Chapter 34

55 7 2
                                    

Chapter 34

The Grooms


If a man marries more than one wife, no one bats an eye, but if a woman does it, she's a whore.

Iyan ang naging bukang-bibig mula sa mga prinsesa na nakasama ko sa ladies' room para magpaganda rin sila. Matatalas ang kanilang mata na tiningnan ako pero hindi ko na lang iyon pinapansin bago ako pinapasok sa sarili kong private room.

Most of them are calling me a whore, some of them stayed silent without bothering me or anyone else in the ladies' room.

Hindi ko na lang sila pinapansin at hinahayaan lang ang aking professional stylist na ayusin ang buhok at make-up ko. 

I am more determined, braver, fiercer.

I am not afraid to take this path knowing there are far much worse problems outside of these walls. I was so dumb to waste time and argue inside my head about the things that don't matter to me anymore.

"You didn't get your beauty sleep?!" Hindi makapaniwalang sabi ng professional stylist.

"Hindi ko kailangan ng beauty sleep. Pwede niyo naman takpan ng make-up ang eye bags ko." Ngumuso ako.

"Hmm. Eye bags lang ba ang tinakpan ko?"

Namula iyong pisngi ko sa pinapahiwatig niya. Hindi na lang ako nagsalita pero kita ko pa rin ang ngisi sa gilid ng kanyang labi habang nilalagyan ng finishing touch ang mukha at balikat ko.

"I'm not going to ask about the hickeys." Bulong niya na nagpipigil na tumawa. "But I was wondering... how and why there's so many? Napaaga ba ang honeymoon mo sa mga prinsipe? Para kang tinadtaran talaga ng hickey."

Tama naman siya. Isang halimaw ang sumipsip sa balat ko. Daig pa ang lamok.

Ang dami pang mga satsat ng professional stylist ko pero agad niya rin naman niyang inagapan ang mga hickey sa dibdib at leeg ko. Tinakpan niya ang eyebags ng make-up. I told her to make it light dahil ayoko naman magmukhang barbie katulad kahapon.

Hours went by with the hairstyling, make-up, and manicure. The sleepy tired face had transformed into a glowing stunning beauty in front of the mirror without a hickey on sight.

"Wow, you did a great job making me look human." Komento ko na ikinatawa niya. "Seriously. You are talented. Thank you."

"Oh, princess. It's my job to make you look the best."

"Ano nga pala ulit pangalan mo?"

"Glam." Her glossy pink lips smiled. "Go get your men, darling. Gantihan mo rin siya." Sabay kindat pa niya.

I smiled before facing the mirror as I took a deep breath.

Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin, suot ang wedding gown na may laced sleeves at off-shoulder na kita ang collarbone ko. May corset na humigpit sa beywang ko, making my waist curvy and my breast jiggly.

"The Bentley is waiting at the entrance." Sabi nila.

Inalalayan nina Oregano, Parsley, at Bayley ang pahabang skirt sa likod ng wedding gown ko. May mga escorts at bodyguards na naghatid sa akin papunta sa Fidelis Abbey kung saan madalas ginaganap ang coronation at kasal ng mga Royals.

Sumakay kami sa Bentley limousine na naghihintay sa entrada atsaka nagmaneho ito palabas ng Lionheart Palace. Nilagpasan namin ang gubat na nakapalibot sa palasyo at ang pangalawang gate nito hanggang sa makarating kami sa Lionheart City.

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon