Maine POV
"I think... Im falling for you Maine"
Halos lumabas na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito... Ano daw? Taena! Nabibingi na ata ako!
Falling? Nahuhulog? Sino? Sya? Kanino? Sakin? WWAAAHHHH Bobita ata ako.. At hindi ko maiintindihan yung sinabi niya.
"May nagmamahal na ba sayo? Kung wala'y ako na lang..."
Lalong nalalag yung panga ko ng bigla itong kumanta...kumalas ito ng yakap para harapin ako at hinawakan ang kaliwa kong pisngi gamit ng isang kamay nya..
"Lahat ibibigay sayo.. Nang walang alinlangan...."
Ang ganda... Ang ganda ng boses nya nakakagaan ng loob pero hindi pa rin nawawala yung pagkabilis ng tibok ng puso ko feeling ko nanlalambot na yung tuhod mabuti na lang at hinapit ako ni Rj palapit sa kanya
"Sana'y bigyan naman ng pansin ang puso kong ito ohh.."
Nakatitig lang sya sa mga mata ko habang patuloy sa pagkanta kahit gusto kong mag iwas ng tingin ehh hindi ko magawa..
"Kaya tanong ko lang.. Kung may nagmamahal na ba?.."
Bahagya itong lumapit sa muka ko at tinapat yung bibig sa tenga ko.
"Sana'y ako na lang...."
Hindi ako makagalaw.. Literal! Na hindi ako gumagalaw.. Sobrang nahihirapan din ako makahinga kasi feeling ko pati yung hangin na para sakin ehh sya na rin ang kumukuha..... Medyo OA man pero yun yung feeling ko ngayon! What the hell!
"Princess... Please! Dont hurt me.." Mahinang bulong nya at niyakap ulit ako pero ngayon mas mahigpit na... Na para bang walang makakakuha sakin
"Rj...." Tawag ko dito pero hinawakan nya lang yung batok ko at siniksik sa leeg nya... Ambango mga bes hahaha!
"Dont talk Princess... May sasabihin pa ko..." Sabi niya kaya tumango na lang ako at inantay yung sasabihin niya
"Maghihintay ako... Maghihintay ako hanggang maging ako na kasi alam kong sya pa rin..." Kahit hindi ko man nakikita yung muka nya alam kong may halong lungkot yung pagkasabi niya
"Dont worry.. Im going to wait Princess no matter what happen.. Like i said Ill do everything for you" seryosong boses nito at hinawakan ang magkabilang pisngi ko
"Im falling Princess.. Please catch me!" Wika nito at masuyo akong hinalikan sa noo
"Happy Valentines again! Im going! Sleep well Princess.. Good night" ginulo nya pa yung buhok ko bago sya lumakad paalis
Ako? Eto nanigas na hata at hindi makagalaw dahil sa mga pinagsasabi ni Rj..
"Hoy! Andito ka na pala Sis? Bat ka nakatanga dyan?" Tanong ni Barbz habang pababa ng hagdan
"Okay ka lang Sis? Parang abnoy itsura mo.. Real talk" inirapan ko naman tong Barbz na to dahil sa sinabi niya
Ang ganda ko kaya ayy mali dyosa pala ako hahaha
"WOAAHHH! Ang laki ng bear! Kanino galing? Kay Rj sigurado!" Tignan mo to tanong nya sagot nya rin tsss
"San gora mo? Bihis na bihis ahh" puna ko ng nakapang alis to.. Gabi na lalayas pa
"Sa bar lang sis! Icecelebrate ko yung valentines ngayon.. Sama ka?" Aya nya habang sinusuri yung mga bigay ni Rj sakin
"Ayoko! Matutulog na ko" simpleng sagot ko dito
![](https://img.wattpad.com/cover/74543201-288-k507403.jpg)
BINABASA MO ANG
Marry me (AlDub/Maiden)
Fanfic"Si bestfriend kasi eh hindi ako yung mahal" -Maine "Bat di na lang kasi ako?" -Alden