Maine POV
"SSSSIIIIISSSSS!" Umalingawngaw agad yung boses ni Barbie pagkatutong ko sa loob ng bahay
"Bakit? Wag kang makalapit lapit sakin! Babatukan talaga kita matapos mo kong iwan don kanina" naka irap na sabi ko pero dahil baliktad utak nito eh umangkla pa sya sa braso ko
"Sorry na Sis.. Pinandilatan kasi ako ng mata ni Rj kanina eh" nakangusong sumbong ni Barbz kaya natawa ako tinakot pala sya kanina kala ko basta nya lang akong iniwan eh talagang FO na kami hahaha
"Pinandilatan ka ni Rj?" Natatawang tanong ko kaya paawa syang tumango.. Asus! Kala mo naman maaawa ako
"Pero okay lang yon Sis.. Pinapatawad ko na sya wag mo na syang awayin" ngiting ngiting sabi niya
"Kala mo naman aawayin ko yon" pagbibiro ko sa kanya kaya padabog nyang binitawan yung braso ko hahaha
"Ganyan ka na ngayon porket may prince ka na?" Hindi ko alam kung pikon tong si Barbz o nambibwiset eh
"Che! Tigilan mo ko"
"Sis.. Good catch na good catch pala yang prince mo" OA na sabi ni Barbz kaya napatingin ako sa kanya
"Alam mo bang sikat yang Prince mo?" Lalo kong nagtaka sa tanong niya
"Sikat? Sino? Si Rj?" Sunod sunod kong tanong
"Ahuh! Pero hindi bilang Rj" binatukan ko agad tong babaeng to
"Ako ba pinagtitripan mo?" Naka irap na sabi ko.. Parang tanga kasi eh bilang ano? Hayop? Bagay? Tsss
"Hindi kita pinagtitripan Sis! Kilala mo ba si Alden Richards?" Tanong nya kaya napa isip ako
Alden Richards?
"Nadidinig mo ba yung pangalang Alden Richards? Si Alden yung sikat na bachelor dito sa pilipinas. " dakdak nito
Yon! Naalala ko na kung san ko narinig yung pangalang Alden don sa staff kong idol daw nya eh si Alden.
"Oh ano namang kinalaman ni Rj kay Alden?"
"YUNG PRINCE MO SYA SI ALDEN RICHARDS WAAHHH HAHAHA" nagtititiling sabi niya
"Nantitrip ka na naman ba?"
"Muka ba kong nantitrip at nagbibiro?"
"Oo" deretsang sagot ko kaya binatukan nya ko
"Grabe ka sakin! Pero true yung sinabi ko sayo tignan mo pa nagsearch ako" sabi ni Barbz at hinila ako paupo dito sa sofa
At nanlalaki yung mata ko habang nagiscroll down ng mga picture putangna! Si Rj nga si Alden pero bat hindi niya sinabi sakin?
"Hindi ba uso sa inyo ng magazine? O kaya newspaper ganon?"
"At bakit? Nandon ka ba? Ha Ha Ha ang taas naman ng pangarap mo. Feeling sikat ka naman."
"Ako si Rj Faulkerson pero mas kilala bilang Al-----"
"Wow! May screen name ka pa? Ano ka? Artista? Reporter?"
"Hindi ako artista o kaya reporter no. Ang baduy non"
"Eh ano ka? Isang banchelor na nagmamay ari ng isang malaking kompanya o hotel? tssss imposible! Sa itsura mo pa lang parang wala ng laman yang utak mo"
Unti unti akong napasapo sa noo ko ng maalala ko yung mga pinagsasabi ko at mga sinasabi niya.. Anak ng! Para pala kong baliw non kaya pala sya tawang tawa habang pinagsasabi ko yon sa kanya
BINABASA MO ANG
Marry me (AlDub/Maiden)
Fanfiction"Si bestfriend kasi eh hindi ako yung mahal" -Maine "Bat di na lang kasi ako?" -Alden