Time alone
Tahimik kaming nakasakay sa back seat. Pati na rin ang magkapatid sa harap. Hindi ko alam kung anong nangyayari, masyadong malabo. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang malamig na hangin kanina. Bigla nalang akong hinila ni squidward palayo doon matapos niyang singhalan si kuya Vann.
Muli ay narinig ko ang napakalalim na pagsinghap ni squidward sa tabi ni ate Shon. Tumingin ako kay ate Shon but she just smiled at me-a weak one.
"C.." halos pabulong na banggit ni Shin sa pangalan ko dahil kung lalaksan niya ay aalingawngaw na iyon sa sobrang tahimik na bumabalot sa kotse ni Chris. "Uh-dito na tayo."
Nagugulat akong napatingin sa tapat ng bahay namin. Tatango palang ako ng biglang bumukas ang kabilang pintuan indikasyon na lumabas na si squidward. Nag-aalangang tumingin sakin si Shin, nagtatanong ngunit miski ako ay walang sagot na mahagilap. Bumaba na kami ni ate Shon at nagpasalamat sa magkapatid. Nauna ng pumasok si squidward sa loob kaya't kinausap ko si ate Shon.
"Uh-ate. Papasok ka pa ba?"
Umiling siya at ngumiti, katulad kanina hindi ganoon kasaya. "She needs time alone."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. I will grab this chance to ask. "Bakit ate? Ano bang nangyari?"
Naramdaman kong nangapa siya at hindi alam kung magsasalita ba o ano. Naghintay ako ngunit tanging buntong-hininga lang ang natanggap ko.
Disappointed man ay nagsalita ako. "Sige ate, uwi ka-
"He is Cai Joshvann Savellano.." wala sa sariling sabi ni ate Shon. Pati buong pangalan, alam? Ang gulo! At ano ngayon? "Your sister's man..." tila nabingi ako. Hindi naman siya nag-french o kung ano pa mang ibang lenggwahe ngunit hindi ko iyon naintindihan! "Noon."
I found myself sitting on a bench with ate Shon. Hindi kami pumasok sa bahay, bagkus ay pumunta kami sa park. Hanggang sa makarating kami dito ay iyong huling sinabi niya ang nagpapa-ulit-ulit sa utak ko. Napitlag ako nang marinig ko ang tikhim niya at buntong-hininga. Nahihirapan siya, alam ko.
"We had a group. Specifically, we're dancers way back." Medyo nagulat pa ko ngunit ng maalala ko ang sinabi sakin ni squidward dati na nagkaroon siya ng grupo ay napanatag ako. Pati pala si ate Shon kasama niya. "Pero before we launched as a group or bago kami sumabak sa kauna-unahang contest na sasalihan namin ay nag-back out na ko. My parents disagreed, that's why pinatapon nila ako sa ibang bansa.."
Tumango-tango lang ako.
"Caeslei also wants to quit, but I pushed her to continue. Iyon ang gusto niya well, gustong-gusto niya, like me. Music is like a tattoo to her soul. I know kung gaano siyang lasing sa musika at pagsasayaw ang paraan niya para i-express ang nararamdaman niya sa tuwing musika na ang umiikot. Kaya hindi ako pumayag na mag-quit siya dahil lang sa wala ako. Gusto ko man siyang samahan, hindi pwede. Pero mas gusto ko na rin 'yung tanawin siya sa baba ng stage at pumalakpak kung sakaling magtatagumpay siya."
Tumingin ako sa kanya. "Nagtagumpay ba 'yung grupo niyo? Sabi niya kasi marami daw kayong fans."
Humalakhak siya. "Hindi na nga ako kasali sa kanila nung makilala sila ng tao. But yes, they captured everyone's heart. Bukod sa gwapo ang mga miyembrong lalaki ay hindi maipagkakaila ang akin nilang galing." Tumingala siya at tumitig sa langit na tila nakikita niya ang nakaraan. "They are like a star. Super star! Everyone like them, loves them. Walang hindi nakakakilala sa kanila. Fans here, fans there, fans everywhere. Kaya para silang mga artista kung sambahin. Pinipilit nila akong muling isama ngunit nasa ibang bansa na ko ng mga panahong iyon. Pero hindi naman ako tumigil sa pagsuporta, they took me as one of them kahit wala na ko. Ako ang naging manager nila."
BINABASA MO ANG
Starts With A Dream
Roman pour Adolescents"Memories from the past can hunt you in the future..."