Chapter 58

28 6 2
                                    

Chapter 58

The Basement


Nanginginig pa rin ang kamay ko nang natapos kong maligo at magpalit ng damit. Nakasandal ang aking kamay sa gilid ng wash basin habang nakatitig sa sarili kong repleksyon.

Binalitaan namin ang mga kapatid niya tungkol sa natuklasan namin at ang paghabol ng itim na Mercedes sa amin.

"They would probably make a story." Sabi ni Claude na nagpatahimik sa mga kapatid niya. "Sasabihin nilang nagtanan kami ni Charlotte pagkatapos nila kaming patayin sa gubat at itapon sa ilog."

Kinilabutan ako sa sinabi ni Claude. If it weren't for Claude's skill in motorcycle racing, we would've been caught and dead by now. He saved us again.

Bumuntong-hininga si Austin.

"Magpahinga muna kayo. Sinabihan na rin namin ang mga knights at bodyguards natin na bantayan ang buong floor natin at ang palasyo."

We got into bed. Pagod na rin ako at gusto ko na lang isubsob ang aking mukha sa unan. Baka hindi na rin ako mag-attend ng traning bukas dahil kailangan ko pang makarekober sa nangyari.

Niyakap niya ako nang mahigpit, halos mabaon ang kanyang mukha sa balikat ko na para bang gusto niya na lang magtago sa akin. Hinaplos ko ang likod at buhok niya upang i-comfort siya sa abot ng makakaya ko.

Alam kong hindi pa sapat ito pero sana'y nabawasan man lang ang bigat sa damdamin niya.

"I won't let them take you away from me." Tyler whispered as we drifted off to sleep.

***

"It's good news! Nababawasan ang mga homeless sa lansangan! The country is improving from poverty!"

Iyan ang bungad ni Counselor Socrates habang may hawak-hawak siyang newspaper, ang Lionheart Times. Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner kasama ng ibang mga Royals na nandito pa rin sa palasyo sa dinner table.

Kailan pa ba sila aalis dito? Parang nakitira na sila sa amin. Dapat ang Hanselions at pinsanlang ang naninirahan sa Lionheart Palace, hindi kasama ang mga District Royals.

"It is indeed great news!" Tumayo si Lord Edward Fitacio, halos tumalbog pa ang lamesa dahil nabunggo ito ng malaki niyang tiyan. "It just means the project to cure homelessness is doing quite well!

"Congratulations!" Counselor Socrates raised his wine to him. "To the future of this country! May our motherland turn into a peaceful sanctuary!"

"Many have failed to try this but our methods are way better than most of those who have tried but never succeeded." Naiinis ako sa tono ni Lord Edward tuwing nagsasalita siya, may halong pagkamayabang at pagmamalaki tuwing bumubukas ang bibig niya.

Of course, he should be proud. Lord Edward is one of the Elites in the portrait after all. Tandang-tanda ko pa na may hawak siyang hunting rifle at patay na bunny sa isa niyang kamay. Payat pa siya noon hindi katulad ngayon na nadagdagan siya ng timbang.

"A round of applause to Prince Eric!" Inangat ni Lord Edward ang champagne glass niya at tinuro ito sa binata niya. "The selfless philanthropic leader the country needs!"

Napatingin ako kay Prince Eric na blanko lang ang ekspresyon na para bang hindi niya inaasahan ito. Nagpasalamat siya sa kanila habang inulanan siya ng palakpakan mula sa ibang Royals sa table namin.

 Nagpasalamat siya sa kanila habang inulanan siya ng palakpakan mula sa ibang Royals sa table namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon