Maine POV
Nandito lang kami sa bahay ni Rj nakatambay nagkukwetuhan, nagkukulitan nagbibiruan, kumakain at kung ano pang trip namin. Hindi boring kausap yung barkada ni Rj kasi lahat sila kabog at nakakaenjoy kasama. Atsaka mabuti na rin to kasi nauubos yung oras ko at nakakapaglibang ako para hindi ko muna maisip si Clide na walang paramdam.. I guess busy nga talaga sya ngayon sa paghahanda ng kasal nila ni Chloe
"Alam nyo ba etong si Alden--- ayy si Rj pala wala pang nagiging syota yan hahahha" tumatawang kwento ni Elmo
NGSB pala sya? Hahaha ako din naman NBSB ako pero kaya ako ganon eh kasi... Inaantay ko si Clide! Eh sya kaya bakit wala pang nagiging girlfriend? May inaantay din? Mapili sya? Ayaw nya pang maggirlfriend? Busy sya? Baka naman choosy sya
"Okay nga yon eh! Dapat ganon yung lalaki.. Isang lang ang maging babae sa buhay" sabat ni Barbz
"Hindi dapat ganon no! Dapat mag explore ka para malaman mo yung ibat ibang ugali ng mga babae" sagot sa kanya ni Josh... Aba! Hinahamon hata si Barbz ahh pero alam kong hindi nagpapatalo yan si Barbz sasagot din yan
"Tsss para sayo ganon! Eh babaero ka pala eh! Lakas loob ahh... Wala naman sa muka" natawa naman ako sa sagot ni Barbz hahaha hindi lang pala ako ang natawa pati yung mga kasama namin dito
"Hoy Babaeng kinulang sa height kung makapagsalita ka dyan eh hindi ka naman Chick" sagot naman sa kanya ni Josh
Hahaha laftrip ako don sa part na 'babaeng kinulang sa height'
"Hoy ka din...Lalaking mukang mamon! Excuse you lang hindi ako chick dahil tao ako at kung Chick pala ang hanap mo eh don sa farm madami don" napahagalpak kami sa sagot ni Barbz hahaha sabi ko naman sa inyo eh kay Barbz ako bunganga palang nyan wala ng tatalo
"Boom! Basag!"
"Hahaha muka ka palang mamon pre"
"Walang masagot hahaha" pang aasar nila Kris kay Josh na ang sama ng tingin kay Barbz na ngiing tagumpay
"Nice Sis" nakangiting sabi ko at nag apir pa kami
"Ako pa ba Sis! Yung Mga mukang mamon dapat talaga binabasag.. Pati muka" mayabang na sagot niya kaya lalo kong natawa
"Pauwiin mo na nga yan Alden" nakasimangot na utos ni Josh
"Sino si Alden?" Takang tanong ko kaya napatigil sya at nakitang sinamaan sya ng tingin ni Rj
"A-ahhmm yung isa ko lang kaibigan" nauutal na sagot niya kaya tumango tango na lang kami
Alden? Narinig ko na yon eh hindi ko lang maalala kung saan pero parang pamilyar sakin yung pangalan na yon.. San ko nga narinig yon? Hmmmm....
**Bzzttt bbzzztt**
Fr. Clide
Dei... I need you
Ano daw? He needs me? Bakit? Naghiwalay na ba sila? Hindi na tuloy yung kasal? Kailangan nya ng karamay ngayon?
"Bakit?" Biglang tanong nung katabi ko... Si Rj
"Nagtext kasi si Clide" simpleng sagot ko at pinakita sa kanya yung text
Bakit? Close na kami ni Rj eh
"Baka hiwalay na sila..di kaya? Baka hindi na tuloy yung kasal kaya malungkot sya at kailangan nya ko.. Kailangan nya ng karamay sa---- awww" daing ko nung bigla nya kong pinitik sa noo
Hindi rin naman kami nadidinig nila Barbz dahil Una nagbubulungan kami at pangalawa ang lakas ng mga boses nila habang nagkukwentuhan
"Ano ba yang iniisip mo? Hiwalay na agad? Hindi na agad tuloy? Kailangan nya ng karamay at ikaw yon? Wag mo nga isipin yon ng dahil sa isang text malay mo may ipapasuyo lang sayo kaya ka nya kailangan wag ka agad magassume na hindi na tuloy ang kasal nila... Baka masaktan ka lang" napatitig naman ako sa napakahabang sinabi ni Rj
At kailan pa sya naging love adviser? Rumaraket pa hata sya sa radyo bilang dj
"Oh napatitig ka naman agad dyan! Baka mamaya ako na yung gusto mo hindi na yung bestfriend mo aahh" pinalo ko naman agad sya sa braso dahil sa kayabangan na sinabi niya
"Mayabang" bulong ko rito
"Okay lang basta dalang dala sa muka" Nakangising sabi nya kaya tinapakan ko yung paa nya kaya agad syang yumuko para hawakan yon ako naman natatawa sa itsura nya hahaha ang saya pag nakakaganti ka
"Sweet"
"Ano meron sa inyo?"
"May something?" Nanghihinalang tanong nila pagkatingin ko sakanila na kanina pa pala nakatingin saming dalawa ni RJ
"Wala no! Friends lang kami." Mabilis na sagot ko pero yung mga tingin nila halatang hindi naniniwala kaya tumayo na lang ako
"Uuwi na nga pala kami.. May pupuntahan pa ko eh" sabi ko
"Uuwi na agad? Maya maya" aba! Mukang nag eenjoy tong si Barbz dito
"Edi maiwan ka muna dito" sagot ko sa kanya pero mabilis syang tumayo at hinawakan yung bag
"Nako Sis! Wag na. Sasabay na ko sayo baka rape-in pa nila ko no" nagtawanan naman yung mga boys dahil sa kaOAan ni Babrz
"Hoy Babaeng kinulang sa Height lakas mo ahh ni wala ngang korte yang katawan mo" pang aasar na sabi ni Josh
"Ang kapal ng muka mo par----"
"Sige na! Bye" putol ko kay Barbz at hinila na sya palabas... Eh hindi na naman sila titigil eh kailangan ko ng umalis pag hindi ko pa to hinila aabutin pa ng syam syam
**Bbzzzztt bbbzzzttt**
Fr. Mr. RJ
Take care.... Wag mong kalimutan yung sinabi ko
Sinabi niya? Alin don? Ang dami nyang sinabi kanina eh... Aahh baka yung wag magassume na hindi tuloy yung kasal para hindi ako masaktan.. Yon ba?
"Oh ano? Tatanga lang tayo dito?" Daldal ni Babrz habang naghihintay umandar yung sasakyan...ako kasi yung magmamaneho
"Hoy! May something sa inyo ni Rj no?" Tsismosang tanong niya
"Friends nga lang kami" mabilis na sagot ko
"Friends? Yung galawan nyo kasi kakaiba" pang asar na sabi niya kaya hindi ko na lang sya pinansin at nagfocus na lang sa sa pagdadrive kasi hindi yan titigil hanggat may sagot ka eh
"Layas na! May pupuntahan pa ko" pagtataboy ko dito ng marating kami sa harap ng bahay
"Saan ka ba pupunta? Anong oras ka uwi?" Parang nanay na tanong niya
"Kila Clide nagtext kasi sya eh.. Hindi ko alam kung what time ako uwi" sagot ko sa kanya
"Ewan sayo! Clide na naman Sis ikakasal na sya ahh paalala lang" sabi niya habang pababa ng kotse
Kaya nya nga ko tinext eh kasi baka hindi na tuloy yung kasal nila di ba? Kailangan nya ko ngayon para may mapagkwentuhan sya
To. Clide
Papunta na ko..
Mabilis rin naman ako nakarating sa condo nya kaya nagmamadali akong umakyat sa room number nya
**Tok tok tok tok tok**
"Dei" nakangiting bati niya pagkabukas ng pinto at niyakap pa ko
Bat parang hindi naman sya malungkot? Bat parang masaya naman sya...
"Bat mo nga pala ko tinext Clide?" Tanong ko pagkaupo ko sa sofa
"Kailangan kita... Ayy hindi! Mali pala. Kailangan ka namin ni Chloe" masayang sabi niya... Talaga ngang masaya sya at parang walang kapoble problema..eh bakit nya pa ko tinext ng 'i need you' kung ayos naman pala sya
"H-ha?" Nagtatakang tanong ko
"Kailangan namin ng Wedding Organizer sa kasal namin at ikaw agad ang pumasok sa isip ko" naeexcite na balita niya
Wag mong sabihin na....
"Kaya sana pumayag kang ikaw na lang ang maging Wedding organizer sa kasal namin"
A-ano daw? A-ako? Wedding organizer? Nila?
____________________________________
Vote and comment!
Salamat po hahahahaha
BINABASA MO ANG
Marry me (AlDub/Maiden)
Fanfiction"Si bestfriend kasi eh hindi ako yung mahal" -Maine "Bat di na lang kasi ako?" -Alden