Chapter 15

2.2K 123 9
                                    

Maine POV

"Sis... Sis.... Sis" bahagyang siko sakin ni Barbz habang nagsusulat ako bwiset! Kitang nagsusulat eh

"Ano ba yon?" Nakasimangot kong sabi habang patuloy pa rin sa pagsulat.. Gusto ko ng tapusin to ng makaalis na dahil pagnagtagal pa baka sungalngalin ko na tong maarteng Chloe na to

Nakarinig ako ng tilian sa paligid pero hindi ko yon pinansin dahil nakafocus ako dito like I said.. Gusto ko ng matapos to ng makaalis na at matext na si Rj na sunduin na ko

"Siiiisssss.." Tawag na naman ni Barbz.. Abnormal talaga tong isang to hindi nakikiramdam na minamadali ko na to?

"Mamaya ka na" inis kong sabi habang nakadukdok pa rin dito sa mga papel.. Ayokong iligid yung paningin ko at baka mahagip ng mata ko yung Maarteng si Chloe

Nagulat ako ng biglang may naglapag ng box sa harapan ko.. Ano naman to?

Waaaahhhhhh! Strawberry Caaaakkkeeeee!

Agad kong inangat yung naglapag nito at nalaglag yung panga ko ng makita kung sino... Nakashades pa sya mga dre!

Si Rj...

"Hello Princess!" Nakangiting bati ni Rj sakin at tinanggal pa yung shades nya kaya yung mga babae dito kung kiligin akala mo ano ng nangyari mapawaitress man at customers dito eh ganon sila makareact.. Kaya isa lang ang masasabi ko.. Ang lakas ng karisma nitong si Rj

"R-rj...?" Parang tangang sabi ko kaya natatawa nyang hinawi yung buhok ko na nakaharang sa muka ko

"Surprise" nakangiting sagot nya at hinalikan ako sa pisngi

Putangna! Bigla na lang may naramadaman akong kuryente sa katawan ko.. Punyeta! May malala na hata akong sakit

"Ba-bat ka nandito?" Nauutal kong tanong

Sabi ko kasi 3 pm nya pa ko sunduin tapos deretso gala kami dahil gusto ko ng Strawberry cake... Ehhhh Bat nandito agad to? 2 pm pa lang ahh

"Sabi mo gusto mo ng strawberry cake.. Ayan! Ang gwapo pa ng delivery boy mo ahh" mahangin na sabi niya kaya bahagya akong natawa kahit kelan talaga kelangan may pambuhat sya sa sarili nyang bangko

"Oo nga pero sabi ko mamaya pa di ba?" sabi ko habang sinisipat sipat tong strawberry cake.. Parang gusto ko ng kainin ngayon din.

"Umaarte pa yung Prinsesa ohh" parinig ni Barbz kaya tinignan ko sya ng masama.. Nakikisali sa usapan eh

"Kaya nga surprise Princess" nakangusong sagot ni Rj.. Wesus! Arti arti.

"Ehem.." Kunwaring ubo ni Clide kaya napatingin kami sa kanya.. Shet! Nagtatrabaho nga pala ko.. Si Rj naman kasi eh pasulpot sulpot!

"Aahhmmm.. Sorry! Nakaistorbo ba ko? Hinatid ko lang kasi yung Strawberry cake ng Fiancee ko eh" hinging paumanhin ni Rj kila Clide na parang nagulat sa sinabi ni Rj

"F-fiancee?" Gulat na tanong ni Clide kaya nakangiting tumango si Rj at maingat na inangat yung kamay kong may sing sing

"Are you ....Alden Richards?" Alangan na tanong ni Chloe

"Yes I am.. Excuse" simpleng sagot ni Rj at humarap sakin tas bahagyang yumuko para magkapantay kami.. Nakaupo kasi ako sya nakatayo

"Matagal pa ba yan?" Bulong nya sakin kaya sobrang lapit ng muka namin sa isat isa.. Tapos nadidinig ko pa yung mga ibang tilian ng mga tao lalo na yung hagikgik ng katabi kong Impaktang Barbie

"Sabi ko kasi sayo 3 ka pa pumunta ehh" balik na bulong ko pero etong baliw na to eh nilapit pa lalo yung bibig nya sa tenga ko tas bigla nyang hinipan kaya bahagya ko syang natulak.. Abnoy talaga sya.. Alam naman nyang may kiliti ako don eh! Ang lakas talaga mambanas

Marry me (AlDub/Maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon