Chapter 51

27 6 4
                                    

Chapter 51

The Perpetrator


Sinalo ko ang katawan niya bago pa siya bumagsak sa sahig. Naramdaman ko ang init ng dugo na kumalat sa aking kamay.

Sumisigaw ang mga kapatid niya at nilapitan kami na nagpa-panic at nawiwindang sa nangyari. Ang mga bodyguards nila ay agad na hinuli ang bumaril sa kanya atsaka inilayo ang mga tao sa amin.

Wala pang ilan minuto'y dumating ang Bentley limousine para sunduin kami. Dumating din ang mga police para harangan ang mga tao at media na nakasaksi sa pagbaril.

There was a faint groan that. Nang makita ko kung sino ang sumalo ng bala, nabiyak ang puso ko. His eyes are closed and he fell into unconsciousness.

Claude took the bullet to save my life.

Agad na dinala namin si Claude sa pribadong ospital na airconditioned ang pasilyo at lahat ng kwarto. Amoy ethyl alcohol at disinfectant ang paligid. Pasikot-sikot ang mga nurse at doctor na may labcoat at stethoscope.

Matapos ang mahabang operasyon sa emergency room, naghintay kami sa bench nang mahabang oras, lumagpas ng tatlong oras nang sinabihan kami ng surgeon na nabunot nila ang bala sa katawan niya pero kritikal pa rin ang kondisyon niya.

There's a possibility he may die.

Nasa Intensive Care Unit si Claude kung saan napapalibutan siya ng mga makina na may nakasabit na tube sa kanyang bibig. There's a beeping sound from the machine, showing us his calm heartbeat trying to stay alive.

Tumulo ang luha ko at pumatak ito sa kamay ni Claude na hinahawakan ko.

"Bakit mo sinalo? Bakit mo iyon ginawa? Dapat hinayaan mo na lang... Dapat..."

"Hindi mo ito kasalanan. Huwag mo sisihin ang sarili mo sa nangyari." Tinapik ni Tyler ang balikat ko. Nakaupo siya sa tabi ko at binabantayan si Claude kung magigising na ba siya.

"Tyler..."

May kausap si Austin na pulisya at imbestigador sa labas ng ICU ni Claude. Namumutla pa rin iyong mukha niya na may bahid ng nerbyos, pag-aalala, galit, at halu-halong mga emosyon na nagsulputan sa ekspresyon niya ng isang bagsakan, but he remained calm and composed as he kept talking with them without letting his emotions bursts.

Inaabutan ni Riley ng bottle water at sandwich ang mga kapatid niya na tinatanggap naman nila. Umiiyak si Daniel habang nakatungo sa tabi ng kama ni Claude.

Zach and Malcolm sat quietly on the sofa while staring at their brother attached to tubes and machines keeping him alive. Then Riley sat beside them before talking to his brothers to keep their mind from worrying too much.

Tumayo si Tyler at nilapitan niya ang mga guards na nagbabantay sa kwarto ni Claude.

"I want guards on stand-by in his room 24/7." Matigas na utos ni Tyler sa mga guards. "Walang ibang makakapasok kundi kami lang ng mga kapatid at asawa niya. Kahit presidente pa ang nagpumilit na pumasok, hindi niyo siya papayagan makatapak sa kwarto niya unless they have my permission." 

"Roger, Your Highness!"

"Put a perimeter of guards all over the hospital and outside. Limit the visitation for now." Dugtong pa ni Tyler.

"But, Your Highness... Hindi lang si Prince Claudius ang nasa ICU, marami rin sa mga pasyente rito ang may mga bisita ng pamilya nila." Sabi ng head security.

"That's why I want you to guard the entire hospital." Kalmadong sagot ni Tyler. "Don't let anyone inside unless its personnel or visitors of other patients. Siguraduhin niyo lang na wala silang mga dalang armas."

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon