Chapter 9

2K 113 8
                                    

Alden POV

"Rj... Di ba ang tanga ko no?" Ilang beses na ba tinatanong sakin ni Maine yan? Mga bente? Lasing na kasi siya kaya paulit ulit.. Ilang beses ko na syang inaawat pero ayaw magpagil kaya iniba ko na yung iniinom nya... Sa sobra nya hatang lasing eh hindi nya nalalasahan na C2 na lang yung iniinom nya ngayon.. Binili ko don sa lalaki kanina hindi pa naman bukas kaya binili ko

"Alam mo ba si Clide... Yung bestfriend ko.. Ikakasal na sya" kwento na naman ni Maine

"Oh edi icongrats mo sila" sagot ko na lang kahit paulit ulit nya ng sinasabi yan

"Ano ko? Tanga talaga?" Sagot naman ni Maine

"Hindi naman sa ganon---"

"Pero tanga nga ako kasi alam mo kinongrats ko sila ang sabi ko pa 'best wishes' oh di ba ang plastik ko?" Lasing na sabi ni Maine at tumungga ulit ng C2

"Bakit naman plastik? Hindi ka ba masaya sa bestfriend mo?" Para lang akong tanga di ba? Halata naman na hindi sya masaya

"Masaya... kung hindi ako inlove sa kanya pero tang ina lang inlove ako sa bestfriend ko eh" umiiyak na nasabi ni Maine kaya napatingin ako sa kanya

Umiiyak na naman sya ng dahil don

"At eto pa okay na sana eh ...Oo.. sige magpakasal sila at balak ko magpakalayo na lang para di ko masaksihan yung kasal nila" aba! Bago hata etong kinukwento nya ahh baka eto na yung nangyari kanina kaya umiiyak na naman sya

"Oh anong nangyari?" Tanong ko habang nilalagay yung buhok nya sa likod ng tenga nya

"Pero pucha lang kinuha pa nila ako bilang wedding organizer... ano yon? Ako pa mag aayos ng kasal ng taong mahal ko fuck shit talaga" Pagpapatuloy ni Maine

Wedding organizer?

"Tinanggap mo?" Tanong ko ulit

"Aba! Syempre! Bestfriend nga ang peg ko di ba?" Iyak tawang sabi ni Maine... Pano nya nagagawa yan? Umiiyak tas tatawa

"Oh anong plano mo ngayon?"

"Wala! Ano pa bang magagawa ko kasi naman......AHHH para makalimutan ko sya magpakasal na rin kaya ako? Kailangan mauna ako sa kanya di ba?... Oo tama! Magpapakasal na rin ako" lasing na sabi nito at mapupungay ang mga mata na humarap sakin

"Marry me huh?" Nagulat naman ako sa tanong niya.. Ano daw? Marry her?

"Sige na please" kulit niya habang hawak pa yung damit ko

"Ha? RJ? Pakasalan mo ko! Kahit ngayon, bukas o sa lalong madaling panahon" dagdag ni Maine at hinawakan yung pisngi ko

"Maine! Lasing ka lang" sabi ko dito pero agad syang umiling

"Hindi ako lasing! Tignan mo" sabi ni Maine at parang baliw na sumayaw

"Ano? Marry me huh? Ha? Rj?" Aya na naman ni Maine kaya napatitig ako sa mata nya na puno ng kalungkutan

"Marry me please?" Umiiyak na sabi ni Maine kaya napahinga ako ng malalim

"Okay! I will marry you!" Sagot ko habang pinupunasan ko yung luha nya

"I will marry you... So please dont cry" bulong ko kaya tumango tango naman sya at niyakap ako

"Thank you Rj..." Bulong nito

Ilang sandali pa ay nararamdaman ko ng malalim na yung paghinga nya hudyat na tulog na ito kaya dumukot muna ako ng pera at nilagay yon sa table bago ko sya binuhat ng maayos at dinala sya sa kotse

"Pakakasalan kita..." Mahinang sabi ko habang nilalagay sa gilid yung buhok nyang nakaharang sa magandang muka nya at hinaplos ang pisngi nito

Bakit kaya hindi sya yung nagustuhan nung Clide? Bulag ba yon? Hindi pinapaiyak ang mga ganitong babae...

"I want to protect you to the people who make you cry...I want you to forget that Clide boy... I want you to be my wife.. I want you to love me so I can love you too.. I promise I wont hurt you.. I want you to be happy because i dont like to see you crying like that.. So yes.. i will marry you" mahabang sabi ko bago hinalikan sya sa noo at pinaandar na yung kotse.

____________________________________

Maine POV

WHAT THE FUCK!

UUUGGGHHHH... ANSAKIT NG ULO KO!

SHUTANG INANG ALAK YAN!

"Wake up na .. Miss Maine" dinig kong sabi kaya napadilat ako ng mata kahit ang sakit ng ulo ko at nandito sa gilid si Rj nakatayo habang nakatingin sakin

Tssss.. Dito na naman pala ako nakatulog sa bahay nya? Bat paglasing na lasing ako dito bagsak ko? Nakakahiya konti..

"Ugghh..Ang sakit ng ulo ko" daing ko habang umuupo sa kama

"Gusto mo uminom di ba? Okay lang yan" sinamaan ko naman sya ng tingin pero nginitian nya lang ako at inabutan ng tubig

"Anyare kagabi? Wag mong sabihin may ginawa na naman akong kabaliwan?" Tanong ko pagkatapos kong uminom ng tubig

"Kabaliwan? Hmmmm......" Nag iisip na sabi niya kaya napatingin ako sakanya at nakalagay pa talaga yung daliri nya sa baba nya na kala mo matalinong nag iisip

"Hmm.. I think.. Hindi naman yon kabaliwan" napakunot noo naman akong tumingin sa kanya ... Pinagsasabi nito?

"Ha? Hindi kabaliwan? Haayys! Mabuti naman" nakahinga ako ng maluwag nung malamang wala kong kahihiyan na ginawa kagabi

"Eh ano palang ginawa ko?" Tanong ko dito

"You asked me to marry you"

A-ano daw? Teka! May tutuli na ata ako hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya.

Ako? Nag aya ng pakasal? Sa kanya?

"Wa-wait... Te-teka lang ahh.. Nagjojoke ka ba?" Tanong ko dito pero nakita kong seryoso sya at hindi tumatawa kaya kinabahan ako bigla. Kingina! Kala ko ginu-good time nya lang ako

"Im serious.. Tinanong mo yon kagabi" talagang seryosong sabi niya kaya napalunok ako... Sa tingin ko hindi naman sya pumayag di ba?

"A-ano sinago----"

"I answered Yes! I will marry you" mabilis na sagot nya kaya nalaglag yung panga ko

"R-rj naman.. Al-alam mong la-lasing ako non di ba tapos----" napatigil ako ng maisip ko yung mga pinagsasabi ko kagabi

"Wala! Ano pa bang magagawa ko kasi naman......AHHH para makalimutan ko sya magpakasal na rin kaya ako? Kailangan mauna ako sa kanya di ba?... Oo tama! Magpapakasal na rin ako"

"Marry me huh?"

"Sige na please"

"Ha? RJ? Pakasalan mo ko! Kahit ngayon, bukas o sa lalong madaling panahon"

"Maine! Lasing ka lang"

"Hindi ako lasing! Tignan mo"

"Ano? Marry me huh? Ha? Rj?"

"Marry me please?"

"Okay! I will marry you!"

"I will marry you... So please dont cry"

"Thank you Rj..."

Shit! Shit! Shit! Ano na namang tong pumasok sa kokote ko at kung ano anong pinag iisip at pinag sasabi ko.

Siguro naman wala lang kay Alden yon di ba? Pero pagtingin ko sa kanya.. He's so damn serious! Walang nababakas sa kanya na nagbibiro sya at seryoso talaga syang papakasalan nya ko... Pero bakit? Bakit kailangan nyang umo-o don pwede naman syang humindi eh.

Ano ng gagawin ko?

____________________________________

Vote and comment!

Thank you po hahahahha

Marry me (AlDub/Maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon