Chapter 18

2.4K 144 7
                                    

Maine POV

TAHIMIK!

Yan hata ako simula nung nahalikan ako ni Rj ni hindi na hata ako nagsasalita buong misa at lutang yung isip ko. Eto naman si Rj nakangiting nakikinig lang sa harap na para bang hindi apektado sa ginawa nya tapos ako.. Punyeta! Apektadong apektado halos napanis na hata laway ko dito dahil hindi ako nagsasalita o sumasagot sa mga dapat tugunin sa misa.

"Peace be with you" dinig kong batian ng mga tao pero ako? Hindi ako makagalaw sa pwesto ko hindi ko alam kung haharap ba ko kay Rj at babati o wag na lang dahil napipi na ko.

"Peace be with you Alden!" Dinig kong bati nung mga babaeng hukluban kaya napatingin ako kay Rj na ngumiti sa kanila kaya parang tangang naghagikgikan tong mga babaeng to.

Punyeta! Bumabalik na naman yung pagkabadtrip ko! Bwiset. Ngumiti ka pa talaga dyan sa mga babaeng hukluban na yan ahh kaasar! Magsama sama sila.

"Peace be with you Princess" bulong ni Rj at hinalikan pa ko sa pisngi pero inirapan ko lang sya at tumingin sa altar.

Peace your face! Kabanas!

Hanggang matapos hata yung misa ehh nakasimangot ako.. Ayoko sana ng ganon pero hindi ko mapigilang hindi bumusangot dahil una nasa harapan namin yung mga babaeng hukluban at pangalawa nakakaasar bat ba sila nginitian ni Rj? Nakakabwiset talaga! Ano? Friendly ang peg nya? Asar!

"Lets go Princess!" Aya ni Rj at hinawakan ako sa kamay

Oh tignan nyo.. Hindi ko namalayan natapos na yung misa at eto kami ngayon palabas ng simbahan habang hawak nya yung kamay ko pero ako? Sus! Dedma lang. Nababadtrip pa rin ako kung bakit sya ngumiti don sa mga babaeng hukluban.

"Bat ka ba kasi nakasimangot dyan?" Natatawang tanong ni Rj.. Bat ba sya tumatawa? Nang aasar?

"Bat ka kasi ngumiti don sa mga yon? Ano? Nginitian mo pa sila kita mong sinabihan na nga akong muka daw akong katulong!" Nakangusong bulong ko

"Kasi syempre nasa simbahan tayo Princess alanga namang hindi ko sila pansinin" paliwanag nya pero naiinis pa rin ako... Ewan ko rin kung bakit inis na inis pa rin ako kahit may point naman yung paliwanag nya

"Kaya wag ka ng sumimangot.. Sige ka baka-----"

"ALDEN!" napatakip agad ako ng tenga ng may sumigaw sa gilid namin.

Putakte! Ang sakit sa tenga yung boses nila... Sinong nila? Edi yung mga babaeng hukluban! Pati ba naman dito sa labas? Badtrip!

"Alden.. Pwede bang magpapicture?" Nagpapacute na sabi nung isa sa kanila kaya napairap ako sa ere.. Ang sagwa nya magpacute tangna! Mukang natatae

"Oo nga Alden isa lang naman!" Dagdag nung isa kaya napatingin ako kay Rj na nakatingin din pala sakin

"Pwede?" Nagpapaalam na bulong sakin ni Rj kaya kahit ang SAMA NG LOOB kong pumayag ehh tumango na rin ako baka sabihin nagmamaldita ako eh

"Isa lang ahh" simpleng sabi ni Rj at pumagitna sa mga babaeng hukluban

Ang problema lang nila ehh kung sino yung kukuha ng picture nila.. Tsss ako? ASA! Manigas! Baka ibalibag ko pa yung phone.

"Ahhhmmm miss papicture!" Sabi sakin nung babae kaya napataas yung isa kong kilay.. Hindi sya nakikisuyo.. Nang uutos sya.

"Ako?" Masungit na tanong ko.. Ayoko sanang magmaldita pero naman! Kingina! Nakakabadtrip talaga sila.

"Oo ikaw! Muka ka namang kasing katulong ni Alden ehh" napaayos ako lalo ng tayo sa sinabi nitong babaeng to! Punyeta.. Magsusuper sayans 3 na ko ngayon.

Marry me (AlDub/Maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon