Chapter 43

42 7 0
                                    

Chapter 43

The Target


Hinintay ko pang matapos ang meeting nila sa Parliament bago sila bumalik sa palasyo.

Serioso ang kanilang ekspresyon na pumasok sa art studio ko na malapit sa Grand Greenhouse. Kakatapos ko lang din ng Knighthood training ko kaninang umaga kaya lahat ng naka-schedule na interview sa akin sa talk shows at photoshoots ay tinaboy ko lang ulit katulad noon.

Sa gilid ng mata ko, napansin kong umupo sila sa mahabang sofa, ang iba naman katulad ni Claude, Nick, at Tyler ay naglibot sa studio ko para tingnan ang mga kagamitan ko, pero hindi nila sinisilip ang pinipinta ko.

It's an invasion of privacy to peak through an unfinished product unless granted a reveal, although I don't mind if it's them.

"Anong balita?" Tanong ko na hindi nalingon sa kanila.

"Ang heneral na naghatid sa'yo sa kasal ay si General Fort." Sabi ni Malcolm, his arm draped on the couch before biting an apple from his hand. "I talked to a prince who knows him. Isa siya sa mga namamahala ng encampments sa bawat distrito." 

"Sinong prince?" Nanliit ang mata ni Claude sa kanya.

"Prince Eric." Sagot ni Malcolm na nanguya pa rin. "Naging instructor natin siya sa Knighthood ng isang beses. Hindi niyo ba naalala?"

"Oh! Siya pala 'yong nagturo sa'tin ng warfare training!" Sabi ni Daniel. "Hindi ko na maalala ang mga tinuro niya tungkol sa strategies sa war. Nakatulog yata ako sa lectures niya."

"It was a good lecture. Marunong siya at matalino. The way he talks and walks, it really does speak he is from royalty." Komento ni Riley.

Sumimangot ako. That prince? Siya ang prinsipe na nakita kong kinakausap ng Parliament at dineklara ni Lord Edward Fitacio na ipalit siya sa trono ng Hanselions.

He didn't say much that time but from the looks of it, he is competing for the throne. Iniisip ko pa lang ang sinabi ng ama niyang si Lord Edward Fitacio, kumukulo na ang dugo ko.

"Pwede ba natin kausapin si Prince Eric tungkol kay General Fort? Baka may alam pa siya tungkol sa kanya." Suhestiyon ni Zach.

"No." Madiin kong sagot. "His father was planning to replace your throne with Prince Eric. Sa tingin niyo ba matutulungan niya kayo?"

"Yes, we know." Tugon ni Austin na ikinataka ko kaya nagsalita pa siya. "Kinausap na kami ni Lord Edward Fitacio at ni Prince Eric tungkol diyan noong nagpulong kami sa Parliament."

That was quite a shock. Sinubukan ba nilang kumbinsihin ang Hanselions na bumaba sa trono nila? "Anong nangyari? Sinuntok niyo ba si Lord Edward sa mukha?"

"Wala naman nangyari." Austin shrugged as if it wasn't a big deal. "I understood their side kung bakit nila gusto si Prince Eric na pumalit sa'min. Frankly, I met the guy and he really does fit to become King. Sobrang sipag niya sa mga trabaho at tungkulin niya, he goes beyond his initiatives and the Parliament listens to his every word."

Kung napahanga ni Prince Eric ang katulad ni Austin na strikto at metikuloso sa mga bagay-bagay, it's saying something a lot. And what made me feel worse, kahit ang mga kapatid niya'y sumasang-ayon sa kanya.

"He has something that we don't." Austin turned to face me while holding a wine glass with his hand and sitting on the edge of the couch like a gentleman on a business.

"Ang ano?" Umarko ang kilay ko. "Masungit at matapobreng ama?"

"A vision." His serious tone echoed across the room that made me shiver. "Matagal niya nang pinaplano at pinapangarap na umangat sa trono para itupad ang kanyang vision na umunlad ang bansa."

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon