Chapter 23

230 12 5
                                    

Maine POV

"CUT!"

Halos nangatog ako sa gulat ng biglang sumigaw yung mama ni RJ

Yung totoo may sira ba sila sa utak? Kulang kulang? Sinto sinto?

"Ma naman! Ano na namang trip to?" Nakasimangot na sabi ni Rj

Ako? Eto! Nakanganga lang sakanila jusko! Ano ba kasi nangyayari? Hindi ko alam na may mga kulang sila ng turnilyo sa utak.

"Hahahahaha! Grabe nak anlaki ng inimprove ko sa pag aakting no?" Tawang tawa yung mama ni Rj habang tinuturo pa kaming dalawa na nanlalaki yung mata ko at nakasimangot naman si Rj

"Ewan ko sayo ma" kasimangot na sabi ni Rj at lumakad papuntang sala

Sa sobrang gulat ko hindi ko na napigilan si Rj umalis dito sa kusina potek naiwan kaming dalawa dito ng mama nya

Eto yung literal na gulat may kasama pang kaba at takot

Anong gagawin ko?

"Hija! Yung bibig mo naman isara mo na baka kung anong pumasok dyan" nakangiting sabi nung mama ni Rj kaya dahan dahan kong sinara yung bibig

Shutanginers! Nakakahiya!

"Ano tong niluluto mo? Mahilig ka bang magluto?" Hindi ko man lang napansin na andito na sya sa tabi ko at binuksan yung kalan tas sya na yung naghahalo nung niluluto ko kanina

"P-po?" Parang tangang sabi ko ewan ko ba lutang na lutang ako ngayon

Kabadong natae talaga ko ngayon.

"Hahaha. Sabi ko pasta to tapos magaling kang magluto masarap eh" nakangiting sabi nung mama ni Rj pagtapos tinikman yung niluluto ko

Sa totoo lang para lang akong statwa dito ni hindi ako gumagalaw tas nakatitig lang ako sa kanya at isa lang din masasabi ko ang ganda nya kumbaga yung muka nya parang hindi na tinutubuan ng tigyawat ultimo butlig ata hindi din eh

"A-aahmmm... T-thank you po. N-nice to meet you po hehe" alangang sabi ko nung bumalik na yung kaluluwa ko

"Pano mo nakilala si Rj?" Tanong nya ulit sakin

"Sa.. sa bar po hehe.... Nakakahiya man pong ikwento pero lasing po ko nun tas ngumawa ng ngumawa sa harap ni Rj" kwento ko dito habang tumitingin tingin sa paligid

Di ko kaya girl na titigan sya.. sobrang ganda eh baka pagpinagtabi kami akalain ako mas matanda eh

"Ayy hahaha talaga? Buti nga ikaw lasing eh! Ako nung nakilala ko yung papa ni Rj dumudumi ko nun sa cr tas biglang bumukas yung pinto.. di ko alam kung tatayo ba ko o mananatili lang sa pagkakaupo" tawang tawa na kwento nya

Potek na yan.. oo nga mabuti ng lasing ako kesa ganun.. baka ayaw ko na magising kinabukasan sa kahihiyan

"Ano pong ginawa nyo? Jusko.. sobra pong nakakahiya yun" gatong ko sa tawa nya.. pero nacurios talaga ko kung ano ginawa nya sa sitwasyon na yon

"Edi nag sisisigaw ako don sa cr na umalis sya.. pero imbis na umalis tinitigan nya lang ako kaya halos maubos yung boses ko kakasigaw kulang na lang tumayo ako bago sya umalis eh" pag papatuloy sa kwento nya kaya natatawa kong nakatingin sa kanya

Ang ganda talaga nya parang kahit isang beses hindi man lang sya nastress sa buhay nya

"Tapos paglabas ko ng cr andon sya nakatayo sa labas edi dedma ko gandarit ako eh tas bigla nya kong hinarang sabay tanong na bat ka sa cr ng lalaki naghahasik ng lagim hahahaha tapos---"

"Anong kalokohan naman sinasabi mo dyan sa prinsesa ko mama?" Biglang singit ni Rj at niyakap ako mula sa likod kaya medyo tinapik ko sya

Anak ng tokwa kakakilala ko lang sa mama nya kung makaharot tong si Rj.. baka kung ano masabi ng mama nya sakin

Marry me (AlDub/Maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon