Chapter 20

3K 141 18
                                    

Maine POV

Sa totoo lang kinakabahan ako ngayon. My ghad! Hindi ko alam kung dahil ba dito sa lalaking kaharap ko ngayon habang nakasuot ng simpleng V-neck shirt at pants o dahil kameeting ko maya maya sila Clide tssss hindi ko alam leche! Pero sa tingin ko dahil dito sa lalaking kaharap ko eh..

"You okay?.. Lets go! Baka malate ka pa" nakalabas dimple na sabi ni Rj at inabot yung kamay sakin na nanginginig ko pang kinuha

Anak ng toklay talaga ohh.. Na o-awkwardan hata ako kay Rj dahil sa nangyari kagabi amputa naman kasi ehh pakanta kanta pa sya tas kung anu ano pang pinagsasabi tsk!

"Bat ka pinagpapawisan? Ayos ka lang ba? Laksan ko yung aircon?" Nag aalalang tanong ni Rj habang yung isang kamay pinupunasan yung pawis ko habang yung kabila hawak yung manubela

"H-hindi! Okay lang ako" Ano ba Meng! Umayos ka! Wag kang mautal.

"You sure?" Paninigurado nya habang sinasaglitan ako ng tingin

"Yeah.. Haha okay lang talaga" kahit nalilito sya sa kinikilos ko eh tumango na lang sya at nagdrive ng maayos

Relax Meng! Ano ka ba! Si Rj lang yan. Potakte! Yon nga eh si Rj nga yan whhooo! Naloloka na ata ako.

"We're here Princess" nakangiting sabi nya at bumaba ng sasakyan at pumunta sa side ko para pagbuksan ako ng pinto

"T-thanks..." Parang tangang sabi ko tsss

"May lagnat ka ba? Ano? Ano masakit? May masakit ba?" OA na sabi ni Rj habang hinihipo yung noo ko at leeg

"Wala akong sakit! Ano ka ba... Ano lang kasi eh.. Hmmm.. Ano--- Wala! Wala lang to" pagtatanggi ko

"Anyayare sayo? Okay ka lang ba talaga? Gusto mo uwi na lang tayo?" Agad akong umiling sa tanong nya

"Eh bakit ganyan ka?" Nakakunot noong tanong niya

Anong isasagot ko? Ano? Ano? Dahil naoawkwardan ako sa kanya? O masyado syang gwapo ngayon o kaya ano? Ano ba?

"Wala! Ang gwapo mo lang kasi ngayo----" napatakip agad ako ng bibig nang maisip ko kung anu anong pinagsasabi ko

Shutangna Menggay! Bakit mo sinabi yon? Naaaning na ata ako.

"Talaga? Im handsome? Ano ka ba Princess... Maliit na bagay lang yon" ngiting ngiting sagot ni Rj.. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh lalaki lalo ulo ng isang to eh

"Che.." Naka irap na sagot ko pero nagulat ako ng bigla nya kong inakbayan at nilapit yung muka nya sa muka ko

*Dug dug dug dug dug dug dug dug*

PPPOOTTAANGNAAA! YUNG HEART KO HINAHABOL NG HORSE!

"Ikaw din.. Your so beautiful.. Kaya wag ka ng mahiyang sabihan ako ng gwapo" tinapakan ko nga agad yung paa nya kaya napalayo sya sakin at hinawakan yung paa nya

Ayon na eh! Okay na sana pinuri nya na ko pero ano pa nga ba aasahan sa isang to? Kelangan kasama may papuri din talaga sa sarili nya tsk!

"Aaaarraayyy!" Daing ni Rj habang nakayuko kaya napatingin ako

"Bakit?" Tanong ko dito nung hindi pa rin tumatayo to.. Kadalasan kasi pagkatapak ko tumatayo agad sya pero ngayon hindi nakayuko lang sya

"Ansakit.." Bulong nya kaya yumuko na rin ako para tignan baka kasi napalakas masyado yung tapak ko sa kanya

"Saan ba yung masakit?" Alalang tanong ko kaya tumingin sya sakin na may paawang muka

"Eto oh" nguso nya sakin sabay sabing...

Marry me (AlDub/Maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon