Chapter 1

169 10 0
                                    

Chapter 1

The Past is Back


Charlotte

I felt a wrenching pit in my stomach while staring at the ceiling of light blue and white, like staring at a painted sky.

I kept hoping for a miracle to come by the end of the day, to give me a sign about destiny colliding me back to the living Snowflakes in a hot sunny day, but to my dismay, what I only found is a For Rent sign next door.

Kasalukuyan nakahiga ako sa sofa sa dati namin bahay habang nanunuod ng telebisyon, I wasn't really watching if I'm too distracted thinking about them.

Hindi ako makapaniwala na ang unang madadatnan ko pagkabalik ko ng Aestheria ay ang For Rent sign sa kabilang bahay, ang tahanan ng Hansen boys. My Snowflakes.

Saan na kaya sila pumunta? Bakit sila lumipat ng bahay? Mas lalong bumibilis ang pintig ng puso ko tuwing iniisip ang dahilan ng pag-alis nila. Pakiramdam ko na kasalanan ko ang nangyari sa amin kaya nagkawatak-watak kami.

"Mahahanap mo rin sila, anak. Magtiwala ka lang sa kakayahan mo." Napalingon ako kay Mommy na nakatayo sa gilid ng sala habang may hawak itong kape.

"Ang tagal ko rin nawala, Ma."

"Ang totoong pagmamahal ay hindi nalilimutan iyon." Humarap siya kay Daddy at sinikuan siya nito. "Hindi ba, Daddy?"

"Happy Anniversary!" Sabay may nilabas siyang rosas at tsokolate mula sa likod niya.

"Next month pa Anniversary natin."

Sinamaan siya ng tingin ni Mommy. Napansin kong napalunok si Daddy. I took a sip of my hot choco while watching the turn of events.

"Kaya lilibre kita ngayon ng gusto mong bilhin." Sabay inakbayan niya si Mommy at hinalikan siya sa pisngi. Nice save, Dad.

Hinaplos ni Mom ang ulo ko. Nginitian ko siya. "Be patient, anak."

Napabuntong-hininga ako at sumandal sa sofa. If only it was that easy.

"Gusto mo ba sumama sa amin sa parade, anak?" Tanong ni Daddy habang nagsusuot ito ng jacket at kinukuha ang susi ng kotse.

Umiling-iling ako. "I'm going to stay here where it's cozy."

"Aalis muna kami ng Daddy mo, ah? Babalik din kami maya-maya." Tumango lang ako sa kanila bago sila lumabas ng bahay at sinarado ang pinto.

Books are the only means of my entertainment, it was more than enough for me to explore other worlds without moving from my sit, pero dahil naubusan ako ng mga libro na babasahin kakaipon ng pera, nagpasya akong manuod ng telebisyon na lang.

I never liked television to begin with, whenever I stare into the screen of flashing movements and sounds coming from a machine, it felt like my brain is rotting. I've spent the entire college years reading books, working at a minimum wage job, and crumbling myself to piles of school works and thesis.

Hindi na ako nakabili pa ng laptop at bagong phone para makapag-ipon lang ako ng pera pabalik ng Aestheria. Nagtiyaga ako araw-araw na pumasok sa unibersidad at dadaan sa trabaho ko hanggang gabi, sabay uuwi ulit para makapagpahinga sa natitirang oras.

It goes on and on, and I'm finally relieved na nakaraos ako sa ganon cycle dahil mahirap ang ganon klaseng kabuhayan.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang naglilipat-lipat ng mga channels sa telebisyon. May mga cartoon channels, movie blockbusters, at series. Hindi ako sanay manuod ng telebisyon dahil madali ako mabored na manuod ng teleserye.

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon