Chapter 4

2.3K 113 2
                                    

Maine POV

"Hoy! Babaita! San ka galing ha?"

"Sino yung nadinig kong lalaki kanina? Kasama mo sya?"

"Oh my! Don ka natulog? Wag mong sabihin katabi mo sya?"

"Sis baka mamaya bigla kang magsuka o kaya mahilo dyan hala! Pano na lang kung bun----"

"Ako Barbz tigilan mo ko ahh! Sa lahat ng OA ikaw yung pinaka malala" putol ko sa mga pinagsasabi niya

"Eh kasi naman sino ba yon? Ha? Atsaka bat di ka nga umuwi kagabi?" Tsismosang tanong niya

"Nagbar ako kagabi tapos----"

"NAG BAR KA? Ang daya mo hindi mo ko inaya---"

"Sige! Putulin mo pa yung kwento ko tatapalan ko na yang bibig mo" putol ko rin sa kanya

Anak sya ng manok! Nagtatanong tapos pagsasagot na ko biglang sisingit tapos mamaya magtatampo sya pag hindi nakwento yung nangyari

"Okay. Sorry na sis behave na ko" tahimik na sabi niya at kunwari pang zinipper yung bibig nya

"Yon nga! Nagbar nga ako kagabi tapos sa sobrang lasing ko may nabangga akong lalaki tapos doon hata ako nagdrama--- oh ano may sasabihin ka?" Tanong ko na agad nung binabalak nyang magsalita..nakangiti naman syang umiling kaya pinagpatuloy ko na yung kwento ko

"Tapos yon nga ang dami ko daw ginawang kabaliwan nung lasing ako umiyak daw ako, nagdrama, nagsuka, tapos alam mo ba sis yung hindi ko pinaniniwalaan na ginawa ko?" Tanong ko sa kanya pero ni ha ni ho wala syang sagot nakatingin lang sya sakin kaya binatukan ko sya

"Aray... Inaano ka ba?" Reklamo nya

"Di ka kasi sumasagot dyan tinatanong ka eh.. Wala ka man lang support" inirapan naman nya ko dahil sa sinabi ko

"Oh anong ginawa mo?" Tanong niya sakin

"Tignan mo to sabi kanina wag sumingit tapos ngayon tsss" bulong na sabi nito kaya inambahan ko sya

"Oh kwento na! Anong ginawa mo?" Intriga nya ulit

"Humiga daw ako sa daan at sinabing matutulog ako don sa tingin mo gagawin ko yon Sis?" Kwento ko dito

"Siguro ...ginawa mo yon kasi pagnanalasing ka di ba kung san san ka humihiga-----"

"Kainis ka naman Barbz dapat sabihin mo 'Hindi mo magagawa yon Sis' para naman mapaniwala ko talaga yung sarili ko na hindi ko ginawa yon" asar na sabi ko sa kanya pero ang loka tinawanan lang ako.

"Aahhh so.. Naaalala mo yung mga pinaggaga gawa mo" natatawang sabi niya kaya napasimangot lalo ako

"Joke lang! Oh sige. Sasabihin ko na! Sis baka imbento lang nung lalaki yon hindi ka ganung babae na pag nalalasing eh umiiyak, nagsusuka at higit sa lahat hindi ka humihiga sa daan kasi madumi don di ba? " nakangising sabi niya kaya nilayasan ko na sya

"Sis sino nga pala yung guy na yon? Anong name nya? Nakuha mo ba? Gwapo ba? May abs? Macho?" Habol nya sakin habang papa akyat ako sa hagdan

"Rj daw name nya atsaka pwede ba. Para kang baliw dyan ano? Itataas ko yung damit nya para makita kung may abs ba sya?"

"Pssssshhh...Rj? Yon lang? hindi mo nakuha yung apilyido para masearch natin sa FB" daldal nya habang nakasunod sakin

"Eh yon lang sinabi niya eh! Ano? Magtatanong pa ko ng kung anu ano? Baka sabihin non interesado pa ko sa kanya" sagot ko dito

"Psshhh! Kj mo talaga! Eh bakit ka nga pala nag bar at nagpakalasing?" Hindi ko alam kung concern sya sakin o nakikitsismis lang eh

"Sis Si Clide... Nagpropose na sya kay Chloe" nakayukong sabi ko kaya niyakap nya ko

"Okay lang yan Sis para makapag move on ka na rin wag mong sayangin yung puso mo don sa Clide na yon marami pang lalaki dyan" pag aalo nya sakin

"O kaya Sis baka yung Rj na yung lalaki para sayo" nakangising sabi niya kaya hinampas ko sya

"Ako Barbz tigil tigilan mo ko dyan ahh ilang beses ko na yan nadinig sa iba" naka irap na sabi ko pero ang loka tinawanan lang ako

"Oh ano? Di ka pa lalayas? Matutulog ako dahil nahihilo ko" dahilan ko dito kaya tumatawa syang lumayas sa kwarto ko

Naligo na muna ako bago ko humiga sa higaan ko.

