Chapter 61

40 6 0
                                    

Chapter 61

Benevolence


It was her.

All this time, she was the one who caused all of this. The time I met her at the Prosthetics & Orthotics Clinic, when she came to my house while my parents are still sleeping, then when she showed herself during our ice skating performance...

Bakit siya nagpakita sa akin noon? Ano ang motibo niya? Gusto ko siyang makita at kausapin pero paano? Hindi naman ako pwedeng maglakad sa base ng mga rebelde, baka kung ano pa ang gawin nila sa akin.

Raven, I don't know who you are but I have to hunt you down.

When we arrived at the encampment, a hundred heads had rose up to see their presence, eyes bewildered in shock once the princes had shown themselves, walking with pride and confidence.

Halu-halo ang kanilang emosyon, may ilan na nainis, natakot, at kinabahan nang makita sila, pero karamihan sa kanila'y namangha at napanga-nga na para bang may nakikita silang liwanag at sparkles sa Hanselions.

The soldiers marches up towards them in rows and gives them a salute.

"Welcome to the encampment, Your Highness!"

Sumenyas ang isang sundalo upang i-tour guide kami sa hile-hilerang mga tents. Pinakilala rin kami sa kanilang mga heneral at lieutenant. Hinanap ko si General Fort pero wala siya rito.

I took the time to rest from the trip on our tent with my knights. Just a quick power nap, hoping by the time I wake up, the Hanselions have returned to the Lionheart Palace.

***

I woke up to the sound of loud chattering from the outside of my tent as if people are waiting for a concert, the clinging and clamping of utensils, the footsteps of people rushing.

I dreamt of waking up in a barrel. Binuksan ko ang takip na iyon para makatayo ako. Nakita ko sa sarili ko na nasa stage habang may mga nanunuod na may mga suot na victorian mask, all of them bidding for my life and freedom.

Kinapa ko ang aking pisngi at may luha ito na nagdulot mula sa aking bangungot.

The Slave Auction... paano namin mahahanap iyon? Wala rin ideya si Ema dahil nasa dilim lang siya noong tinatransport sila sa kung saan-saan.

May dalawang misyon na nakikipagtalo sa akin ngayon, ang labanan ang mga rebelde para hindi nila sugurin ang Hanselions at ang mga tao na dadalhin nila sa Slave Auction.

Alin ba dapat ang uunahin ko? Kung sinuko ko ang isa, masasakripisyo ang isa na pinabayaan ko.

Napasabunot ako sa buhok ko. I feel guilty for choosing the Hanselions first. There's nothing I can do for the Slave Auction right now while there's a rebellion going on. I don't even know how to find them or where to start.

Bumangon na ko mula sa aking higaan. Nilibot ko ang aking paningin sa tolda, wala na rin ang squad ko sa kanilang tulugan kaya tumayo na ko para makapag-toothbrush at umagahan. Sumilip ako sa labas ng tolda. 

There's a crowd piling and circling around something, hindi ko ito makita dahil sa mala-pader na mga tao. I had to squeeze my way in between them just to get to the front seat.

Namilog ang mata ko nang makita si Zach at Daniel, may suot na apron, parang silang nagpapasiklaban sa Iron Chef habang may ginigisa sa kanilang frying pan at sumisiklab ang apoy ng kalan.

Parehas silang nakikipagbiruan sa mga tao, tumatawa naman ang crowd na nanunuod sa kanilang gimmick. Parang nagkaroon ng cooking contest at sila ang magkalaban.

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon