Chapter 2

2.5K 119 4
                                    

Alden POV

"Miss sorry na nga hindi ko talaga sinasadyang mabangga ka" kalabit ko sa kanya eh nakayakap pa rin sakin eh

"Miss h-hindi a-ako ma-kahinga" sabi ko ulit nung humigpit lalo yung pagkakayakap nya ni hindi ko nga sya kilala kung makayakap tong babaeng to.. Baka mamaya ang pangit pala nito

"Miss bitawan mo na ko" tapik ko sa kanya nung medyo lumuwag yung pagkakayakap nya pero imbis na bumitaw sya ng yakap eh bigla na lang lumakas yung iyak nya.. Pambihira nakakahiya napapatingin na yung ibang tao dito baka akalain pinapaiyak ko to

"Hoy Miss bakit ka ba umiiyak? Tumahan ka nga baka akalain inaaway kita dito" dakdak ko habang pinipilit humiwalay sa pagkakayakap nya

Halos mapamura ko nung nakita ko yung muka nya! Fuck... Ang ganda nya kahit medyo hulas na yung make up nya kakaiyak eh nakikita ko pa rin yung ganda nya.

"M-miss" nauutal na sabi ko nung nakatitig lang sya sakin habang tumutulo yung luha nya

Bat ba sya umiiyak?

"I-ilabas mo ko dito" humihikbing sabi niya kaya kahit nalilito ako eh hinawakan ko sya sa kamay at nilabas ng bar

Baka kasi kaya umiiyak sya kasi ayaw nya don sa bar at may nagpumilit lang sa kanyang pumasok don

"Miss sige na ha? Iwan na kita dito" sabi ko pagkahatid ko sa kanya sa labas

Napatingin naman ako sa kanya nang bigla nya kong hinawakan sa damit ko

"Bakit?" Tanong ko

"Wag mo kong iwan" pabulong na sabi niya at kitang kita ko yung mga mata nyang sobrang lungkot

"Pero Miss hindi kita kilala----"

"Please...." Umiiyak na sabi niya habang nakayuko kaya napabuntong hininga ako

Hinila ko sya papasok sa kotse ko para naka upo kami habang ayaw nya pang umalis.

"Miss hindi ka pa ba aalis? Kasi inaantay pa ako ng mga kaibigan ko" sabi ko habang nakatingin sa kanya.. Anong ginagawa nya? Wala! Nakatulala habang nakatingin sa labas.

"Magpopropose na sya..." Dinig kong sabi niya.. Alam kong lasing to dahil mapupungay na yung mata nya atsaka medyo amoy syang alak

Teka lang! Ano daw? Magpopropose na? Sino?

"Sino?" Wala lang...nacurious lang ako

"Si Clide magpopropose na kay Chloe" sagot nya habang umiiyak na naman hata

"Oh ano naman?" Pucha! Pakelam ko naman don. Hindi ko naman kilala yon.

"Si Clide? Best friend ko sya..... At mahal ko sya" umiiyak na sagot nya pero ngayon tahimik lang syang umiiyak hindi katulad kanina na para syang kinakatay don sa loob na bar

"Inlove ka sa bestfriend mo?" Takang tanong ko... Kaya ayoko ng love life love life eh

"Oo! Kakasabi ko lang di ba? Tanga mo naman" napatingin naman ako dito sa babaeng to kung makasabi ng tanga walang preno

"Hahahahahaha" nagulat ako ng tumatawa naman sya.. Yung totoo baliw ba to?

"Mas tanga pala ko kasi nagmahal ako ng hindi naman ako mahal hahaha" iyak tawang sabi niya kaya napatitig ako sa kanya

Inaamin ko talagang maganda sya kahit peke lang yung tawa nya eh ang ganda nya pa rin pagnakangiti

"Atsaka eto pa ang mas tanga tinulungan ko pa siyang mag ayos ng condo nya para isurprise yung jowa nya " kwento nya pa habang tumatawa pero maya maya rin eh iiyak ulit

"Sinagot naman sya nung Chloe?" Tanong ko dito

"Aba! Ewan ko. Umalis na ko eh! Pero sana ireject yung proposal nya.... Ang sama ko no?" Tanong nya tapos humarap sakin kaya medyo napaatras ako... Ang ganda nya lalo sa malapitan

"H-ha? H-hindi naman hata masama kung may valid reason ka" simpleng sagot ko kaya tumango tango sya at tumingin ulit sa labas

"Sa bagay pero valid reason ba yung dahil mahal ko sya kaya pinapanalangin kong wag silang ikasal?" Nakatulalang sabi niya kaya napa isip naman ako... Oo nga naman! Valid reason ba yon? Mahal nya nga naman ang kaso may ibang mahal yung Clide.. Sapat na ba yon? Aba! Ewan ko hindi pa naman ako naiinlove

"Hoy Miss! Anong ginagawa mo?" Tanong ko nung nagmamadaling nyang buksan yung kotse

"Nashushuka ako" dinig kong sabi niya kaya tinulungan ko pa syang buksan yung pinto para makalabas sya. Pucha! Baka magkalat pa dito yan sa kotse ko

**BBUUWAKK**

Nakakadiri naman sya wala man lang kamanners manners kung sumuka parang hindi babae eh pero sabagay lasing nga kasi sya kaya ganyan

"Okay ka na ba Miss?" Sabi ko habang nasa tabi niya ko

"Hi-hindi pa! Ha-hawakan mo nga yung buhok ko baka masukahan ko eh" utos nya.. Maka utos sya parang magkilala kami ha

"Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita" suggest ko

"Edi sa bahay bobo naman" pilosopong sagot nya habang nag pupunas ng bibig

"O-okay na ko.. Sige ha? Tulog na ko" lasing na sabi niya at bigla ba namang humiga sa daan... anong trip nya?

"Hoy Miss! Tumayo ka dyan. Madumi dyan" sabi ko pero nakapikit na sya habang nakahiga dito sa daanan

"Miss Wake up! Gumising ka dyan" tapik ko sa kanya pero nagpapa padyak lang sya habang nakahiga dito sa daanan

"Hmmm ano ba! Matutulog na nga ako di ba? Tsk" dabog nya habang nakapikit

Hayys! Grabe tong babaeng to pagnaka inom

"Miss bubuhatin na kita ha?" Paalam ko pero wala naman akong narinig na sagot dahil tulog na nga hata to

"Hmmm... Ang lamig" bulong nya tapos niyakap nya ko habang buhat ko sya

"H-hoy M-miss" nauutal na sabi ko at dahan dahan syang nilapag sa kotse ko

Saan ko naman to dadalhin? Hindi ko nga alam kung saan to nakatira eh.

"A-ang la-lamig..." Dinig kong bulong nya ulit at pilit bumabaluktot kaya hinubad ko na yung jacket ko at yon yung pinangkumot sa kanya

Bat ko ba sya tinutulungan? Pwede namang iwan ko sya doon sa daan kanina kasi hindi ko naman sya kilala

____________________________________

Maine POV

UUGGGHHH! Ang sakit ng ulo ko. Bat ko ba kasing naisipan na uminom don sa bar? Tsss mabuti naman at naka uwi pa ko

"BBBAARRBBZZ! ABUTAN MO NGA KO NG TUBIG" Sigaw ko habang nakahiga pa rin anak ng teteng ang sakit talaga ng ulo ko

"BBBAAARRBBZZ! PAKIBILIS NAMAN OH" sigaw ko ulit nung walang nakakarating na tubig

**KKRRIINNGG.. KRRIINNGGG**

"H-hello?" Sagot ko ng hindi tinitignan kung sino yung tumawag

"HOY BABAITA KA NASAN KA NA? SAN KA NATULOG KAGABI? BAT DI KA PA UMUUWI?" Dinig kong sunod sunod na tanong ni Barbz kaya napakunot ako ng noo

Anong sinasabi niya? Hindi naka uwi? Eh nasa kama nga ako eh edi sana nandon pa ko sa bar atsaka anong trip nito patawag tawag pa eh magkatabi lang kami ng kwarto

"Pinagsasabi mo dyan Barbz? Nandi------"

"Buti naman gising ka na" napabalikwas agad ako ng upo ng marinig ko yung boses ng lalaki

Wag mong sabihin na nakatulog ako ng may ..... Kasamang hindi ko kakilalang lalaki?

____________________________________

Vote and comment!

Thank you po hahahaha

Salamat po sa pagbasa din nito hahahha see you sa next UD ;)

Marry me (AlDub/Maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon