Secret
Nagpatuloy ang klase ng medyo lumutang ako, medyo lang. Nahirapan pa ko sa irereply ko kay Asia ngunit pinili kong bantaan nalang siya.
Me: Tumigil ka Khriasia Que! Hindi ako natuwa sa joke mo!
Wala na akong natanggap na reply ngunit narinig ko nalang ang hagikhik niya sa likuran. Nilingon ko siya at inirapan. Magsama sila! Kainis.
Natapos ang klase at naging maayos naman. Iyong folder pala na hinahanap ko ay hiniram nga pala ng isang kong kaklase kaya doon ko siya nayakap ng bongga. Ang tanga ko lang dahil nakalimutan ko, mangiyak-ngiyak pa ko kanina. Para akong baliw. Ka-stress!
Sabay-sabay kaming naglakad palabas ng campus. Nagpaalam ang boys na mag-iiba sila ng daan dahil magpa-practice sila ngayon kaya hindi nila kami masasabayan. Pagkalabas ay agad silang nagsitakbuhan na ikinagulat namin.
"Bakit nagtakbuhan 'yun?" tanong ni Yhen.
Narinig namin ang ilang mura at tawa nila sa isa't-isa. Parang mga batang durog lang. Nalaman naming kaya pala sila tumakbo ay nag-uunahan sila papunta sa studio dahil kung sino ang mahuli ay sasaraduhan ng pinto at hindi makakapag-practice ayon sa sigaw ni Rick.
Pagdating ko sa bahay ay saglit akong kumain dahil may naamoy nanaman akong niluluto ni papa bago umakyat para makapagpalit. Bumaba ako dahil nabitin ako sa konti kong kinain. Pagpatak ng alas sais ay dumating si squidward kasama si ate Shon.
"Woah! Long time no see ate! Kyaaa! Welcome back!" yumakap ako kay ate Shon.
"Yes. What, it's been a year I think." tumawa siya at lumapit kay papa. "Hi tito."
"Oh. Welcome back," nag-apir sila.
Ilang taon rin nasa Germany si ate Shon. Friend siya si squidward at dahil parang si Britney siya-not the alien part... naging close na rin kami. Medyo isip bata kasi itong si ate. But she changed a lot, she's prettier at mukhang nag-matured na.
"Yup, tito. Dito na po ako mag-aaral."
"Great. Saan?"
"Duh, pa? Of course in my school, finding her prince charming.." naka-irap na sabi ni squidward.
"Ha? prince charming? Gusto mo ng magka-lovelife, ate?" tumawa ako.
Pagak siyang tumawa. "Nope. Trying to bring back my love story.."
Kumunot ang noo ko. Kahit paano ay naintindihan ko. Ngumuso ako sa isiping sa tinagal-tagal niya sa Germany ay hindi siya nakahanap ng prince charming doon at talagang bumalik pa siya dito para lang balikan ang kung sino man. Haaay.
Inaya namin siyang doon na maghapunan. Ilang saglit pa ay dumating na rin si mama galing school. Masaya din sa muling pagkakita kay ate Shon. She's like a family to us, well lahat ata nang maging kaibigan namin ni squidward ay pamilya na rin nilang ituring. Kaso mas panatag ang mga lalaki kong kaibigan sa tatay ko, of course.
Natapos ang kainan namin at saglit nakisali sa usapan nila squidward at ate Shon pagkatapos ay dumiretso sa kwarto at naligo. Nagpatuyo ng buhok sa harap ng pc. Walang bago kaya naisipan kong patayin nalang at kung ano nalang ang gawin sa loob ng silid. Nakakita ako ng jackstone kaya iyon ang pinagdiskitahan ko. Maaga pa at hindi pa rin naman ako tinatamaan ng antok.
Nag-ring ang phone ko kaya na-touch ako sa nilalaro. Bahagya kong inangat ang sarili mula sa pagkakaupo sa sahig para abutin ang nagwawala kong cellphone sa maliit kong side table.
Savellano Calling...
Tumaas ang kilay ko at pinag-isipan kung sasagutin ko ba o hindi. Ngunit sa bandang huli ay sinagot ko na. Hindi ako nagsalita at pinakinggan lang ang malalim niyang paghinga. Kumunot naman ang noo ko nang marinig ko ang iilang pang-sayaw na tugtog sa background at nag-eecho pa iyon. Muli siyang huminga ng malalim.
[Pagod na ko.]
Lalong kumunot ang noo ko. "Paki ko?"
Hindi siya sumagot at mas lumalim pa ang paghingang ginawa niya. Na-guilty na ako dahil hindi niya ko sinigawan o anoman.
"Nagpa-practice pa kayo?"
[Hm.]
Kinagat ko ang labi. Tumingin sa orasan at medyo late na pero nandoon pa rin sila. May pasok pa bukas. I don't know but suddenly I felt awkward and I don't know what to say, gosh! "Uhm, bakit ka tumawag. Nagpa-practice pa pala kayo."
[Pinapatay na kami ni Stan at kuya niya.]
Mahina akong napatawa at na-imagine ang malambot niyang ekspresyon sa tuwing nagta-trums siya. If you don't know, this Joshvinn Savellano right here, is a one hell, childish guy! Hindi man halata pero utak-bata po iyan kapag hindi napagbigyan.
[Yes! Wala na, may energy na ko.]
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
[Just your little smile, baby. That's my energy booster.]
Kinagat ko ang labi at pinisil ng maigi ang ilong. Gosh! Anong tinira nito?! Damn, pati ako na ha-high!
"Shut up."
Humalakhak siya. Narinig ko rin ang bunganga nina Stan, Rick, at Paul. I think someone's torturing them. They are shouting and complaining. [Sige. Ayoko namang masyado kang kiligin baka hindi mo na ko pakawalan e,]
Lalong nag-init ang pisngi ko. Kinagat ko ang labi at ngumuso para lang hindi niya malamang natatawa ako. I dunno kung dati siguro ay minura at binabaan ko na itong gorilyang ito. "Kapal mo." sabi ko nalang.
Tumawa siya at muli nanaman kaming natahimik but I spoke cause silence is really killing me. Bakit parang ang gwapo ng paghinga niya? Psh.
"Bakit parang sila hirap na hirap na diyan ikaw patawag-tawag lang?"
[Haha. Gwapo kasi ako.] humalakhak siya ngunit tumahimik ako para iparating na waley siya doon. Tumikhim siya. [Tch, joke lang. Ewan ko, break namin. Mga gunggong lang.]
Tumango ako at kinutkot ang bola ng jackstone. "Hm.. so ano tumawag ka lang dahil bored ka?"
[Oo.] sumimangot ako at bigla naman siyang tumawa. [At ikaw lang ang magpapaalis nun.]
"Che!" tuluyan ko ng nakagat ang bola. Nakakainis! Nangigigil ako sa kanya!
Tumawa lang siya ng tumawa hanggang sa.. [Marunong ka kumanta?]
Nagulat naman ako. Hindi agad ako nakasagot dahil narinig ko pang pinuna siya ni Rick at nagmurahan sa mismong tenga ko!
"Bunganga mo."
[Sorry. Bwisit kasi na dugong iyon.] bahagyang humina ang linya at.. [Pakyu!] ngumiwi ako sa pagsigaw niya at talagang inilayo pa ang phone kahit maririnig ko naman. [Ano marunong ka kumanta?] pag-uulit niya.
"H-ha? Medyo lang."
[Nice. Sing me a song.]
"What? No way! I mean bakit?"
[Puuhleasee.]
"No. Tigilan mo ko."
[Sige na dali na. Para mas ma-boost 'yung energy ko.]
"Di uminom ka ng cobra!"
Ramdam ko ang pag-nguso niya ngayon. [It won't work. Please,]
"Ayoko nga. Pangit boses ko."
[Ayos lang tanggap kita kahit anong mangyari..] saka humalakhak. [Sing me a song then I'll say a secret to you.]
BINABASA MO ANG
Starts With A Dream
Teen Fiction"Memories from the past can hunt you in the future..."