Chapter 36

55 7 0
                                    

Dancing by Mellow Fellow

***

Chapter 36

Growing Heart


Hinintay kong matapos ang party hanggang sa maubos ang laman ng dance floor atsaka dumating ang mga maids at butlers para linisin ang kalat.

Bumalik ang Hanselions sa kani-kanilang kwarto para matulog. I couldn't go back to my room. I still have a duty to fulfill.

As usual, maraming tirang pagkain na hindi pa nagagalaw.

Natagpuan ko sina Oregano, Bayley, at Parsley na nagliligpit ng mga kalat at pagkain sa mga round tables. Humakbang ako papalapit sa kanila, masyado silang abala sa trabaho nila kaya hindi na nila ako napansin na kinuha ko ang isang buong plato ng roasted chicken.

Napansin lang nila ako nang binagsak ko ang dala ko sa serving tray dahil sa pagkalampag nito.

"Charlotte, you're a noble now! Hindi mo na trabaho ang pagiging maid!" Namilog ang mata ni Bayley.

"Feeding starving children is not a job, it's my duty to help them fill their stomachs." Sagot ko bago dinala ang serving tray sa kusina.

Itatapon lang naman nila ito, masasayang pinaghirapan ng mga naglutong professional chefs, masasayang ang pagkain kung pwede naman ipakain ito sa mga nagugutom.

Pabalik-balik kaming kinuha ang mga pagkain na hindi pa nagagalaw at nilinis na rin ang paligid. Dumating kami sa kusina, kung anu-anong mga utensils ang tumutunog habang nagliligpit kami.

Inayos ni Bayley at Parsley ang lamesa at nilinis ang counter. Nilapag namin ni Oregano ang mga plato, kutsara, at tinidor at inihanda ang mga upuan nila. Malawak naman ang kusina kaya kasya silang lahat.

"Nandiyan na ba sila?" Tanong ko nang nilapag ko ang huling plato.

Binuksan ni Oregano ang back door ng kusina at sumilip sa labas.

"They're here!" Excited na sambit ni Oregano. Lumawak ang mga ngiti namin.

Lumabas na rin ako sa back door. Dumating ang delivery truck driver na nagdadala ng mga sangkap, prutas, at gulay para sa mga niluluto namin sa kusina.

Ngunit, ngayon ay iba ang dala nito.

"Nasundo ko na sila mula sa orphanage." Kumaway si Manong Taro mula sa driver's seat ng delivery truck.

"Maraming salamat, Manong Taro." Sabi ko.

Bumaba siya mula sa harap at pumunta sa likod para alalayan sila.

"Pasok na kayo." I opened the door wide for them. Sumenyas ako sa mga bata na bumaba mula sa likod ng delivery truck at pumila papasok ng kusina.

Pinaupo namin ang mga bata sa harap ng lamesa pati na rin sa may counter. Agad nilang nilamon ang mga leftover foods sa party na hindi pa nagagalaw ng mga Royals. Sa dami ng mga natirang pagkain, panigurado mapapabusog nito ang buong orphanage at street children.

Pinapansin ko ang mga mahiyain na hindi nagkukusa at pinupunuan ko na lang ito ng mga pagkain. Nagpasalamat sila. Natutuwa lang ako na makita silang punung-puno ang bibig nila ng masasarap na hapag-kainan.

"So, this is why you still haven't returned to your bedroom yet."

Lumingon ako sa direksyon na nagsalita. Nakasandal si Tyler sa gilid ng front door ng kusina na nakahalukipkip, malapad ang kanyang ngiti na parang natutuwa pa siya sa nakikita niya.

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon