Maine POV
"Hi Maine" nakangiting bati niya habang nakasandal sa kotse nya
Tssss inirapan ko nga lang sya at pumasok na sa kotse nya feeling close amputa.
"Saan ba tayo pupunta?" Naiiritang sabi ko... Broken hearted na nga ko dahil sa sinabi ni Clide tapos nakikisabay pa tong lalaking to
"Sa masayang lugar... Para hindi ka na maging malungkot at laging nakasimangot dyan" napatingin naman ako sa kanya pssshh as if naman na may pakelam sya kung malungkot man ako o ano
"Ikaw ba wala kang trabaho? O kaya kung ano man ang gusto mong gawin? At ako yung trip mo?" Nakasimangot na tanong ko pero ang balugang to tinawanan lang ako
"Hindi ba uso sa inyo ng magazine? O kaya newspaper ganon?" Nakangiting sabi niya habang nagdadrive
"At bakit? Nandon ka ba? Ha Ha Ha ang taas naman ng pangarap mo. Feeling sikat ka naman." Naka irap na sabi ko pero lalo lang lumakas yung tawa nya... Wala na ba syang ibang gagawin kundi tumawa lang? Muka syang tanga
"Ako si Rj Faulkerson pero mas kilala bilang Al-----"
"Wow! May screen name ka pa? Ano ka? Artista? Reporter?" Di naniniwalang sabi ko
"Hindi ako artista o kaya reporter no. Ang baduy non" mayabang na sabi niya
"Eh ano ka? Isang banchelor na nagmamay ari ng isang malaking kompanya o hotel? tssss imposible! Sa itsura mo pa lang parang wala ng laman yang utak mo" sagot ko sa kanya with matching acting pa
"Hahahaha wag mo na nga lang intindihin yung trabaho ko yung buhay mo na lang yung pag usapan natin" tumatawang sabi niya
"Bakit? Baka itsismis mo pa ko" biro ko sa kanya
"Itsismis? Hoy pasalamat ka nga dyan at tinatanong kita eh ngayon lang kaya ako naintriga sa isang tao lagi kasi ako yung tinatanong nila" mahangin na sabi niya kaya tinignan ko sya ng 'weh di nga?'
"Totoo yon no! Wag na nga lang yon. Ano bang trabaho?" Tanong niya
"Wedding organizer kaya pag may kakilala kang ikakasal samin mo na irekomenda ha?" Aba! Para hindi sayang yung pagsama ko sa kanya malay mo may kaibigan syang ikakasal
"Sige ba! Basta may parte ako dyan ahh" tignan mo to... sakin pa kumuha ng raket nya
"Oo na!" Napipilitan pang sagot ko
"Nandito na tayo" masayang sabi niya kaya napatingin ako sa paligid ko... San naman kaya ako dinala nito?
Sa Park? Wow! Eto na yung masayang lugar?
"Tara" sabi niya at lumabas na ng kotse
"Oh hindi ka bababa?" Tanong niya kaya napairap ako amputa inugat na ko dito kaka antay na pagbuksan nya ko ng pinto pero wala. Wala syang pakiramdam hindi man lang gentleman.
"Tirik na tirik ang araw ahh at nakashades ka pa dyan" pang aasar na sabi ko.. Para kasing tanga eh nakasalamin salamin pa eh makulimlim naman
"Baka kasi may makakilala sakin" nakangiting sabi niya
"Feelingero ng taon" bulong ko
Akala mo naman talagang sikat sya at maraming taong nakakakilala sa kanya
"Bat ka na naman ba umiyak kanina?" Biglang tanong niya habang naglalakad lakad kami dito sa park
Sasabihin ko ba kung bakit? Pero hindi ko naman to kaclose.... Kaso alam naman na nya yung tungkol kay Clide dahil sa kadaldalan ko nung lasing ako kaya okay lang siguro kahit ikwento sa kanya to kasi hindi naman nya kilala si Clide eh atsaka kailangan ko to ilabas kasi baka sumabog pagkinimkim ko to
BINABASA MO ANG
Marry me (AlDub/Maiden)
Фанфик"Si bestfriend kasi eh hindi ako yung mahal" -Maine "Bat di na lang kasi ako?" -Alden