Chapter 50

32 5 0
                                    

Swan Lake, Op.20, Act II by Pyotr Tchaikovsky

***

Chapter 50

The Parade


It's the Queen's Birthday.

Bilang tradisyon, the entire country will celebrate the King and Queen's birthday with parades, festivities, songs, and fireworks.

Hinigpitan ni Parsley ang corset ko. Sa sikip nito'y parang akong naninigas na robot. Hindi ko kayang yumuko o mag-slouch. I have to stand upright, sit straight, eat half of my usual appetite dahil mabilis akong mabusog sa sikip ng corset sa tiyan ko.

Makapal ang court dress na nilusot sa katawan ko. It has the color of pink and white carnations and soft ruffles and bows. The sleeves are a bit tight but I can manage. The laced cuffs and laced gloves made me feel fancier than I used to.

Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin. May headdress ang buhok ko, a long feather in a golden band with peonies. It made my head look like a garden with the tail of a bird peaking through.

And then this dress! How can I walk with this monstrosity? Ang sikip din ng damit, hapit na hapit sa katawan ko, parang akong binuhulan sa beywang para lang ma-emphasize ang korte nito.

It's true when they say the Royals dresses are over the top. Exaggeration in the palace is an understatement. Everything has to be more than the standard. Everything needs to be perfect and exceed perfection.

What a load of bullshit.

Mas pipiliin ko pang maging commoner kaysa makasanayan ang paraan ng pamumuhay nila. At least the commoners can be satisfied with a simple life instead of striving to perfection all the time. It will only lead to disappointments since the Royals expectations are mostly unrealistic.

Naglakad kami palabas ng palasyo at naglakad sa malawak na hagdan. Pinayungan ako ni Bayley, hindi ko rin siya mapagsabihan na kahit huwag niya na gawin iyon dahil mapapagalitan lang siya kaya hinayaan ko na lang.

Dumating kami sa dulo ng hagdan, natanaw ko si Tyler na nakasandal iyong siko niya sa gilid ng balustrade.

Suot nila ang kanilang royal prince suit na mga prinsipe lang sa palasyo ang makakasuot nito. Sure, costumes can copy them but only the originals can where them.

Sa damit pa lang, halatang pagkakaguluhan na sila ng mga tao mamaya. Halatang mamahalin ang kanilang suot na may halong ginto at dyamante.

Everyone in the country loves royalty and they are the living embodiment of majesty.

"Lady Charlotte." Bati ni Tyler sa akin.

"Prince Tydeus." I greeted back.

Mariin niya kong tinitigan na para bang naninibago siya sa aking suot. Madalas kong suotin ang mga t-shirt at jeans. Simula nang maging maid ako, iyong uniporme lang nila ang sinusuot ko sa palasyo.

Nanibago rin ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin as if he is looking at a different version of me, a person who had transformed like a caterpillar into a butterfly.

Nakaantabay ang mga kabayo na nanggaling sa kuwadra, mukhang hinatid ito ng mga bantay doon sa entrada para masakay namin sa parade.

Hindi ko pa nakabihasahan ang pangangabayo, napapanuod ko lang ito tuwing sa training nila pero ngayon lang ako makakasakay ng kabayo.

Kinakabahan ako dahil hindi ko rin inakala na makakasama ako sa parade. At sasakay pa ako sa kabayo!

Gusto ko sana humiling na kahit sa limousine na lang ako para hindi ko na kailangan magpakita sa mga tao pero nang makita kong tumungtong sila at umupo sa saddle ng kanilang kabayo, umatras ang dila ko.

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon