Maine POV
"Kaya sana pumayag kang ikaw na lang ang maging Wedding organizer sa kasal namin"
A-ano daw? A-ako? Wedding organizer? Nila? Fuckshet lang!
"S-sorry Clide pero A-ayoko" nakayukong sabi ko... Bat ako nakayuko? Parang naiiyak na kasi ako eh
"Bakit? Dei naman.. Pumayag ka na please? Babayaran ka rin naman namin atsaka gusto ko lang talaga na ikaw yung mag ayos ng kasal ko dahil ikaw ang bestfriend ko" paliwanag nya kaya parang lalong nagbabadya yung luha ko
Bestfriend? Bestfriend lang talaga ang tingin nya sayo Meng kaya sobrang wala ng pag asa
"Please Dei? Last na to promise! Parang wedding gift mo na rin to sakin please.." Paki usap nya kaya kahit sobrang ayokong pumayag eh tumango na lang ako bakit? Best friend nga nya ko di ba?
"YES! Thank you Dei" masayang sabi niya at niyakap pa ko kaya napapikit ako
Clide? Sobrang hirap ba kong mahalin at hindi mo kayang gawin yon?
"Hmmm best wishes! Sige na Clide text mo na lang ako kung kelan pag uusapan yung Wedding nyo. Aalis na ko kasi may pupuntahan pa ko eh" dahilan ko at kahit hindi pa sya sumasagot eh tumakbo na ko palabas ng condo nya... Kasi hindi ko na mapipigil yung luha ko gusto na talaga nilang bumagsak kaya kahit pinagtitinginan ako habang tumatakbo ko eh wala akong pake! Gusto ko ng umiyak eh
Pagdating ko sa parking agad akong pumasok sa kotse at yumuko sa manubela
"Bat kasi minahal pa kita Clide kahit alam kong may mahal ka ng iba?"
"Bakit kasi hindi na lang ako?"
"Bakit kasi may mahal kang iba?" Bulong ko habang umiiyak dito sa kotse
Dahan dahan kong kinuha yung phone ko para may tawagan
*Dial. Dial. Dial. Dial**
"Hello Miss Maine? Namiss mo agad ako? Ikaw naman kakakita lang natin kani----"
"Rj...." Tawag ko dito
"Wait... Bat ganyan boses mo? Are you crying? Nasaan ka? Bakit ka umi---"
"Punta ka sa Park please.." Bulong ko at binaba na yung tawag
Hindi ko rin alam kung bakit si Rj yung tinawagan ko imbis na si Barbz basta ang alam ko kailangan ko tong ilabas at ikwento sa iba baka kasi sumabog na sa sobrang dami ng sakit....
____________________________________
Alden POV
Pagka labas nila nilabas ko agad yung cellphone ko para matext sya
To. Ms. Maine
Take care.... Wag mong kalimutan yung sinabi ko
Ano yung sinabi ko na wag nyang kalimutan? Hindi yon yung mga advise advise ko sa kanya kundi yung mga biro ko ang dapat nyang tandaan...
Baka mamaya ako na yung gusto mo hindi na yung bestfriend mo aahh
Nitong mga nakaraang araw hindi ko maintindihan yung sarili ko kasi para bang lagi kong gustong kasama at makausap si Maine kaya eto gumawa pa ko netong bonding kuno para lang makita ko sya at makasama...
"Oh wala na sila? Tara na sa bar" pag aaya nila pero nagbihis muna ko bago kami umalis
**Bar**
"Hoy Alden! Girlfriend mo ba si Maine?" Tanong ni Elmo kaya napatingin ako sa kanya
"Bakit mo natanong?" Tanong ko rin sakanya
"Wala lang! Yung mga galawan nyo kasi eh" nakangising sagot niya
BINABASA MO ANG
Marry me (AlDub/Maiden)
Fanfiction"Si bestfriend kasi eh hindi ako yung mahal" -Maine "Bat di na lang kasi ako?" -Alden