The Dreamer

188 6 2
                                    

[Weh? Ano ikaw si darna? Naku tigilan ako ha.]

Tumawa ako at tinignan ang mga kasamahan na patuloy sa paghaharutan. "Hindi. Basta, tungkol sakin na ngayon mo lang malalaman."

[As if I care?]

Muli ay huminto ako at natulala. Ngumuso ako sa katotohanan. Oo nga naman, tch. Foolness of me. Tumahimik din ang kabilang linya at narinig ko ang malalim niyang paghinga. I was about to say goodbye when she suddenly..

[~..When you smile, everything's in place

I've waited so long, can make no mistake

All I am reaching out to you

I can't be scared, got to make a move..~]

Nakinig lang ako kahit naguluhan at lumundag ang puso nang marinig ko ang boses niya. Ayokong bigyan ng meaning kung bakit iyan ang kinanta niya. Paulit-ulit niya ng sinabi sakin kung gaanong wala siyang pakielam sakin.

[~..While we're young, come away with me

Keep me close and don't let go..~]

She has a talent but I can't say she's great, she just has the voice. Every lyrics come out to her mouth makes my heart pound. It's gay but what can I do? She's Calei anyway. Unti-unti ko nalang nakita ang sarili kong ngumingiti... ngunit hindi ko ramdam ang saya.

[~..Inch by inch, we're moving closer feels like a fairytale ending

Take my heart, this is the moment

I'm moving closer to you

I'm moving closer to you..~]

Nagkakagulo ang paligid ko ngunit isang boses lang ang naririnig ko, ang pumupukaw ng atensyon at... puso ko. Tumigil siya sa pagkanta at narinig ko ang sinasabi niyang pwede ko ng laitin ang boses niya pero hindi ko nagawang magsalita. Pinagsisisihan ko ng pinakanta ko siya dahil ngayon, wala na ako sa wisyo!

[Hoy! Ano na?!]

Ngumiti ako. Lutang sa isiping kinantahan niya ko kahit alam kong labag sa kalooban niya. Kinagat ko ang labi at tumingala. "Are you... moving closer?"

Hindi ako nakarinig ng sagot bagkus ay tunog lang ng electric fan ata iyon, hindi ko rin marinig ang paghinga niya kaya't tumingin ako sa screen upang kumpirmahin kung nasa linya pa siya. Nandoon pa naman kaya muli ko iyong binalik sa tenga ko, narinig ko na ang paghinga niya.

[Ulol.]

Natawa ako. Saglit kaming natahimik habang pinapakinggan ang bawat paghinga ng isa't-isa. Muli ay humugot ako ng malalim na paghinga at tumungo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Gusto ko siyang hawakan ngayon pero malayo siya. Tinagilid ko ang ulo saka nagpasyang patulugin na siya dahil masyado na kong abala.

"Sige na. Good night."

Tumikhim siya. [G-good night.] saka ko narinig ang pagkaputol ng linya.

Ilang minuto pa akong tumunganga sa screen ng cellphone ko. Napangiti ako ngunit agad ding nawala. Patayo na ko ngunit may dalawang pares ng sapatos ang nasa harapan ko kaya't nag-angat ako ng tingin doon. Tumaas ang kilay ko habang umuupo siya sa harap ko.

"So, what's with the sad smile?" nakangiti niyang sabi na parang nang-aasar pa.

"Paki mo."

Tumawa siya. "Tangna! Di bagay sa'yo."

"Lumayas ka sa harap ko, Vann."

Lalo siyang natawa. Tumayo nalang ako upang hindi ko na makausap pa ang unggoy na iyon. Ang sagwa sa mata ng mukha!

"Tell her." tumigil ako sa paglalakad at muli siyang hinarap. Nakaupo pa rin siyang nakayuko at nakatalikod sakin. "Walang mawawala. But if you just stand and do nothing, doon may mawawala."

Nanliit ang mata ko. "Anong pinagsasabi mo."

Humarap siya sakin na may malungkot na ngiti.. that really shocked me. Madalang ang ganyang ngiti ng isang Cai Joshvann Savellano. "Simply as.. mahirap mawala sa'yo ang lahat. In english, it's hard to lose everything means to you."

Pagdating sa bahay ay bumagabag sakin ang sinabi ni Vann. Malalim ang isip kong nakatingin sa kisame at isang pigura lang ang nakikita ko. Ang mukha niya.. hinawakan ko ang dibdib ko at huminga ng malalim. Walang may alam, maski ako hindi sigurado. Bawat hibla ng lamang-loob ko nagtatanong, at sino man ay walang makasagot. Magulo... sobrang magulo.

Bumangon ako at agad na nagbihis. Alas nueve palang kaya maaga pa. Bumaba ako at inabutang nasa kusina si mama.

"Ma. May pupuntahan lang ako saglit ha." habang isinusuot ang isang black leather jacket.

"Saan naman? Anong oras na."

"Basta po. Importante lang. Sige na, ma. Iyong pinto isara mo, ma ha."

Mabilis akong tumungo sa motor kong nakaparada sa gilid lang ng bahay namin. Agad ko iyong pinadyak upang agad na makaalis. Hindi ako mahilig magsuot ng helmet kaya ramdam ko ang malamig na simoy ng hanging dumadampi sa mukha ko. Lalo kong pinihit ang accelerator habang titig na titig sa daan.

Nababaliw na talaga ako...

Huminto ako sa isang pamilyar at dilaw na bahay at doon tumunganga. Tanging ilaw lang ng street light ang nagsisilbing ilaw ko. Mula doon ay pinagmasdan ko ang bahay nilang mukhang payapa na kahit may iilang ilaw pang nakabukas. Ni isang hakbang ay hindi ko ginawa upang mas mapalapit sa bahay na iyon.

"Sabi ko na nga ba. Andito ka nanaman."

Nilingon ko ang pamilyar na matandang lalaking nasa gilid ko. Katulad ko ay umupo din siya sa motor ko. Tumingin din siya sa bahay na tinitignan ko.

"Minsan iniisip kong tinitiktikan mo lang ang bahay na iyan at humahanap ng tamang tyempo upang pasukin." tumawa siya kaya't natawa na rin ako. "Pero kapag nakikita ko ang mga mata mong nakukuntento dito sa malayo ay napapanatag ako."

Huminga ako ng malalim. "Ang hirap kasing abutin, manong."

Tumawa siya. "Hanga talaga ako sa'yo, hijo. Kung iba iyan.. siguradong wala ng inaksayang panahon at pumanhik na diyan."

"Edi marami na pala akong sinasayang na panahon?" nakangiti kong tanong at muling pinagmasdan ang bahay na unti-unting namatay ang mga ilaw.

Tumingin siya sakin at muling ngumiti. "Hindi lang panahon, hijo... hindi lang panahon."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Tumingin siya sa bahay. "Nasasayang ang pag-asa." at muling bumaling sakin ng may seryosong mukha. "Ang pag-asang sana'y abot-kamay mo na siya."

Natigilan ako at pilit na ngumiti. Hindi ko lubusang kilala itong katabi ko, na ni pangalan ay hindi ko alam. Isa sa mga nakatira rito. Ngunit dahil palagi niya kong nakikita dito ay nilalapitan at nagkukwentuhan kami. Wala na kong tatay kaya madalas siya ang may alam ng nararamdaman ko. Kalahati na yata ng kwento ng buhay ko ay naikwento ko na, ngunit hindi ako natakot. Marami siyang sinabi tungkol sa nangyari sa kanya ngayong araw at nakinig ako doon kahit sumasampal sakin ang ginagawa at nagawa ko.

Ilang taon na ba akong pumupunta at nagtatago dito tuwing gabi?...

Starts With A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon