Maine POV
Tapos..
Tapos..
Tapos..
Tapos...
"SIS TARA NA! UMALIS NA TA----Opppss sorry.. Mali ng pasok" natulak ko agad si Rj ng biglang pumasok si Barbz na nakangisi na sakin ngayon. Tang ina! Baka ano na naman isipin nito. Kung galing ka kasi sa pinto iisipin mong nagkikiss kami ni Rj pero hindi.. Malapit lang yung muka namin sa isat isa pero hindi kami nagkikiss pero sa mga tingin ni Barbz ngayon sakin eh kala nya nagkikiss kami. Kingina talaga!
"Wrong timing ka naman kasi Barbie ni Ken" pang aasar na sabi ni Kris kay Barbz
Punyeta talaga! Feeling ko lahat ng dugo ko napunta sa muka ko kaya eto nakayuko ako kasi siguro ang pula na ngayon ng muka ko sa hiya. Nakakahindot ngayong araw!
"Hey Princess.. May sakit ka ba? Bat ka namumula?" Animal naman talaga tong si Rj nakuha pang magtanong... Sa tingin mo bat ako namumula? Tsss
"H-ha? E-ewan ko..." Nauutal na sagot ko kaya nagtaka sya
"Ano? Ewan mo? Ang layo ng sagot mo ahh" natatawang sabi niya kaya napa isip ako sa sinagot.. Psshhh! Bat ba kasi ako natataranta? Kaasar!
"A-ano... Wala.. Tara Barbz uwi na tayo" sagot ko na lang pero tatayo pa lang ako eh nahawakan na agad ni Rj yung kamay ko at pina upo ulit ako ... Ano na naman ba? Ilang na ilang na nga ako ehh
"Nasan yung susi ng kotse mo?" Tanong ni Rj kaya nagtaka ko.. Aanhin nya yung susi?
"Ba----"
"Eto na sakin Rj" nakangiting singit ni Barbz at inangat pa yung susi
"Pwede Barbz mauna ka ng umuwi? May pupuntahan pa kasi kami ni Maine" tingin ni Rj kay Barbz... Teka lang aahh! San naman kami pupunta? Pucha! Ayoko ngang maiwan dito dahil naiilang ako sa kanya ngayon
"Ha? Hindi kailangan na naming umuwi ni Barbz kasi----"
"Sige mauna na kong umuwi.. Gusto ko ng matulog" humihikab pang sabat ni Barbz kaya sinamaan ko sya ng tingan.. Putang Barbz yan! Best actress!
"Barbz---"
"Sige ingat ahh" natatawang sabi ni Rj At hinigpitan yung pagkakahawak sa kamay namin kaya napanguso na lang ako kasi talagang maiiwan ako dito
BARBIE FORTEZA UTANG NA LOOB WAG MO KONG IWAN DITO! ANG AWKWARD.. o ako lang ang na oowkwardan?
"BABYEEE SSSIISSS" leche! Nang aasar pa si Barbz habang kumakaway sakin palabas ng office
"Boss labas na ko ahh" paalam ni Kris
"Wait Kris.. Cancel all my appointments today" sabi ni Rj kaya nag okay sign muna si Kris bago lumabas
"Nagtatrabaho pala sayo si Kris?" Tanong ko pagkalabas ni Kris
"Yeah.. Secretary ko sya" sagot niya habang hinuhubad yung necktie nya at lumakad papunta don sa parang cabinet dito
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang Presidente talaga si Alden ng napakalaking hotel na to.. Pambihira! Akala ko Tambay lang tong isang to
"Oww.. I see" simpleng sagot ko na lang at tumayo para ayusin yung pants ko at sapatos ko
"Oh" abot nya at inabot sakin yung.. T-shirt ba to?
"Change that Damn offshoulder" inis na sabi niya kaya tinignan ko sya ng masama.. Galit sa offshouler? Ang ganda nga nito eh.. Bagay sakin!
"Tssss .. San ako magpapalit?" Nakabusangot na tanong ko at hinablot na yung damit sa kanya pero hindi ko nakuha kasi ayaw nyang ibigay.. Ano na namang trip nya?
BINABASA MO ANG
Marry me (AlDub/Maiden)
Fanfiction"Si bestfriend kasi eh hindi ako yung mahal" -Maine "Bat di na lang kasi ako?" -Alden