Why?
Kinagat ko ang kuko, labi, ballpen at kung ano pang makagat. Lutang ako noong i-lecture ito! What the..! Mariing nakakunot lang ang noo ko habang pilit na iniisip kung paanong gagawin sa isang 'to. Nakakainis naman kasi bakit wala ako sa sariling bait nung i-discuss ito! Great, just great, Calei!
Tinipa ko ang cellphone at tinawagan ang numero ni Yhen. I know she can help me. Kahit hindi halata ay si Yhen ang sumasalo samin kapag ganitong mga pagkakataon. Ilang ring lang at sinagot niya na iyon.
"Yhen. Paano 'yung assignment sa math?"
[Uhm. Wait... is it about logarithym?]
"Yup."
[Ah-hehe. Wala pa rin ako dyan e. Dalawang araw na ko wala sa bahay.]
"Why? Where are you?"
[Sa mga tita ko. Kumopya nalang tayo bukas ng umaga. I'm sure, Asia had.]
Ngumuso ako. It's sunday at monday na bukas. At hanggang ngayon malinis na malinis pa ang pad paper ko! Napa-oo nalang ako kay Yhen. Napag-usapan naming itetext niya si Asia upang maaga rin itong makapasok. Mataimtim na nanalanging sana mayroon si Asia. Inimagine ko pang may kapa siya at hawak ang sagot sa assignment namin.
Nilingon ko ang orasan sa dingding at naisipang lumabas ng kwarto. Pag labas ko ay umalingawngaw ang boses ng reporter sa t.v. Nilingon ako ni mama habang nanliliit ang mga mata sa isang hibla ng sinulid. Umupo ako sa tabi niya at kinuha iyon upang ako na ang magpasok sa butas ng karayom. Wala pa si papa at marahil ay nasa restaurant iyon.
"Wala na bang good news?" biglang ani squidward sa isa pang gilid ni mama. Agad kong naipasok iyon kaya binigay ko na sa kanya.
"Anong magagawa mo, iyan ang nangyayari e. Kaysa naman mag-imbento sila." sagot naman ni mama at sinimulan nang magtahi.
"Psh. Nakakainis kasi."
Itinutok ko nalang ang mata ko sa harap at nanood. Paminsan-minsan ay nagkokomento at minumura pa ni mama ang mga nasa posisyon sa gobyerno na walang ibang ginawa kundi ang magnakaw sa kaban ng bayan. Nang marinig namin ang tawag mula sa labas.
"Bisita niyo?" tanong ni mama habang sinisilip ang gate.
"Wala akong inaasahan." tumayo si squidward. "Ay! Si Keane, C!"
Nakunot ang noo ko. Bakit siya pupunta dito ng ganitong oras? Tumayo ako at nakitang pinagbubuksan na siya ni squidward. Lumapit ako at nakitang sa likod niya ang sasakyan. Naka longsleeve polo, black maong pants at top sider pa siya at mukhang may pinuntahan o pupuntahan.
"Oh, bakit? Gabi na a?"
Ngumiti siya sakin. "Hindi. Idinaan ko lang ito." sabay pakita ng dalawang paper bag. "Galing kasi akong tagaytay, road trip, you know.." kibit-balikat niya. Binigay iyong isang bagkay squidward at 'yung isa sakin.
Humalakhak si squidward. "Wooo! Marami ka lang kamong pang-gas!" nagpasalamat muna ang makapal niyang mukha bago binirahan ng layas.
"Dapat di mo na binigyan 'yun." sinilip ko ang bag. "Ano ba 'to?"
Ngumiti siya. "Random souvenir."
Lumabi ako at tumango-tango. Inaya ko siyang pumasok ngunit huminde na siya dahil baka pagalitan na daw siya dahil hindi siya nagpaalam na lalabas ng Cavite. Budoy diba? Kung ano-ano munang kakornihan ang sinabi niya sakin bago sumakay sa kotse niya.
"Iyang bear dyan, yakapin mo mamaya ha? Tinadtaran ko na rin iyan ng pabango ko, para di mo ko mamiss." humalakhak siya.
Tumaas ang kilay ko. "Naku, sasakit ang ilong ko nito."
Ngumuso siya. "Hindi, konti lang naman nilagay ko." nagkamot pa siya sa batok.
Tumawa naman ako. "Ngayon konti. Kanina sabi mo tinadtaran mo. Ano ba talaga?"
Natawa lamang siya at sinisi ang sarili sa walang kwentang palusot niya. Inantay kong makaalis siya bago pumasok.
Ngunit bago ko pa maihakbang ang mga paa ko ay may isang mabilis na galaw akong nakita sa gilid ng mga mata ko. Nilingon ko iyon ngunit wala akong nakita kundi ang nag-iisang street light sa kantong iyon at isang napaka-ingay na pagharurot ng kung anong sasakyan.
Thursday. P.E class namin, kaya ngayon, palipat-lipat ang tingin at nakaupo, iwinawasiwas ang jogging pants sa makintab na sahig ng gym habang hinihintay kung sino ang matatalo sa laban nina Asia at Brit sa badminton. Lamang si Asia ng dalawa na siyang nanalo sa first set at second set na ito.
"Eeeehhh! You make patalo naman, Europe!"
Tumawa si Asia at hinampas ang shuttle para sa serve. Siya ang ulit ang nakakuha ng score kanina. "Galingan mo kasi!"
"I'm napapagod na kaya! Like err, it's so hirap mag-jump brother jump!" muling talon niya upang abutin ang bola ngunit hindi niya iyon nabalik kay Asia dahil nilagpasan lang siya. Ha ha! Weak!
"Ok one more score, panalo na si Asia." Yhen announced na ikinanguso ng alien. "Sino next satin, C?" baling niya sakin.
"Ako na."
Tumango siya ay nagpatuloy ang laban ng dalawa. Tumayo ako at nagpagpag ng jogging pants. Stretching ang ginawa ko habang tumatawa kay Brit na pinapasayaw ni Asia.
"Habol, Brit!" sigaw ko.
Sumigaw siya ng hindi na nakayanan ang kaliwa't kanan, harap at likod niyang pagsayaw upang habulin ang shuttlecock. Binantaan niya si Asia habang nakanguso at pabagsak na umupo sa sahig. Humalakhak si Hans sa tabi niya na nagpapahinga din at kakatapos lang habang nag-abot ng mineral water sa girlfriend. May ibinulong pa siya dito at hinampas siya ni Brit.
"Hayop ka, Rick! Hataw ka!" dinig naming sigaw ni Paul habang para silang mga kangaroo na nagsisitalunan ng mataas upang mahabol ang bola. Dinig na dinig namin ang bawat lagutok ng pagtama ng bola sa raketa senyales na malalakas talaga ang pagpalong ginagawa nila.
Tawa naman ng tawa si Rick habang bigay todo sa pagpalo. Nagbato si Stan ng plastic bottle pataas sa direksyon ni Rick kaya imbis na 'yung shuttle ang tamaan ni Rick ay iyong bote. Nagmura si Rick. Kay Paul ang score.
"Gago ka, Stan!" binato niya pabalik kay Stan ang bote. Mabuti't lumabas saglit ang teacher namin at hinayaan kaming maglaro kundi masisigawan itong mga ito ng wala sa oras. Tumawa kami dahil sa pagwawala ni Rick dahil siya daw ang talo kahit siya ang lamang. Napatingin naman ako sa isang pares ng mata na kanina pang umaga matalim ang tingin sakin. Nagtama ang paningin namin at nakita kong nagtiim ang bagang niya at lalong tumalim ang tingin niya.
Kinunot ko ang noo at tumalikod na upang makapagsimula kami ni Asia na nakikitawa din sa mga lalaki.
"Asia, game!" pagkuha ko ng atensyon niya. Tumango siya. Nakatali na ang buhok ko kaya walang abala.
"Ok, five serve. Asia." tila ampire na sabi ni Yhen pagkatapos ihagis kay Asia ang shuttle.
Muli akong lumingon dahil parang matatapos na ang boys. Sina Paul at Keane na ang nakasalang, napangiti ako sa kalokohang ginawa ni Keane upang maka-score. Ngunit isang pagkakamali na itagos ko ang tingin dahil nasalubong ko nanaman ang matalim niyang titig habang nag-titiim ang panga. Kumunot din ang noo ko.
Bakit ba nagagalit siya sakin?!...
BINABASA MO ANG
Starts With A Dream
Teen Fiction"Memories from the past can hunt you in the future..."