawa kong kamay at buong pwersang inangat ang sarili sa pagkalupog. Huli nalang nang malaman kong nasa isang upuan na kami na katapat lamang ng sofa kanina. Mas maliit ito kaysa una kaya dama ko ang pag-atras at pagkalabog nito ng ihagis niya ako dito kasama siya habang mariing hawak ang mga kamay kong mariin ding nakaekis sa dibdib ko.

Kahit kumakawala ako ay hindi ko magawa. Ang malakas na pagkalabog ng puso ko ang unti-unting nagpapahina sa katawan at isipan ko. Kakaiba ito at marahil ay siguradong nararamdaman niya din ito dahil ilang sentimetro nalang ang pagitan ng mga mukha namin habang nararamdaman ko na rin ang katawan niyang nakadagan sakin.

Ngumisi siya at napaawang ang bibig ko ng maramdaman ang mainit niyang hininga. "Sabi sa'yo papatulan kita e."

Nagpumiglas ako ngunit lalo niya pang idiniin ang bigat niya sakin. "A-ano ba! Ang bigat mong leche ka! Lumayas ka. Kapag may nakakita sating ganito, ipapakulam na talaga kita!"

"Well, I'd like to. Di kapag nakita nila tayong ganito, handa naman akong mangako sa'yo sa harap ng altar."

Nanlaki ang mga mata ko at mahina rin akong nagpasalamat dahil bumalik na ang ulirat ko. Sisirain ko ang kinabukasan niya! Hindi pa natatapos ang pagbibilang ko dahil hindi na ko makapag-antay na sirain siya.

Hindi ako makagalaw dahil hawak mo ang mga kamay ko, pero may tuhod pa kong dapat mong katakutan...

Nakangisi siya kaya't ngumisi rin ako sa kanya sabay basag sa future niya.

"Ahhh! Fvck!"

Bumitaw siya at napaluhod pa dahil sa sakit. Pinupukpok pa niya ang kamay sa carpet habang hindi mapakali. Umayos ako ng upo at inilagay pa ang mukha ko sa dalawang palad ko na para bang nang-aasar pa. Tiningala niya ko at mas lalong nagdiwang dahil nakita ko kung paanong pulang-pula ang mukha niya.

"Pagbabayaran mo-ahh! shit!"

Ngumiwi ako. "Oh talaga? Anu ba 'yan nagka-utang nanaman ako. Yaan mo kapag may allowance na ko, dun kita babayaran." saka humalakhak.

"Tumawa ka lang. Kapag gumanti na ko. Sisiguraduhin kong pati santo tatawagin mo kapag naningil ako."

Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ni squidward. Gulat naman siyang napatingin kay Vinn.

"Oh, ano nangyari sa'yo, Vinn?"

Unti-unti naman siyang tumayo kahit parang hirap na hirap. Ngumuso ako at sumipol habang naka-dekwatro.

Tumingin siya sakin ng matalim bago nagsalita. "Kukunin ko lang 'yung kapatid mo, para magbayad."

Kumunot ang noo ni squidward. "Bakit? Umutang sa'yo, pasensya ka na ha? Makapal talaga ang mukha niyan. At saka bakit kailangan mo pa siyang kunin?"

Tumaas naman ang kilay ko at humalukipkip habang naghintay sa sagot niya.

"Dahil siya mismo ang kabayaran." saka ako hinila patayo.

"Hoy! Bitawan mo nga ako."

"Sige ate, pakisabi nalang sa parents mo na umalis na kami." dire-diretso niya akong hinila palabas ng bahay namin.

Nilingon ko naman si squidward na nilipad ang utak dahil parang tanga pa siyang kumaway samin.

Inggrata! Ipinamigay ako!...

"Saglit nga, nasasaktan na ko ha. Magbibihis muna ako!"

Tumigil naman siya at nilingon ako saka pinasadahan ang kabuuan ko. Naka white shorts lang ako at simpleng pambahay na black v-neck shirt.

Nagtiim ang bagang niya saka umirap at nagpatuloy sa pagkaladkad sakin papuntang gate. Panay ang mura ko sa kanya at pagpupumiglas ngunit itinigil ko na rin dahil ako lang ang nasasaktan tuwing mas dinidiinan niya ang hawak sa pulso ko. Nakarating kami sa motor niya at doon niya na ko binitawan. Inayos ko ang magulo kong buhok, ni hindi pa ko nakakapagsuklay!

Sumakay na siya ngunit tinitigan ko lamang siyang pihitin ang accelerator. Inis niya kong nilingon. Tumama ang papalubog na araw sa mukha niya at bigla nalang akong napatalon at tila kakagaling ko lang sa marathon sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Ano! Hindi ka sasakay? Paglakarin kita dyan kita mo."

Nagpanting ang tenga ko at inismiran siya. "Edi maglakad! Sino bang nagsabing sasakay ako sa'yo. Lumayas ka na nga tapos ibangga mo na 'yang makalawang mong motor!" sabi ko at sinimulang maglakad. Hindi naman makalawang 'yung motor niya, in fact, it's cool. Panglalaking-panlalaki. Pero dahil siya ang may-ari hindi ko iyon pupuriin.

At saka never pa kong umangkas sa kanya. Mahal ko pa ang buhay ko, lalo pa ngayong hindi maganda ang timpla niya sakin. Baka makita nalang ako sa creek kinabukasan at basag ang mukha. Malayo-layo na ang agwat ko sa kanya ng marinig ko ang pagharurot niya.

Aba, talagang paglalakarin ako!...

Ngunit kulang nalang ay maging multo ako sa isang horror movie dahil lahat ng buhok ko ay napunta sa mukha ko nang tumigil siya sa harap ko at walang pasubaling binuhat ako pasakay sa motor niya!

"So much for your hard headed attitude." saka muling humarurot.

Starts With A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon