Maine POV
Unti unting gumigilid yung mga taong nakikitsismis para makadaan yung lalaking nakasuit.. Damn! Ang hot nya.
Natulala hata ako kasi ngayon ko lang syang nakitang nakasuit palagi kasing pants, short, tapos t-shirt ang suot nya pero ngayon.. Hindi! Naka black suit sya at isa lang ang masasabi ko.. He's fucking handsome!
"Sis.. Kala ko ba rumaraket lang si Rj? Ano to?" Bulong sakin ni Barbz kaya pati ako naguluhan
Si Rj? President ng hotel? Pero pano? Alam ko talaga rumaraket lang to eh sabi nya rin sakin di ba?
"Let her go" seryosong sabi ni Rj kaya binitawan agad ako nung babaeng to
"Lagot ka na! Andyan na si Sir." Nakangising sabi sakin nitong babae
Sir? Batukan ko pa sa harap nyo tong presidente nyo eh
"Anong nangyayari dito?" Napatingin naman ako kay Rj kasi yung boses nya eh professional na professional sya pero pagkasama ko naman sya parang nakatakas sa mental.
"President sila yung nagorganize nung kasal nila Mr. And Mrs. Villanueva at ang dami nilang palpak na ginawa.. Sir baka makasira sa hotel natin ito" sa babaeng to naman ako napatingin.. Tang ina talaga neto! Hinahamon ako kanina pa eh konti na lang susungalngalin ko na gilagid nito.
"Pigilan mo ko Sis.. Sasampalin ko na yan" inis na bulong ni Barbz sakin pero wala akong balak na pigilan sya..sampalin nya na! Maganda yon ng masampolan tong isang to
"Excuse me! Gaya ng sinabi ko kanina hindi nagreklamo yung nagpakasal pero eto ka kung makadakdak eh daig mo pa sila" nakacross arm pang sabi ko.. Akala nya ba magpapatalo ako? Nabibwiset ako dito eh
"Pero yung hotel namin ang----"
"Stop!" Putol ni Rj dito sa babaeng to kaya natahimik sya pero ako hindi bineast mode ako nito eh
"Gaya rin ng sinabi ko kanina.. Wala akong pakelam sa hotel nyo" daldal ko pa rin kaya hinawakan na naman nya ko sa braso.. Pucha! Ang sakit.. Bumabaon hata yung kuko nya
"Aray-----" magrereklamo pa lang ako eh may nagsalita na
"Damn! Dont touch her." seryosong diin na sabi ni Rj kaya para namang tangang binitawan ako nitong babae.. Gagantihan kita mamaya gagong to. Ang hapdi tuloy ng braso ko
"Ang angas naman pala ng Prince mo Sis hahaha" bulong ni Barbz kaya sinamaan ko sya ng tingin
"Hey Princess.. Are you okay?" Nagulat ako ng nandito na si Rj sa tabi ko habang alalang chinecheck ako
"Tangna kinikilig ako hihihi" hagikgik ni Barbz sa gilid.. Lecheng Barbie yan!
"H-ha? Ahh O-oo I-im ok---"
"What the..." Napahinto naman si Rj ng makita yung bakat ng kuko nung babaeng to sa braso ko! Napaatras naman yung babae nung nakakunot noo syang hinarap ni Rj
"Dont you know her?" Inis na tanong ni Rj at hinawakan ako sa kamay
Nakita ko rin na ang daming nanonood sa eksena ngayon yung iba may camera pang nakalabas na parang vinivideohan kami o pinipicturan? Bakit? May artista?
"Go! Prince ni Princess.. Sapukin mo na agad" bulong na sulsol ni Barbz kaya tinignan ko sya pero excited lang syang nakatingin kila Alden na parang abang na abang kung anong susunod na mangyayari Hays!
"Pre-president.. She's the boss of---"
"Yes she is!" Putol ni Rj sa babae pero sasagot pa sana ulit sya ng magsalita ulit si Rj
"And I want you to know that she is.. My Fiancee, my soon to be wife, my girl, my princess and future Queen" seryosong sabi ni Rj habang tinaas pa yung kamay naming magkahawak para makita yung suot kong sing sing
BINABASA MO ANG
Marry me (AlDub/Maiden)
Fanfiction"Si bestfriend kasi eh hindi ako yung mahal" -Maine "Bat di na lang kasi ako?" -Alden