Maine POV
Medyo naging close kami ni Rj netong mga nakaraang araw kasi lagi kaming magkatext at kung minsan magkatawagan kahit walang kwenta at puro kabaliwan lang pinag uusapan namin eh nakakatagal kami. Masarap syang kasama at kausap inaamin ko yon hindi sya boring at hindi rin sya nauubusan ng topic. Tama na rin to may pagtuunan ako ng pansin muna para hindi ko maisip si Clide na hindi man lang nagpaparamdam kasi malamang busy nga sa pag aasikaso sa kasal nila.
"May mga gwapo bang kaibigan yang sinasabi mong Rj ha?" Tanong ni Barbz habang nagsusuklay sa harap ng salamin
"Aba! Hindi ko alam kita mong mamaya ko lang rin makikita yung mga yon" sagot ko naman habang namimili ng damit
Eh pinapapunta ako ni Rj sa kanila eh kasi may bonding daw silang barkada at kailangan pumunta daw ako para makilala ko sila atsaka isama ko daw yung kaibigan ko para makilala nya rin
"Nako! Pag yang mga yan hindi man lang gwapo o kaya may abs tsss sayang lang effort kong mag ayos" balik niya
"Atsaka yung kinababaliwan mong Rj ngayon dapat hot din sya ah" dagdag na daldal nya kaya napa irap ako.... Mamaya nya lang din makikita si RJ eh
"Kinababaliwan ka dyan"
"Totoo naman eh! OH MY GOD. Wag mong sabihin na crush mo na sya baka mamaya mabalitaan ko kayo na pa-----"
"Imbento ka na naman dyan eh. Alam mo at alam natin kung sino yung gusto ko di ba?" Napatigil naman sya sa kaOA yan nya
"Tssss move na kasi Sis magpapakasal na yung Bestfriend mong ewan" naka irap na sagot niya
Tama! Move on na.... Pero pano? Tuwing mag isa ko laging pumapasok sa isip ko eh Clide Clide Clide Clide! Minsan napipikon na ko sa sarili ko eh
**Krkrriinnngg krriinnggg***
"Hello?"
"Saan na kayo?" Tanong ni Rj
"Teka lang naman! Nagmamadali. Nag aayos pa lang kami! Kami na lang ba inaantay?" Balik na tanong ko
"Oo! Kaya pakibilis naman Miss Maine oh" dinig kong angal nya
"Wow pero pag ikaw naman late sa kitaan natin hindi ako naangal sayo" reklamo ko rin habang nag susuot ng relo
"Eh kasi may Meeting ako sa---- Wala. Wala! Sige. Ayokong nag aantay Miss Maine! See you later" sagot nya lang at binaba na yung tawag
Psshhh! Feelingero talaga tong isang to eh kala mo busy talaga sya eh puro gala lang naman ang alam nya ni hindi nga nag tatrabo yon umaasa lang sa magulang nya.. Pano ko nalaman? Eh sinabi niya sakin
"Tapos ka na ba Barbz? Tara na" aya ko kaya tumango naman sya
Nagkotse na kami papunta don para mas mabilis kami baka kasi magreklamo na naman yung Rj na yon.
___________________________________
Alden POV
"Anong kabaklaan naman to Alden ha?" Sabay na dating ni Elmo at Kris
"Ayaw nyo pa? Dito ko na nga gaganapin yung panglilibre ko sa inyo" buraot na sabi ko
"Siguraduhin mong maraming pagkain ahh" paniguradong sabi nila
"Ano meron?" Dating naman ni Jeric
"Wala! Nga pala darating si Maine ahh kasama yung kaibigan nya" sabi ko sa kanila kaya nagtinginan ng mga nakakaloko tong mga to
"Kaya pala may ganto ka pang nalalaman darating yung Maine" nakangising sabi ni Elmo
"Long time no see mga Dre" napatingin agad kami sa pinto ng madinig namin yon
BINABASA MO ANG
Marry me (AlDub/Maiden)
Fanfiction"Si bestfriend kasi eh hindi ako yung mahal" -Maine "Bat di na lang kasi ako?" -Alden