Alden POV
"San ba tayo pupunta?"
"Hoy.. Saan ba kasi?"
"Rj bat ang tagal naman ng byahe?"
"Rj san ba punta natin?"
"San mo ko dadalhin Rj?"
Sa dami dami dami dami dami ng tanong nya tanging "Basta" lang lagi ang sagot ko sa kanya pero sadyang makulit talaga to dahil paulit ulit nya pa ring tinatanong yon pag ako nainis baka masabi ko na sa kanya kung san yung punta namin ng matahimik na sya pero SSOOOBBRRAA yung pagpigil na ginagawa ko sa sarili ko ngayon para lang hindi ko masabi kung san kami pupunta kasi hindi na surprise yon pag sinabi ko sa kanya tssss..
"HOY BINGI KA BA? SABING SAN TAYO PUPUNTA EH?" napapikit ako sa lakas ng boses nya.. Pambihira parang nabasag yung eardrums ko ehh tapos kulob pa dito kasi nasa kotse kami at nakasara lang ng bintana
"Princess.. Wag ka na mang sumigaw ohh nagdadrive ako" nakangusong sabi ko pero bigla ba namang lumapit sakin at tinapat yung bibig sa tenga ko
"San tayo pupunta Rj? Pag di mo pa sinagot tatamaan ka na sakin" bulong niya sakin kaya natawa ako.. Ang kulit! Sabing secret ehh
"Sabing basta eehhh.. Secret nga Princess" natatawang sagot ko kaya nakanguso syang umayos ng upo
"Sagutin mo na kasi yung tanong ko" bulong niya pa habang nakasimangot kaya lumapad lalo yung ngiti ko
"O sige na sinasagot na nga kita di ba? Magpapakasal na nga tayo eh" nakangising sabi ko kaya agad na matalim na tingin yung binigay nya sakin
"Kapal ng muka! Lapit ka nga dito ng masapok ko yang muka mo" nakabusangot na sabi niya kaya tinawanan ko lang sya Hahaha she's cute!
"Kung alam ko lang tong lugar na to nakkkkuuu kanina pa ko bumaba at iniwan tong hambog na to.. Tapos ni hindi pa ko binabati ng happy valentines day pucha kahit wala ng regalo basta mabati lang nya ko pero leche lang hindi hata nya alam na ngayon yung araw na yon. Nakakaasar akala mo gwapo pero gwapo naman sya pero kasii bbaassta! Bwiset" bulong sya ng bulong habang nakasimangot na nakatingin sa bintana kaya kinagat ko yung pangibabang labi ko para mapigilan yung pagtawa ko
"Nandito na tayo" nakangiting sabi ko
"Mabuti naman tsss" masungit na sabi niya at bumaba na agad ng sasakyan kahit hindi ko pa sya pinagbubuksan
"Sungit" bulong ko at bumaba na rin ng sasakyan
"Simbahan? Magsisimba tayo?" Tanong niya
"Princess naman..malamang magsisimba tayo alanganamang magparty tayo dyan" nakangising sagot ko pero agad ding napalitan ng daing yung itsura ko kasi naman tinapakan na naman nya ko
"Masakit Princess.." Sabi ko habang pinapagpag yung paa ko
"Sige wag mo pang ayusin yung sagot mo tatamaan ka talaga! Ibig kong sabihin ehh bakit dito pa tayo magsisimba pwede naman yung malapit lang sa lugar natin" nakairap na sabi niya kaya hinawakan ko na lang yung kamay nya at hinila sya palakad
"Gusto ko kasi dito tayo magpakasal" simpleng sabi ko kaya napatingin sya sakin
"Bakit?"
"Dito kasi nagpakasal yung parents ko ehh at hanggang ngayon hindi pa sila naghihiwalay kaya gusto ko tayo din ganon yung mangyari" paliwanag ko
"You think na... Kaya natin yon?" Nakatungong tanong nya.. Alam ko namang may feelings pa rin sya kay Clide pero ginagawa ko ang lahat para lang makalimutan nya na yon at ako na yung pumalit.. Alam kong iisipin ng iba na pwedeng ginagamit lang ako ni Maine para makalimutan nya si Clide pero ako? WALA AKONG PAKELAM! Basta ang mahalaga.. Makalimutan lang nya yon.
"Oo naman.. Promise! Gagawin ko ang lahat para sayo" seryosong sabi ko at hinigpitan yung pagkakahawak sa kamay namin
"Promises are meant to be broken.. Kaya wag kang magpromise dyan" seryoso ring sagot niya kaya hinila ko sya para mayakap ko sya
"I'll do everything just to keep all my promises to you"
____________________________________
Maine POV
Alam mo yung naiirita ako? Ngayon yon ehh! Nako... Kung wala lang talaga ako sa simbahan baka may nasugod na ko dito ehh.
Sus! Pano ba naman.. Habang inaantay namin ni Rj na magsimula yung misa ehhh may nakaupo sa harap namin na grupo ng kakabaihan at hagikgikan pa ng hagikgikan sa harapan habang tumitingin samin Opppsss mali! Habang tumitingin pala kay RJ. Eh yung Imbyerna ako dahil don! Hindot. Bwiset harot hata ang pinunta nila sa simbahan hindi misa eh.
"May problema ba Princess?" Bulong ni Rj kaya kahit meron ehh umiling na lang ako
"Di ba yan yung Banchelor na si Alden?" Dinig kong bulungan nila
"Oo beshie.. Gwapo nga talaga hahaha at ang hot niya" sagot naman ng isa habang tinitignan si Rj... Eh kung tsenelasin ko yung mata nya?
"Yeah right! Eh sino yang kasama nya?" Tanong naman nung isa habang pinapadaanan ako ng tingin
"Baka yung napapabalitang fiancee nya" bulong na sagot nung isa
Isang malaking OO ang gusto kong isagot sa kanila na ako yung FIANCEE na pinagnanasahan nila. Mga leche kung makapagbulungan eh mas malakas pa sa mike na nagsasalita sa harap ng altar
"Yan yong fiancee nya? Tsss mukang katulong nya ahh" sinamaan ko agad ng tingin yung nagsabi non
Wow! Hiyang hiya naman ako sa itsura nya eh mas muka pa nga syang katulong sakin. Badtrip!
"Baka hindi naman yan yung fiancee nya muka namang kasing alalay ehh" AAYYY SHUTANGINA! AWATIN NYO NA KO BAKA MAGKASHOW DITO SA SIMBAHAN ORA MISMO!
Tatayo na sana ako ng bigla akong hapitin ni Rj palapit sa kanya
"Relax Princess" bulong niya sa tenga ko pero wala na yung salitang 'RELAX' sakin ngayon dahil sa mga babaeng hukluban na to
"Hindi! Namumuro na sakin tong mga to eh. Muka ba kong katulong?" Inis na tanong ko kay Rj pero napangiti pa sya... At talagang ngumiti ka pa ahh lalo kong nababadtrip!
"Ngumingiti ka pa dyan? Eh kung iwan kita dito?" Bwiset na sabi ko pero sumiksik lang sya sa leeg ko at don nagpipigil ng tawa.
Bawal kasing maingay sa simbahan!
"Cool ka lang kasi nasa simbahan tayo Princess" bulong niya pero nababadtrip pa rin talaga ako sa mga babaeng to lalo na't ngayon na nakatingin sila samin habang nagtatawanan at nagbubulungan. Kamusta naman yon di ba? Talagang mabibwiset ka! Itsura pa lang nila kabadtrip badtrip na.
"Ayokong magrelax.. Naiinis na ko sa mga to pag ako hindi nakapagpigi-------"
.........
.........
.........
Amputa! Feeling ko walang nag iingay ngayon tanging tibok lang ng puso ko yung nadidinig ko.. Sobrang bilis at sobrang lakas at nahihirapan din akong huminga... Ka-ka--kasi k-ki-kiniss nya k-ko sa l-lips. Kahit na sandali lang yon at parang dinikit nya lang ehh kiniss nya pa rin ako. Kiniss ako ni Rj.... Wala na yung first kiss ko!
"Ba-bat mo g-ginawa y-yon?" Nauutal kong tanong sa kanya
"Pinraktis ko lang yung 'You may now kiss the bride' sa wedding natin"
____________________________________
Vote and comment!
Salamat ng marami hahahahahha
BINABASA MO ANG
Marry me (AlDub/Maiden)
Fanfiction"Si bestfriend kasi eh hindi ako yung mahal" -Maine "Bat di na lang kasi ako?" -Alden