Maine POV
"Oh ano ayos na ba?"
"Yung mga pagkain? Okay na ba?"
"Yung cake?" Tanong ko sa kanila
"Yes po! Okay na po lahat" sagot sakin ng staff ko
*Krrrrriiinnngggg**
"Hello? Bakit? Busy ako ngayon Clide" sabi ko
"Dei" malungkot na tinig ni Clide sa kabilang linya
"Oh bakit? Nag away na naman kayo?" Tanong ko
"Oo! Pwedeng ....punta ka dito" sabi niya
"Wag ngayon bukas na lang! Busy ako ngayon! Nasa isang wedding ako ng client"
"Please! Punta ka na! Wala akong kasama" malungkot na sabi nya kaya huminga ako ng malalim
"Sige! Wait for me" sabi ko at binaba ang tawag
"Okay lang ba ang lahat?" Tanong ko nagsitanguan naman sila kaya hinanap ko si Barbie
"Sis! Ikaw munang bahala dito ha" sabi ko sa kanya
Si Barbie Forteza bestfriend ko at assistant ko sya dito! Magkasama rin kami sa bahay dahil parang magkapatid na ang turingan namin
"Bakit? Tumawag na naman ba si Bestfriend?" Nakangising tanong nya
"Oo! Kaya ikaw muna dito"
"Si dakilang bestfriend ng bayan oh! Ayan *clap* *clap* *clap* oh ayan binigyan na kita ng tatlong palakpak ang tanga mo eh" pumapalakpak na sabi niya
"Tanga na agad pupuntahan ko lang naman si Clide?"
"Oo! Hindi lang kasi basta bastang Clide yon... yung Clide na yon eh ang bestfriend mong mahal mo! Isang 'Dei nag away kami' 'Dei punta ka dito' 'Dei galit sya sakin' 'Dei' 'Dei' ikaw naman tong si Bestfriend punta agad"
Kung hindi ko lang to bestfriend sinapak ko na to eh! Bunganga talaga nangingibabaw!
"Oo na! Mamaya na tayo mag usap! Ikaw na bahala dito ah"
"Oo na lagi naman eh" sagot niya kaya umalis naman agad ako nakakotse naman ako kaya mabilis lang
Tama si Barbie! Ako.... Ako ang dakilang Bestfriend ni Clide Flores.... Bestfriend, kapatid, nanay at kung minsan pwede ring alalay pero hindi pwedeng maging girlfriend kasi may ibang syang mahal at si Chloe Santos yon! Kaya hanggang Bestfriend lang talaga ako! Wala ng pag asa! Ako si Nicomaine Dei Mendoza.... 23 years old! Wedding organizer pero ako naman yun nagmamay ari ng pinagtatrabahuhan ko! Mga magulang ko? Si mama patay na sya nung 18 ako may sakit kasi sya tapos si papa naman nasa ibang bansa may sarili na syang pamilya pero hindi nya naman ako pinabayaan!
*Tok tok* *tok tok*
"Dei" malungkot na bungad ni Clide at niyakap ako
"Ano bang nangyari?" Tanong ko at pumasok sa condo nya
"Nagalit na naman siya sakin" nakayukong sabi niya
"Bakit na naman?"
"Kasi puro daw akong selos... eh tinanong ko lang naman kung sino yung lalaking kasama nya sa picture" nakayuko pa ring sabi niya
Nako! Hindi ko talaga maintindihan kung anong nagustohan ni Clide don sa malditang Chloe na yon eh
"Eh baka naman kaibigan nya lang yon" pag aalo ko sa kanya
"May kaibigan bang? Naka akbay tapos halos magkadikit na sila?" Nakayukong sabi niya
Oo nga naman! May kaibigan bang ganon?
BINABASA MO ANG
Marry me (AlDub/Maiden)
Fanfiction"Si bestfriend kasi eh hindi ako yung mahal" -Maine "Bat di na lang kasi ako?" -Alden