Chapter 16

57 9 2
                                    

Chapter 16

Midnight Visit


I'm back home while Dad is cooking lunch.

Weekday ngayon kaya naisipan kong umuwi muna sa bahay. Nabalitaan ko sila sa trabaho ko sa Lionheart Palace.

They helped me pack up the rest of my stuff I need such as clothes of my style, books and mixtapes to keep me company at my room, and some utilities.

"It's a good salary, pwede kang makabili ng bahay mo kapag nagtagal ka sa kanila." 

"Hindi niya na kailangan bumili! Malay mo may mapangasawa siyang prinsipe at titira na siya sa palasyo!" Sinukuan ako ni Mom.

"Mom! 'Wag naman ganyan!" Suway ko.

The thought of marrying a prince have never crossed my mind. I haven't even thought about my future with Tyler. If there is a future between us.

Ano ang maghihintay sa akin doon? A Royal life? I'm not even sure if I want it. Paano kung mapakasalan siya sa ibang prinsesa? Do I just watch them build a family as their maid for the rest of my life?

It's sickening. Paano pa kaya ang nararamdaman ng Hanselions, knowing they are forced to get married? It's a complicated world for a Royal.

Sa may front porch ng bahay, iniyakap ko ang magulang ko at hinalikan ang kanilang pisngi, telling them how much I love them and that I will miss them as they feel the same way.

"Take care of yourself." Dad said, wearing his usual apron.

"Mag-uwi ka ng prinsipe, ah!" Kumaway si Mom.

"Ha-ha!" Sarkastik kong sagot bago ako lumabas ng bahay dala ang mga luggages ko.

I got in a taxi to Lionheart Palace, it had to get through a wide gate where the taxi dropped me off and I got transported to a black mini van before driving the pathway with a forest surrounding the palace, the trees with white and pink blossoms standing tall on each side of the pathway.

By the time I arrived, pinapasok ako ng guwardiya nila mula sa ID na pinakita ko sa kanya. He still checked me before I went to my room and change into my maid uniform.

Sa kusina ng palasyo, rinig ang paghiwa ng kutsilyo, ang sizzle sa frying pan, ang huni ng mga ibon sa labas ng bilog na bintana.

Sa may wooden shelves nakalatag ang mga ingredients, fruits, vegetables, at condiments. Sa modernized kitchen table kung saan sila naghihiwa at hinahanda ang mga niluto nilang handa sa silver platter at tray.

Tumulong ako sa pagluluto ng beef wellingtons, cream scones, mediterranean shrimp kebobs, mini sandwich cakes, glazed steak rolls, peach cobblers, at marami pang fancy foods na kakayanin pakainin ang isang buong bayan.

"Pasintabi! Ilalatag lang namin ito!"

Napaatras ako nang may dumating na dalawang lalaki na may suot na apron at chef's hat. Ibinaba nila ang lechon na may mansanas sa bibig nito.

Ang bawat maid at butler ay may dalang kanya-kanyang mga tray pati na rin ang lechon na ilalatag sa dining table ng mga Royals. Sa mga chefs naman ay sasabayan kaming maglakad.

Isa-isa kaming pumasok sa isang buong linya sa loob ng malawak na dining area ng mga Royals. Mas malaki pa yata ito kaysa sa basketball court. Matataas ang mga kisame na may mga chandeliers, mahaba ang dining table na napapalibutan ng mga Royals na nakaupo sa victorian chairs. 

Dumating kami sa harap ng mahabang table kung saan nakaupo ang mga Royals.

All the Royals sat upright with their back straight. Kahit ang Hanselions ay sumusunod sa etiquette ng dining. Kung dati sa hapag-kainan, nagdadaldalan at nagmumurahan pa sila habang nagpapasahan ng pagkain, ngayon nakapirmi lang sila.

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon