Chapter 10

2.2K 119 9
                                    

Maine POV

APAT NA ARAW.

Apat na araw na kong hindi makatulog ng maayos dahil sa kakaisip dyan sa kasal na yan.. Hindi ko nga alam kung sa kasal ba nila Clide o sa kasal na-namin ni R-rj yung iniisip ko ehh.. Amputa! Nababaliw na hata ako kakaisip! Tapos kahapon.. Eto pa bes.. Kahapon binigyan ako ni Rj ng sing sing. Takte! Lalong hindi ako nakatulog kagabi. Jusko! Siguro pagkalipas ng dalawang araw eh nasa mental na ko at nasiraan na ng bait.

"Hoy ayos ka lang? Alam kong adik ka talaga pero hinay hinay lang o kaya itigil mo na kasi hindi maganda epekto sayo.. Nyeta Sis naghehello sakin yung eyebags mo" daldal ni Barbz habang nakatingin sa mga papers nya

Nandito kasi kami sa office at sa totoo lang para kong zombie dahil nga kakaisip dyan sa mga kasal na yan.

"Tigilan mo ko leche" nakairap na sagot ko at kunwari naging busy sa kakatingin dito sa table ko

"Nga pala Sis bakit nagpapaschedule si Clide sayo? Ano meron?" Takang tanong niya kaya napatingin ako

"Kailan daw?" Tanong ko lang dito

"Sa Sunday daw! Bakit? Schedule schedule pa hindi naman customer" tsss hindi ko pala nasabi kay Barbz na kami mag oorganize ng kasal nila Clide

"Customer sya"

"Ha? Customer? Bakit? Ayy shet... Wag mong sabihin tayo mag oorganize nung kasal nila" nakalingon na sabi sakin ni Barbz

"Yun yung last wish ni Clide dahil bestfriend ko daw sya kaya gusto nya ako mag ayos" pag iiwas ko ng tingin sa kanya

"At pumayag ka naman?" Mataray na tanong nya kaya tumango na lang ako

"Wow! Just wow Sis! Alam kong lahat naman tayo may taglay na katangahan pero yung sayo nasobrahan ata. Bakit mo tinanggap? Alam mo naman kung ano sayo yung Clide na yon di ba? Si Clide yung lalaking ma----"

"Wag na nating pag usapan. Basta samahan mo na lang ako sa Sunday pagnakipag usap ako sa kanila" putol ko sa kanya kaya kahit ayaw nya pang tumahimik eh tumahimik pa rin sya kasi alam nyang ayokong pag usapan yon

"Sis Ano---- Wow! Ang ganda ng sing sing ahh! Yayamanin. Arbor! Akin na lang" nakangiting sabi niya habang hawak yung kamay ko at tinitignan yung sing sing ko... Punyeta hindi ko napansin nandito na sya sa tabi ko.. Mabilis kong tinago yung kamay ko

"Hindi pwede!" Mabilis na sagot ko kaya nangunot yung noo nya.. Leche! Bat parang pinagdadamot ko tong sing sing? Naku po! Baka ano isipin ni Barbz ang lakas pa namang mangutob nyan!

"Bakit? Kanino ba galing yan? Ikaw ha! May jowa ka na no? Sino? Si Rj ba?" Ayan na nga ba sinasabi ko eh ang galing manghinala ni Barbz eh kaya wala kang matatago dito o ...kaya masyado lang ata kong obvious?

Eh kasi naman dapat sasabihin ko kay Rj nung araw na yon eh lasing lang ako kaya ko nasabi yon at wag nyang paniwalaan kaya wag na kaming magpakasal pero pagtingin ko sa mata nya parang gusto nya talaga kong pakasalan at determinado talaga sya kaya pumayag na ko.... Kasi ako naman ang nag aya sa kanya atsaka tama na rin to para talagang makalimutan ko na si Clide ... At isa pa baka masaktan si Rj pagbinawi ko yung sinabi ko na magpapakasal kami... Ang hindi ko lang alam eh kung trip nya lang ba ko? O seryoso talaga sya.

"H-ha? H-hindi ahh bakit naman nya ko b-bibigyan ng s-sing sing?" Damn! Wag kang mautal lalong lalakas hinala nito eh

"Bakit ka nga ba bibigyan ni Rj?" Mapang asar na tanong niya

"Hi-hindi n-nga si R-rj yung---"

"Ang talino ko talaga! Galing galing" proud na sabi niya sa sarili niya nung napansing nauutal talaga ako. Tangna naman kasi eh!

Marry me (AlDub/Maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon