Maine POV
Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.
Hinabol bigla ng kabayo yung puso ko nung nagkadikit yung kamay namin pagkahawak nya sa ice pack
"Princess...." Mahinang sambit nya habang nakatingin sa...
Labi ko...
"Can... I....kiss you?" Mahinang paalam nya habang nakatitig sakin
Ampota nung hinalikan nya ko sa simbahan di naman sya nagpaalam bat ngayon nagapapaalam sya? Di na lang nya ko halikan agad katulad ng ginawa nya non
"B-bat ka-kapa nagtatanong?" Utal utal na tanong ko
"Okay, masusunod prinsesa ko" ubod ng tamis na ngiti nya at bigla nya kong hinalikan sa labi
Andayaaaaa! Binibigla nya ko!
Hindi gumagalaw yung mga labi namin pareho talagang nakadikit lang pero takte nakakaubos pa rin ako ng hininga.. Nahihirapan akong huminga pacheck up ako minsan baka may hika na ko
"R-rj...." Nakayukong bulong ko pagkahiwalay ng labi namin
"Maine ..." Mahinang sabi niya at niyakap ako
"Please... Dont hurt me" dugtong nya at hinigpitan pa ang yakap niyakap ko din sya gaya ng pagyakap nya sakin
Di ko mapapangako na hindi ko sya masasaktan pero gagawin ko ang lahat maiwasan lang yon
"R-rj---"
"Shhhhh wala kang dapat isagot at kung gagawin mo man yon please.. Sabihan mo ko para maready ko yung sarili ko" pahina ng pahina yung boses nya pero sapat pa rin para marinig ko yon
Gagawin ko lahat para lang hindi sya masaktan... Ayoko... Ayoko syang masaktan.
Ayokong masaktan si RJ.
Sana magawa ko yon.
Sana.
__________________________________________
Alden POV
"Banggoooo namannn!!" Amoy ko sa niluluto nya habang nakayakap ako sa likod nya
"Bango ka dyan! Eh yang ilong mo andyan sa leeg ko" natatawang sabi niya habang hinahalo yung niluluto nya
"Mabango naman talaga" nakangiting sabi ko at sininghot pa lalo yun leeg nya kaya muntik nya na kong paltukin ng sandok na hawak nya
Joke lang naman eh hahahha
"R-rj.. S-sorry...." Mahinang bulong nya
Ha? Bat nagsosorry sya? Ano meron?
"S-sorry kasi ano hmm.. Di ko nakwento sayo yung tungkol kay m-mommy" dagdag nya gamit ang mahinang boses
"Its okay princess.... Di naman din kasi ako nagtanong tungkol don" bulong ko rito at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya
Sa totoo lang kanina nakaramdam ako ng pagkapahiya pero slight lang naman kasi naman yung babaeng mapapangasawa ko eh ni hindi ko man lang alam na wala yung mama nya
"Sorry pa rin Rj.. kasi di ko nasabi sayo yung mga ganung kaimportanteng bagay" mahina pa ring sabi ni Maine
"Okay nga lang princess.. Alam mo ganto na lang kiss mo na lang ako tas kikiss din kita para happy happy na ayiiieehh" masiglang sabi ko at hinipan sya sa leeg kaya medyo umilag sya
"RJ! Siraulo ka. Pag yung niluluto ko nasunog sa kaharutan mo malilintikan ka sa---kin"humina yung boses nya pagkaharap nya sakin kaya napatingin ako sa likod ko na tinitignan nya
"M-ma.." Gulat kong sabi at nakita ko sa gilid ng mata ko na gulat din si maine sa tinawag ko sa babaeng kaharap namin ngayon
Anong ginagawa nya dito?
"R-rj bitaw" bulong ni Maine at medyo tinutulak ako nakayakap pa rin kasi ko sakanya kaya tumabi na lang ako at hinapit sya sa bewang
Pinatay nya muna yung kalan bago sya umayos sa tabi ko
"Good evening Maam!" Magalang na bati ni Maine
"Ma.. What are you doing here?" Simpleng tanong ko sa kanya
"Im going to ask the rumors about the ... "Fiancee thing".. And .. mukang totoo nga ang tsismis ... Sya ba yon?" Mahinahon na sabi ni mama at tinuro si Maine na pinagpapawisan na yung kamay
"Yes ma! She's Maine Mendoza..my girlfriend.. my soon to be wife." Maayos na pag papakilala ko kay mama
Alam kong magkakasundo sila.
______________________________________
Maine's POV
Sa talambuhay ko dito lang ako kinakabahan ng sobra.. mga ateng di ako ready.. hindi man lang ako nakapag ready na ngayon ko na pala mamimeet yung mama ni RJ potek talaga.
Pero parang nakita ko na yung mama nya? Saan ko ba sya nakita? Nakita ko na ba sya o kamuka lang.
Punyeta! Ngayon ka pa talaga nagisip ng kung anu ano, ang isipin mo kung anong gagawin mo?
Girl ano?
Anong gagawin ko?
Makikipagkamay ba ko? Hindiii parang magkaibigan naman kung ganun
Babati ulit ako? Nako! Baka sabihin paulit ulit bumati na ko kanina eh
Hmmmm
Makikipagbeso ko? Its a big NO! Potek na yan. Ano? Feeling close ako? Ekis yon ekis!
Eh anong gagawin ko? Anak ng tokwang isip to oh hindi gumagana. Wala kong maisip!
"Yes ma! She's Maine Mendoza.. my girlfriend.. my soon to be wife." Maayos na pag papakilala ni Rj sa mama nya
Naku po jusko ano ng gagawin ko?
Tinignan ko naman yung mama nya nakatingin sya sakin siguro inaantay kung ano sasabihin ko.. BAHALA NA NGA!
Lumapit ako sa mama ni Rj at kinuha ang kamay nya.. mga par ang lambot ng kamay! Kamay dalaga hiyang hiya yung kamay ko sa kanya.
Magmamano ko!
"Hello po Maam! Magandang gabi po! Ako po si Maine Mendoza hehe" magalang kong sabi at awkward na ngumiti sa kanya
Mabilis naman akong bumalik sa tabi ni Rj. Aba! Mahirap na baka bigla akong sampokin o kaya krompalin bigla bigla dito kasi nakatingin lang sya sakin eh. Ganun yung mga napapanood ko sa teleserye eh.
"So.... Ikaw pala ang kinahuhumalingan ng anak ko nitong mga nakaraang araw" pinagpawisan lalo yung kamay ko ng madinig ko yun kasi hindi lang basta salita ang ginagawa nya habang sinasabi nya yan iniikutan nya ko habang inoobserbahan na para bang inaalam kung anong meron sakin
Nako! Alam ko na to napanood ko na nga to sa tv yung mga tutol yung magulang.
"Ma ano bang ginagawa mo?" Inosenteng tanong ni RJ habang nagtatakang tinitignan yung mama nya
Eto namang si Rj di ba nya nahalata na ayaw sakin ng mama nya potek di hata sya nagbubukas ng tv para manood ng mga palabas uso yung mga ganung eksena ngayon eh.
"Siya na ba talaga ang gusto mo? Wala na bang iba?" masungit na tanong ng mama ni RJ
"Oo sya lang mama. Ano bang nangyayari sayo ma?" parang engot na tanong ni Rj
Parang engot? tanggalin na yung parang kasi engot talaga sya. Jusko! halatang halata naman sa mama niya na ayaw nya sakin kitams naghahanap pa ng iba.
"Anak naman! Mali naman yung sinagot mo eh! Hindi ganyan yung nasa script eh. Dapat oo ma wala ng iba kasi sya lang ang mahal ko! Anak ganun dapat pambihira naman anak! Nakakagulo ka eh!" Mahabang sabi nya kaya nakatanga ko bigla
Ano meron? Anong nangyayari? Sandali ah. Meron ba ditong camera? Di ko magets kung anong nangyayari eh. Naglolokahan lang ba kami dito?
__________________________________________
VOTE AND COMMENT!
Sorry ngayon lang. Busy na sa work eh hahahahaha
Thank youuu!
BINABASA MO ANG
Marry me (AlDub/Maiden)
Fanfiction"Si bestfriend kasi eh hindi ako yung mahal" -Maine "Bat di na lang kasi ako?" -Alden