Chapter 3

2.4K 111 1
                                    

Maine POV

"Buti naman gising ka na" napabalikwas agad ako ng upo ng marinig ko yung boses ng lalaki

Wag mong sabihin na nakatulog ako ng may ..... Kasamang hindi ko kakilalang lalaki?

Inikot ko agad yung mata ko sa paligid at napagtantong ibang kwarto nga to .. Ibang bahay. Tas napatingin sa lalaking nasa pinto habang nakatitig sakin

"SINO YON MENG? MAY KASAMA KANG LALAKI?" Sigaw ni Barbz kaya nataranta na din ako. Amputa naman! Inom pa Meng!

"I-i'll talk to you later" nauutal na sabi ko at binaba na agad yung tawag

Teka Meng! Relax lang.. Wag kang magpanic! Isipin mong mabuti yung pinag gagawa mo kagabi.. Isip.. Isip... pero isang malaking FAILED hindi ko maalala

"N-nasan ako?" Nauutal kong tanong sa lalaking nakatitig lang sakin

Sino ba sya? Ngayon ko nga lang sya nakita eh

"Sa bahay ko" simpleng sagot nya

"Ba... Bat a..ako nandito?" Tanong ko ulit

"Inuwi kita dito" sagot nya ulit at sumandal sa pintuan

"Ba--bakit? Ma--may nangyari ba?" Tanong ko ulit at nagpanic lalo ng makitang iba na yung suot ko

Jusko naman! Kahit ang gwapo nitong lalaki to eh hindi nya pwede makuha ang aking perlas na silanganan! Atsaka ni hindi ko nga sya kilala eh----

"Oo... May nangyari" napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya

"WWAAAHH! WALANG HIYA KANG LALAKI KA! MAPAPATAY KI-----"

"Una niyakap mo ko habang ngumangawa ka. Pangalawa hinila mo ko sa labas ng bar. Pangatlo nagdrama ka. Pang apat
walang manners kang nagsuka sa gilid ng daan at ang Pang lima...." Pabiting sabi niya habang naglalakad palapit sakin kaya unti unti rin akong umaatras

Bat lalo syang gumagwapo habang palapit sya ng palapit?

"A-ano?" Natatarantang tanong ko

"Panglima... Humiga ka lang naman sa daanan at sinabing matutulog ka na" natatawang sabi niya at umupo sa paanan ng kama

A-ano daw? Ako? Humiga sa daanan? Imposible yung mga pinagsasabi netong lalaking to.

"Weh di nga? Sinungaling ka! Parang anghel kaya ako pag nakainom hindi ako makulit katulad ng iba" ganting sagot ko sa kanya pero natawa lang sya sa sinabi ko

"Oo hindi ka naman talaga makulit eh... Iyakin ka lang" nakakalokong sagot niya kaya kumunot yung noo ko

"Ako? Umiyak? At bakit naman ako iiyak? Sige nga sabihin mo!" Paghahamon ko dito kaya bigla nyang ginulo konti yung buhok nya pagkatapos eh umayos sya ng upo

"Ehem... Ehem" umubo pa sya kunwari.... Ano bang gagawin nya?

"Si Clide magpopropose na kay Chloe"

"Si Clide? Best friend ko sya..... At mahal ko sya"

Pano... Nyang.. Nalaman... Na.... Anak ng... Wag mong sabihing... Nagtsismis ako sa kanya habang lasing ako?

"Mas tanga pala ko kasi nagmahal ako ng hindi naman ako mahal hahaha"

"Atsaka eto pa ang mas tanga tinulungan ko pa siyang mag ayos ng condo nya para isurprise yung jowa nya "

Habang nag aacting sya unti unti kong naaala ala yung mga pinag sasabi at pinaggagawa ko kagabi.

"Aba! Ewan ko. Umalis na ko eh! Pero sana ireject yung proposal nya.... Ang sama ko no?"

"Sa bagay pero valid reason ba yung dahil.... mahal ko sya kaya pinapanalangin kong wag silang ikasal?"

Marry me (AlDub/Maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon