Alden POV
"Pre ano yung nabalitaan naming ikakasal ka na?" Tanong ni Elmo
"Tsismis lang ba yon?" Si Josh naman
"Sorry kayo.. Hindi tsismis yon! Totoo yon" pagmamayabang ni Kris
Dumayo kasi tong mga kupal na to sa pamamahay ko kasi Sunday naman daw.. Dapat nga aalis kami ni Maine ang kaso may kikitain silang customer ngayon
"Di nga? Ikakasal ka na?"
"Sigurado ka ba dyan?"
Parang tangang tanong nila.. Bawal bang ikasal pag sobrang gwapo?
"Oo nga! Ngayon lang ba kayo nakabalita ng gwapong ikakasal? At ganyang kayo kung makareact" nakangising sabi ko kaya binato nila ko ng chichirya na kinakain nila
"Pucha! Parang naglilinis kayo ahh" inis kong sabi pero tinawanan lang nila ko eh kung palayasin ko sila ngayon din sa bahay ko?
"Sino naman yung babae?" Tanong na naman ni Elmo
"Maganda ba? Chics ba sya? Sexy?" Naeexcite na tanong ni Josh kaya sinipa ko sya.. Walang kwentang tanong
"Syempre naman! Si boss pa ba" natatawang sabi ni Kris
"Talaga? Sino ba kasi?" Tanong nila
"Si Maine" simpleng sagot ko kaya napatunganga sakin yung dalawa
Bakit? Problema nito?
"Si Maine? Yung nakilala namin dito?"
"Yung bestfriend nung babaeng kinulang sa height?"
"Oo.. Wala ba kayong dyaryo sa bahay? O kaya TV ? At hindi nyo nakita kung sino yung girl" sabat na sagot sa kanila ni Kris
"Eh nakitsismis lang ako sa mga babaeng nadadaanan ko eh" nagkakamot sa batok na sabi ni Josh
"Si Josh lang nagbalita sakin" sabi naman ni Elmo
"Eh di ba sabi mo mag 'kaibigan' lang kayo ni Maine?" Pinagdiinan pa talaga ni Elmo yung mag Kaibigan lang
"Oo nga! Atsaka kakakilala nyo lang di ba? Par! Ang bilis mo naman" nakangising sabi ni Josh
"Eh gusto na naming magpakasal ehh.. Anong pakilam nyo?" Simpleng sabi ko at tumungga ng coke
"Pero boss masyado lang kasing mabilis" sagot ni Kris
"Don naman din ang punta pinapabagal pa" sagot ko lang sa kanila pero nandon pa rin yung mga tingin nila mapanghinala
"Yung totoo pre.. May nangyari ba sa inyo ni----- aray ko! Hindot" daing ni Josh nung binato ko sa kanya yung unan.. Sapol sa muka eh! Ang dumi naman kasi ng isip
"Anu anong pinag iisip nyo! Hindi ba pwede mahal ko sya at mahal nya din ako kaya kami magpapakasal" inis na sabi ko kaya tumango tango naman sila
Naisip ko bigla yung sinabi ko
Hindi ba pwedeng mahal ko sya at mahal nya din ako.. Sana nga.. Ganun ang mangyari"Okay sabi mo eh"
"Sige na! Susuportahan ka na namin"
"Oo nga! Tama na ngal ngal" malokong sabi nila kaya tinignan ko sila ng masama
"Asan nga pala si Jeric?" Tanong ko bigla
"Oh may Fiancee ka na nag hahanap ka pa ng iba" nakangising sabi ni Elmo
"Tarantado mo" balik ko sa kanya kaya tumawa lang sya.. Kupal!
"May business trip daw sya don sa Japan kaya lumipad kahapon" singit ni Kris
BINABASA MO ANG
Marry me (AlDub/Maiden)
Fanfiction"Si bestfriend kasi eh hindi ako yung mahal" -Maine "Bat di na lang kasi ako?" -Alden