Chapter 25

378 14 8
                                    

Maine POV

"Dei..." Malungkot na tinig ni Clide pagbukas nya ng pinto

"Ano bang nangyari ha?" Mahinahong tanong ko pero imbis na sumagot inakap nya lang ako

Mas nasigurado ko ngayon na wala na talaga..as in kaibigan na lang talaga ang tingin ko sa kanya. Pano ko nasabi? Dati pag niyayakap nya ko o kaya pagnakikita ko lang sya alam nyo yung may parang kiliti sa puso parang masaya ganun ba pero ngayon wala.. wala na yung feeling na ganun... Nakikita ko na lang sya bilang normal na tao na kaibigan ko. Ngayon nararamdaman ko na lang ay awa at pagkahinayang sa nangyayari sa kanilang dalawa ni Chloe.

Sayang yung taon.

Sayang yung oras.

Sayang yung pinagsamahan nilang dalawa.

"Papasukin mo muna ko Clide." Bulong ko dito at kumalas sa pagkakayakap.

Gumihit yung gulat sa mata ko nung nakita ko yung loob ng condo nya.

Sobrang gulo hindi lang pala gulo puro basag din na bagay, puro sirang gamit at kung ano pang pangdescribe sa salitang magulo at makalat.

Umupo ako sa may sofa eto lang kasi yung walang kalat at halatang dito siguro sya nakatambay dahil wala ni isang gamit lahat nasa lapag.. mukang nagwala nga talaga ang isang to.

"Gusto mo uminom?" Alok ni Clide habang may hawak ng mga boteng alak

"Hindi, ayoko!" Nakailing na sagot ko kaya pabagsak syang umupo sa tabi ko

Kung tititigan sya halata mong problemado talaga sya, gulo yung buhok, lukot lukot yung damit, yung muka halo halo ang emosyon.. lungkot, inis, galit, pagkadismaya. Naiintindihan ko naman kung bakit sya ganto. Well sino ba naman yung sasaya kung ipinatigil bigla yung kasal nyo ng taong mahal mo ng walang dahilan. Ang masakit pa don is yung mismong babaeng mahal mo yung may gawa nun.

"Dei.. bakit sya ganun? Kulang pa ba yung mga nagawa ko para sa kanya?" Mahinang simula nya habang lumalagok ng alak

Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa kanya. Kilala kilala ko si Clide, mahal na mahal na mahal nya si Chloe. Lahat ginagawa nya para kay Chloe. Pinaglaban nya sa parents nya kasi ayaw nung mga yon kay Chloe dahil nga may ugali si Chloe. Kahit maldita at hindi medyo kaganda ugali ni Chloe eh natitiis nya. Minsan nga nahuhuli pang may kausap o katext si Chloe na ibang lalaki eh pero pinapalagpas pa rin yun ni Clide kasi ang sagot ni Chloe eh 'kaibigan' lang naman yon. Wala eh! Ganun talaga mahal nya eh.

"Di ko na alam kung saan pa yung pagkakamali ko.. di ko na din alam kung ano pang gagawin para lang bumalik sya" sama samang lungkot inis yung boses nya

Nakikinig lang naman ako sa kanya, wala naman akong maisagot eh di ko rin alam kung ano isasagot ko.

"Kaninang umaga ang ganda pa nung usapan namin na pagtapos ng meeting is pupunta sya dito sa condo pero gabi na wala pa rin sya kaya tinawagan ko na baka kasi may nangyari ng hindi maganda sa kanya." Uminom muna sya ng alak bago nya ipinagpatuloy yung kwento nya

"Ilang beses ko syang tinawagan kaso pinapatay nya lang pero nung pang anim na tawag atsaka sya sumagot kaso ang bungad nya agad galit na boses sinasabi na makulit daw ako bat tawag ng tawag edi sinabi ko yung usapan namin atsaka Im her fiancee bawal ko ba syang tawagan?" Malalim na hininga ang pinakawalan nya bago lumagok ulit ng alak

"Binabaan nya ko ng tawag kaya tinawagan ko ulit sya pero agad din syang sumagot at galit na sigaw ang nadinig ko, sabi nya kung kukulitin ko lang daw sya lagi eh mas mabuti ng wag ituloy yung kasal namin. Binaba nya agad yung tawag pagkasabi nun kaya dinayal ko ulit kaso nga lang patay na yung phone nya. Dei alam mo yung hindi ko makuha yung dahilan nya? The fuck! Nakukulitan sya sakin kaya ano? Ipapatigil nya yung kasal? Ganun lang ba yon? Ganon lang kababaw?" Galit na sabi niya at hinagis yung boteng hawak nya kaya lumikha yun ng ingay, agad naman akong na alarma at hinawakan agad sya sa braso

Aba! Mahirap na matamaan pa kami ng bubog.

"Clide.. calm down!" Pag aalo ko sa kanya at tinapik tapik pa yung balikat nya

"Dei... Di ba? Kung nakukulitan sya sakin eh pede naman nyang maayos na sabihin? pede naman akong magbago? Pede ko naman baguhin yon para sakanya. Hindi yung sasabihin nya agad na itigil na yung kasal namin. Sobrang sakit! Sobrang sakit na yung nararamdaman ko. I love her.. so much!" Nakayuko at gumagalaw na yung balikat alam kong umiiyak na sya.

Yes! Ganon nya kamahal si Chloe.

'I love her.. so much'

Dati sobrang laking epekto sakin nung mga salitang yon, marinig ko lang sakanya yun naluluha na ko, sumisikip agad yung puso ko na parang dinudurog pero ngayon magaan yung pakiramdam ko wala na sakin yung mga sinasabi nya. Nakatingin lang ako sa kanya habang may lungkot yung mata ko.. nakakalungkot naman kasi talaga yung nangyayari sa kanya ngayon.

"Ano ng gagawin ko? Andaming tao na may nakaka alam na ikakasal na kami. Mga kaibigan namin, magulang nya at syempre sila mama. Di ko alam kung pano ko sisimulan yung paliwanag sa kanila ni hindi ko nga alam kung nasan si Chloe eh haha kakatawa lang na parang wala lang sakanya yung nangyayari." Nakangising sabi ni Clide at nagbukas ulit ng alak

Lumipas yung tatlong oras nakaupo pa rin ako dito sa condo ni Clide habang pinapanood sya magpakalunod sa alak. Minsan natatawa sya sa mga kwento nya, minsan naman umiiyak, minsan nagagalit. Lahat ng kwento nya nakinig lang ako sa kanya.

"Dei.. bakit ganun si Chloe? Di nya na ba ko mahal? O minahal nya ba talaga ko?" Malungkot na tanong nya

Halatang lasing na sya. Mapupungay na yung mata nya halatang gusto ng pumikit pero nilalabanan nya lang.

"Hindi ko alam. Pag usapan nyo muna ng mabuti.. yung kayong dalawa lang! Baka may problema sya kaya ganun na lang yung mga sinabi nya. Lahat naman may rason eh. Pahupaen mo muna ng isa o dalawang araw atsaka kayo mag usap ulit." Sumagot na din ako sa lahat ng kwento nya para matulog na sya at makauwi na ko.

Naging tahimik naman sya sa sagot ko kaya kinuha ko yung bag ko at nilabas ang phone ko. Its already 2:30 am. Oh my god! Nakita ko din na may 10 messages at 1 missed call mula kay Rj kaya bubuksan ko sana yon pero nagsalita ulit si Clide

"Dei.... Masama ba kong boyfriend?" Biglang tanong nya kaya napatingin ako sakanya

"Ewan ko! Hindi naman ako si Chloe" simpleng sagot ko at ibabalik na sana yung tingin sa phone ko pero bigla na lang akong niyakap ni Clide

"Bakit kaya hindi na lang ikaw yung nagustuhan ko?"

___________________________________________

VOTE AND COMMENT!

THANK YOUUU!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marry me (AlDub/Maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon