Maine POV
Hindi ako makapagfocus dito sa meeting dahil patingin tingin ako kay Rj na tahimik lang na naglalaro sa telepono nya...
Aish! Bakit kasi hindi ko natsismis kay Rj na wala na si Mama.. Kaasar naman kasi! Feeling ko talaga ako may kasalanan kahit wala naman hata kasi hindi naman sya nagtatanong tungkol don kaya hindi ko rin nasasabi sa kanya pero naman nakakabanas! Nagiguilty talaga ako!
"Ahhhmmm.. Dei.. Nadinig mo ba ko?" Kalabit sakin ni Clide kaya napatingin ako sa kanya tssss kay Rj kasi ako nakatingin
"A-ano Clide? I-im sorry! Ano ba yon?" Lutang na sabi ko
Pambihira! Umayos ka Meng! Yung trabaho mo. Trabaho!
"You okay? May masakit ba sayo?" Nag aalalang sabi ni Rj pero kita mo pa rin sa mata nya yung inis at lungkot.
"O-okay lang ako R-Rj.. I-ikaw o-okay ka l-lang ba?" Natatarantang sagot ko at tumingin sa kanya ngumiti naman sya pero alam kong peke lang yon
"Oo naman Princess.." Simpleng sabi niya at hinawakan yung isa kong kamay kaya tumango na ako at tumingin ulit kay Clide
"Clide.. Pwede bang next time na natin to tapusin?" Tanong ko sa kanya kaya agad syang nagtaka
"Bakit? Masama ba pakiramdam mo?" Balik na tanong ni Clide at tangkang hahawakan ako sa noo pero agad akong umiwas at napatingin kay Rj
"Hindi! Aalis kasi kami ni Rj ehh" dahilan ko dito at hinawakan sa kamay si Rj na nagtataka rin sa sinasabi ko
"Ahhh okay sige.. Text na lang kita! Kung kelan ulit" nakangiting sabi ni Clide
"Salamat! Sorry ahh" paumanhin ko dito kaya ngumiti lang sya at tumayo kaya tumayo rin ako at nakipagkamay sa kanya
'"Bye pre...Bye Dei! See you when I see you" kumakaway na paalam ni Clide
"Let's go" aya ko kay Rj na naguguluhan
"Saan tayo punta?" Tanong niya pero tumayo na rin at hinawakan yung kamay ko
"Sa bahay mo... Nagugutom ako" simpleng sabi ko habang papalakad kami palabas
"Nagugutom? Edi kain muna tayo dito! Wala atang pagkain sa bahay ehh" paliwanag nya pero hinila ko pa rin sya palakad papuntang parking
"Magluluto ako! Paglulutuan kita" nakangiting sabi ko kaya binalikan nya ko ng ngiti at tango
"Masarap ba luto mo?" Nang aasar na sabi niya
"Pagnatikman mo na tsaka ka manglait dyan okay?" Balik ko sa kanya kaya tumawa sya
"Okay.. Nagtatanong lang naman ako hahaha" tumatawang sabi niya habang inaalalayan nya ko papasok ng kotse
"Daan muna tayo sa SM! Grocery tayo" aya ko sa kanya kaya nakangiti naman syang tumango
Yung ngiti nya totoo na hindi katulad kanina na peke...
"Ano bang ingredients na kakailanganin mo?" Tanong ni Rj habang nagtutulak ng cart at palingon lingon sa paligid tapos yuyuko din minsan.. Nakashades at cap pa kaming dalawa at baka daw may makakilala samin tsss para kaming artistang nagtatago eh
"Basta! Sekretong ubod ng lupet yon." Nakangiting sagot ko pero nanlaki bigla yung mata ko ng hapitin nya ko bigla sa bewang papalapit sa kanya
"Rj.. Hoy! B-baka may maka-k-kita satin .." Nauutal na sabi ko amputa naman kasi biglang kumalabog yung puso ko ehh atsaka sobrang lapit ng muka nya sa muka ko
"Bawal mo bang ishare yang 'sekretong ubod ng lupet' mo sakin?" Bulong nya kaya ramdam na ramdam ko yung hininga nya at wag ka ang bango ng hininga nya kahit na kumain na sya kanina... Nilalantakan nya siguro yung toothpaste pag wala syang magawa
BINABASA MO ANG
Marry me (AlDub/Maiden)
Fanfiction"Si bestfriend kasi eh hindi ako yung mahal" -Maine "Bat di na lang kasi ako?" -Alden