**Krrriiinnggg Kkrrriinnggg**

"Hel-----"

"She answered YES!" masayang bungad ni Clide kaya napapikit ako

So... Ikakasal na talaga sila

"Go-good! Co-congrats" nauutal na sabi ko at nagbabadya na naman yung mga lecheng luha na to

"Hahahaha sabi ko naman sayo Dei eh! Ikakasal na ko Wwoohhh" sa tono pa lang ng pananalita nya halata mong masayang masaya talaga sya

"Ma-mamaya na lang Clide ma-marami pa kasi kong gagawin" pumipiyok na sabi ko dahil pinipigilan ko talagang wag umiyak amputa! Ang sakit sa lalamunan

"Sige! Mukang busy ka. Mamaya tawagan kita ulit ahh" sabi niya kaya binabaan ko na sya kahit hindi pa nagpapaalam

Busy? Busy talaga ako! Marami akong gagawin katulad ng umiyak sa kama, umiyak sa banyo, umiyak sa ganto, umiyak sa ganyan Pssshhh!

***Kkrrriinnggg kkrriinngg***

Sino naman to? Unregister number? May binigyan ba ko ng number ko?

"Maine!" Bungad nya sa kabilang linya... Lalaki?

"Sino to?" Mahinang sabi ko

"Ouch! Di mo na agad ako maalala? Pagtapos kitang patulugin sa bahay ko gaganya----"

"Rj tssss ang daming sinasabi! Bakit ba?" Tanong ko dito kita mong nag eemote ako dito istorbo sya

"Wala naman! Anong ginagawa mo?" Nagtaka naman ako sa tanong nya... Bat kailangan nya malaman yung ginagawa ko? Close ba kami?

"Bakit mo tinatanong?"

"Masama ba magtanong? Atsaka gusto ko lang malaman kung anong ginagawa mo kasi malay mo may kabaliwan ka na namang gawin dyan" natatawang sabi niya kaya napa irap ako kahit di nya kita

"Wala ka bang magawa? At ako yung trip mo ngayon." Tambay lang siguro to sa bahay at walang trabaho

"Oo eh wala kong magawa" Tsk! Bat ko ba kasi nabigay yung number ko dito sa mokong na to?

"Wala kang magawa? Edi magsimba ka ng bumait ka ng konti tssss" bwiset na sabi ko kaya tumawa sya ng malakas sa kabilang linya

Ang lakas nya talaga mang inis.

She answered YES!

"Hoy! Andyan ka pa?" Tanong ni Alden sa kabilang linya... Masyado na naman akong natulala pag naalala ko yung sinabi ni Clide

"H-ha? O-oo. Ba-baba ko na to wa-wala ka namang sinasabing m-maganda eh"

"Wait! Umiiyak ka ba?" Tanong nya... Nahalata nya sa boses ko?

"Hi-hindi ahh ba--kit na------"

"Umiiyak ka eh. Bakit na naman? Kakangawa mo lang sakin kagabi umiiyak ka na naman" concern ba sya? O nambibwiset lang? Psshh.

"Ano namang pakel----"

"Tara gala tayo! Libre ko dont worry"

"Ayoko n---" kaasar talaga sya lagi nya kong pinuputol

"Oh dinamayan kita kagabi kaya pathankyou mo na to sakin" tignan mo to nanumbat pa

"Oo sige na." Napipilitang sagot ko

"Sige. Sunduin kita dyan! Mga 3 pm" sabi niya at binaba na yung tawag

Oo alam nya yung bahay namin dahil hinatid nya ko kanina di lang napansin ni Barbz dahil umalis na agad si Rj pagkahatid sakin.

Anak ng teteng ... Hindi ko alam kung mabait lang talaga yung lalaking yon kaya nakikipag usap sakin o may masama syang balak sakin eh Tsss magdadrama dapat ako ngayong araw eh.

____________________________________

Vote and comment!

Salamat po hahahaha

Marry me (AlDub/Maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon