Maine POV
"Oh bat parang hindi ka makatae sa itsura mo ngayon?" Natatawang tanong ni Barbz habang nacecellphone sa tabi ko
"WALA" bwiset na sabi ko at tinuon yung pansin ko sa TV
Nakatambay kami dito sa sala at walang magawa at hindi nakakatuwa yon dahil----
"Valentines na Valentines ganyan itsura mo hahaha bakit? Wala kayong date ni Rj? Hindi ka inaya?" Nangtatanong ba to o nang aasar?
"Tssss.. Hindi ko alam" nakasimangot na sagot ko kaya nagtata tawa naman tong isang to.. Lakas mang asar
Kasi naman hindi na ko pumasok ng office kasi baka biglang mag aya yon ng gala pero lintik lang mukang nakalimutan hatang Valentines ngayon Bwiset! Tapos ni isang text wala man lang? Kamusta naman yon? Leche! Gumala kaya akong mag isa? Nako! Ayoko pala baka puro naglalampungan, naglalandian, naghaharutan yung mga makasalubong ko tssss
**Bbzzztt bbzzttt bbbzzzttt**
"Naks.. Ayan na nagtext na yung Prince nya hahaha" pang aasar ni Barbz kaya inirapan ko sya bago kinuha yung cellphone ko
"BARBIE FORTEZA" Sigaw ko pagkabasa ko sa text
"Joke lang hahahaha sorry na agad" tawang tawang sabi niya habang lumalayo sakin
Parang tanga naman kasi.. Yon na eh! Asang asa na ko kasi sa wakas nagtext na si Rj pero hindot si Barbz lang pala ang nagtext. Nakakaleche pa yung text nya! 'Happy hearts day' daw pwe! Walang kwenta yung valentines.
"Pumasok ka na nga lang sa office.. Wala ka namang kadate eh" inis na sabi ko.. Absent ng absent nakatunganga lang naman dito sa bahay
"Eh bat ikaw? Wala ka namang date ahh.. Bat di ka rin pumasok?" Nakangising balik niya kaya inis ko syang pinalo ng unan pero ang nakakabanas ehh tawa lang ng tawa tong abnoy na to
**Bbzzztt bbbzzztt bbzzztt bbzztt**
"Aayyiieehhh baka Prince nya na yan" pang aasar nya pero hindi ko na kinuha yung cellphone ko at baka nantitrip na naman tong isang to
"Tantanan mo ko" masungit na sabi ko habang nakatingin lang sa TV
**bbbzztt bbzzztt bbzzzttt**
"Pinipigilan pa yung sariling tignan kung sino oohh hahaha" dakdak nito nung may nagtext na naman.... Ang lakas nya mantrip! Kahit maubos yung load nya kakatext sakin eh hindi ko titignan yung mga text nya
**bbbzztt bbzzttt bbzzzttt bbzzztt**
**bbbzzzttt bbbzzzttt bbbzzzttt**
"Hoy Sis.. May nagtetext oohh" sabi na naman nito pero hindi ko sya inintindi
Bahala sya! Sya lang naman yon.
"Hindi na ako yang nagtetext Promi-----"
**Kkkrrrriiinngg kkkrriiinngg kkrriiinngg**
Napatingin ako kay Barbz ng tumunog yung cellphone may tumatawag kasi ehh
"Oh hindi ako yan" tanggi nya agad at pinakita pa yung cellphone sakin
Kung hindi sya yon? Ehh sino yung--- shet! Yari.. Patay!
**kkkrrriiinnngg kkrriinngg---
"H-hell----"
"Damn! Why you did'nt answer my text? Something happen? Are you okay? Anong nangyari? May masakit ba sayo? Ano masakit? Bak----"
"Rj..." Putol ko sa kanya pero nadidinig ko pa rin yung mahihinang mura nya sa kabilang linya... Patay ka talagang bata ka Maine!
BINABASA MO ANG
Marry me (AlDub/Maiden)
Fanfiction"Si bestfriend kasi eh hindi ako yung mahal" -Maine "Bat di na lang kasi ako?" -Alden