All the time
Hindi ako nakapalag pa dahil natatakot din ako. Sanay naman akong umangkas sa motor ngunit sa maingat na pagmamaneho naman. Muli akong napalunok at napapikit kung gaanong kabilis ang takbo namin! Halos wala pang isang segundo kung lagpasan namin ang mga kasabay naming sasakyan!
Ako ang nasa unahan at siya ang nasa likod ko dahil sapilitan niya nga akong isinakay dito. At ngayon may balak na ata siyang magpatiwakal. Matapos kong dasalin ang ilang dasal ay sakto namang tumigil na kami sa tapat ng bahay nila Stan. Saglit pa kong huminga ng malalim bago bumaba. Ramdam ko ang marahang hilo at parang naduduwal ako pagkababa ko, nilunok ko nalang iyon.
"Ano kaya pa?"
Inis ko siyang nilingon at nakitang malawak ang pagkakangiti niya. Blanko ko siyang nilagpasan at naunang pumasok sa bahay nila Stan.
Nahilo ako dun ah! Gagong 'yon..
Walang katapusang tawanan at ilang mura ang naabutan ko pagkapasok ko. Natigil lang sila ng maramdaman ang presensya ko. Blankong tingin lang ang ibinigay ko sa kanila habang humahakbang ako palapit. Narinig ko ang pagkalansing ng susi niya kaya sigurado akong nasa likuran ko lang siya.
"Ang tagal niyo, bro." reklamo ni Stan habang nakaluhod sa sofa nilang magulo na.
Ngumisi siya. "Ang bilis nga namin e,"
Agad namang umakyat ang init sa ulo ko. Naalala ko nanaman kung gaano kami humarurot! Pag upo ko ay nakita kong mariin ang tingin ni Asia kay Vinn pagkatapos ay bigla siyang bumaling sakin, napatalon ako ngunit pilit siyang nginitian. Ngumiti din siya.
"Hayup ka Hans! Ang daya mo, walang hawak sa sahig, putcha!" naiiritang sabi ni Rick sa kapunong-braso na si Hans.
Nasa center table sila habang parehong nakaluhod. Umapela si Hans na hindi naman daw siya nandadaya. Natawa pa kami ng sundutin ni Paul ang kili-kili ni Rick kaya't mabilis siyang naitaob ni Hans.
"Hahaha! Weak!" ngiting tagumpay ni Hans saka tumayo at pinag-ekis ang braso sabay ginawa ang move na mas lalong nagpa-irita kaya Rick.
"Gunggong! Ang daya. Isa pa!"
Humalakhak naman sila at nagbatukan sa isa't-isa. Katabi ko si Paul kaya akma niya kong babatukan din nang lingunin ako ngunit napatigil siya ng ambahan ko. Napangiti siya at dahan-dahang ibinaba ang kamay na pumunta sa balikat ko.
"Dude! Lintek, nawalan ka ba ng ngipin at hindi ka makangiti dyan?" sabi ni Stan sa katabing si Vinn.
"Tch."
Kanina lang ang saya-saya niya dahil pinagtripan niya ko...
Wala sina Shin at Keane ngayon dahil may dadating silang kamag-anak ngayon. Luminga naman ako at napansing wala sa sala sina Brit at Yhen.
"Nasaan sina Brit at Yhen?" kalabit ko kay Asia.
Lumingon siya sakin. "Nasa likod, nagba-barbecue"
Kuminang ang mata ko. "Talaga? Tara, punta tayo!" pumalakpak pa ako.
Uminom muna siya ng juice bago tumango. Patuloy pa rin sa harutan ang boys at natanggalan na ng pillowcase ang iilang maliiit na unan doon. Tumayo kami ngunit nagulat akong tumayo rin si Vinn. Napatingin din si Asia sa kanya at saka tumingin sakin. Hinila ko si Asia at pasimpleng umirap sa hangin.
"Hoy! Mga ulol kayo, lagot tayo kay mommy!" dinig kong sigaw ni Stan.
Ilang hakbang palang ang nagagawa namin ng may kamay na umakbay sakin kay nilingon ko iyon. Nakita ko siyang diretsong nakatingin habang magkasalubong ang mga kilay.
BINABASA MO ANG
Starts With A Dream
Teen Fiction"Memories from the past can hunt you in the future..."