Chapter 40

56 9 0
                                    

One Last Time by Summer Salt

medyo ispageti.

***

Chapter 40

Masseur


Sa susunod na araw, hindi ako makagalaw sa kama ko.

Humampas ang matinding kirot sa buong katawan ko na siyang nagpako sa akin sa higaan. Sinubukan kong umupo pero sumasakit lang ang tiyan at likod ko na tila bang may bumugbog sa akin kagabi at natalo ako. Kahit i-angat ko lamang ang aking kamay ay kumikirot na ang buong braso ko.

Nanibago yata ang katawan ko sa biglaan ensayo dahil hindi ko naman madalas ginagawa ito noon, kaya hindi pa nakayanan nito ang mga pahirap na ginawa ko sa aking mga kalamnan.

May kumatok sa pinto, pinayagan ko siyang pumasok, bumungad sa harapan ko si Oregano.

"Princess Charlotte, your training is about to start."

"Pwedeng pakisabi hindi ako makakapunta ngayon? Masakit pa katawan ko."

Oregano opened her mouth, she was about to say something but falters and closes her lip. She nodded with a smile then she left from my bedroom.

I spent the entire day in bed. Pinadadalhan na lang din ako ng food tray para may makain ako sa kwarto ko dahil malapit na rin mag-lunch. Nanuod ako ng palabas sa flatscreen television nang may kumatok sa pinto.

Lumitaw ang ngiti sa napakagwapong mukha ni Prince Tydeus Adler Valdemar Hanselion na bumungad sa harapan ko. He's wearing his prince royal suit. Baka nanggaling siya sa meeting niya sa Parliament o duties niya bilang prinsipe.

"How's my princess?" His hands are tucked behind him as he walked closer.

"I can't move."

"Don't worry. Ganyan din nangyari sa'min pero masasanay din ang katawan mo. Magpahinga ka lang. I'll take care of the rest." Umupo siya sa kama sa tabi ko.

"What do you mean take care of the rest?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Ngumiti siya habang hinahaplos ang ulo ko. "I'll bring you food, switch the channel you want to watch, read a book for you, ako naman ang gawin mong maid."

"No, you're a prince. Hindi mo dapat ginagawa iyon."

"It doesn't matter. I just want to take care of you."

Napatitig ako sa kanya. Serioso siya na gawin ito para sa akin.

Kahit sinabi ko nang ayoko siyang utusan, he still do things for me that he knows I would usually do on a day to day basis. He knows me too well kaya alam niya ang mga gawain ko.

Kusa siyang kumikilos para ayusin ang mga gamit ko at damit ko na nakakalat. Kumuha siya ng hair brush upang suklayin ang buhok ko habang nanunuod kami ng palabas.

Nilagyan niya ng face mask ang mukha ko at pinahiran ng basang bimpo ang aking braso at binti. I did took a bath last night before I went to sleep but this feels much better and refreshing.

Mahinahon ang kanyang mga kamay na hinahaplos ako ng basang bimpo, sinubukan niya rin basain nang kaunti ang buhok ko habang sinusuklay ito gamit ng mahahaba niyang daliri. Nakiliti ako sa bawat himas ng daliri niya sa anit ko. His hands are so gentle when touching me.

Nang natapos niyang linisin ang katawan ko gamit ng basang bimpo, dinala niya ito sa bathroom atsaka bumalik na may dalang moisturizer.

"Para saan 'yan?" Tinuro ko iyon pink na bottle na hawak niya.

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon