Chapter 33

55 9 4
                                    

Chapter 33

More Than Everything


I sat quietly beside Tyler in the back of the limousine. Inutusan niya ang drayber na i-angat ang separator para mabigyan kami ng privacy ni Tyler.

Umangat ang separator at natakpan ang drayber, nakahinga nang maluwag si Tyler. Napalunok naman ako nang bahagya dala ng kaba sa kung ano man itong pag-uusapan namin.

Tungkol ba ito sa kasal namin mamaya o tungkol sa amin?

"Tyler? Bakit mo ako sinundo? What do you want to talk about?" Sunud-sunod kong tanong, hindi mapakale sa sarili.

"Us. I want to talk about us." Tyler's throat bobbed.

Nabalutan ako ng nerbyos dahil sunud-sunod pumasok sa isipan ko ang mga tanong at pangamba na pilit kong itinataboy. Tumango na lamang ako.

"Ano iyon?"

"They will be expecting an heir from you." Bungad niya.

It's not the only reason why he's here, kita ko sa mga mata niya na marami siyang kailangan pag-usapan kasama ko.

"Hindi pa ko handa." Tugon ko.

"At hindi kita pipilitin. Ganon din ang mga kapatid ko. Hindi ka namin gagalawin. You have my word on it." Diretso niya kong tiningnan sa mata, sinisigurado na hindi iyon mangyayari ang kinakatakutan ko.

"I trust the Hanselions." Sabi ko. "I don't trust the Elites."

Tumango siya bilang sang-ayon sa sinabi ko. "Ang kinaiinisan ko din ay ang palasyo. They kept demanding things on a rush."

"Hindi pa ba sapat ang kasal sa kanila?"

"Kailangan nilang makita na magpapatuloy pa rin ang lineage ng Hanselions." He leaned against his thigh with an exasperated sigh. The pressure must be heavy on them, forcing them to make a child... to make an heir with me.

"Don't. I don't want to talk about that." Nailing kong sabi, trying to block its possibility. As much as possible, ayokong maging posible iyon.

"Which leads me to a point why I'm here." Pagtutuloy niya.

"Which is?"

"I'm sorry I failed you." Puno ng sinseridad ang tono niya, ang guilt sa mata niya na hindi ko matindindihan kung bakit dala-dala niya iyon,

Bakit siya nagso-sorry? Wala naman siyang ginawang mali sa akin. Kung tutuusin, ako pa nga dapat ang mag-sorry dahil nasaktan ko siya.

"You didn't fail anyone. Especially not to me." Hinaplos ko nang marahan ang malambot at makinis niyang pisngi. "I was the one who left you, remember? I should be the one who's apologizing."

"No, you don't apologize for the decision you had made." Tyler reassured me while grabbing my hand from his cheek tightly around his for comfort. "I'm the one who's at fault. I was your boyfriend but I failed to protect you from all of this. I want you to have a better future than this." His voice was so gentle, I suddenly felt like crying.

"Wala kang ginawang kasalanan! Wala ka dapat ika-guilty! Maharot ka nga sa'kin but you're still a good boyfriend, you didn't fail anyone!"

Napakagat ako sa ibaba kong labi nang maisip ko ang plano niya noon na magtanan. He was ready to leave his family behind so he can have a future with me. It was such a huge bargain and yet he still took the risk.

"Charlotte, tatanggapin ko kung aalis ka ng palasyo kung hindi mo kaya ito." His gentle eyes lingering in mine.

"At hayaan kayong magpakasal sa mga taong napilitan kayong pakasalan? Parang mas malaking kasalanan pa iyon kaysa ang kasal natin ngayon."

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon