Chapter 2

126 10 0
                                    

Chapter 2

Burgers and Rubies


Charlotte

Naglakad ako patungo sa Burger Queen para mabalikan ang lugar kung saan nabuo ang samahan ng mga kaibigan ko mula sa hilig namin sa mga higanteng hamburgers. Nilibot ko ang paningin ko sa dati namin pwesto ngunit walang nakaupo roon.

Bumabalik ang ala-ala ng tawanan at kwentuhan mula sa table kung saan nabuo ito lahat. Ang kanilang ngiti at tuwa na lumiliwanag sa isipan ko, kahit ang mga Hansen—I mean, Hanselion, ay naging parte rin ng masayang ala-ala sa Burger Queen.

Napabuntong-hininga ako at pinagmasdan ko ang empty seats na puno ng kalungkutan. Mukhang tumigil na sila pumunta rito. Napapaisip tuloy ako kung matatanggap pa ba ako ni Kiera at Jiro kahit hindi ko sila nakakausap ng limang taon. Maalala pa kaya nila ako?

Paalis na sana ako ng Burger Queen hanggang sa may narinig akong nagbabanggayan sa likod ko. Napatigil ako sa pagkapit sa glass doorway dahil sa pamilyar na boses na naririnig ko.

"Kiera! Stop twisting my nipples!"

"Then stop being a jerk! Don't talk about diet! We just keep eating and eating!"

Dahan-dahan akong humarap sa pinagmulan ng malalakas na boses. Bumibilis ang tibok ng puso ko nang nakaharap ko sila. Nag-aaway pa sila sa may pila hanggang sa napalingon sila sa direksyon ko at huminto sila sa kanilang banggayan.

"Charlotte!" Sabay nilang sigaw at sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap nina Kiera at Jiro habang tumatalon-talon kami sa sobrang tuwa.

Niyakap ko sila nang mahigpit, sa sobrang tagal na namin hindi nagkikita, akala ko nawala ang pagsasama namin ngunit nandito pa rin pala, nanatili pa rin matibay mula noon hanggang ngayon.

"I miss you guys so much!" Sabi ko na nagpalawak lalo ng kanilang ngiti.

"We thought you got kidnapped or something!" Puno ng pag-alala sa boses ni Jiro at agad na sinapak siya ni Kiera sa likod ng ulo niya. "Ouch! Why did you do that?!"

"You're being a pain in the ass! In all of the things you could've said, why does it have to be that one?!" Kiera scolded.

"I'm kidding! Ito naman hindi mapagbiro." Ngumuso si Jiro.

Natawa na lang ako sa kanilang dalawa na ikinataka nila. Halos wala pa rin pinagbago sa kanila, kung paano sila mag-away ganon pa rin sila.

Sabay kaming nag-order ng usual namin sa counter at dinala namin ang tray sa dati namin pwesto, the same cushioned seats besides the glass window. I sat across them, watching Jiro separate the ketchups and fries from the burgers, while Kiera is mixing Jiro's soft drink with soy sauce and ketchup.

"I'll drink your soft drink if you messed up mine." Banta ni Jiro habang kinakalat ang ketchup sa tissue.

"I don't mind." Kinindatan siya ni Kiera na nagpamula ng kanyang pisngi.

Pinagmasdan ko si Jiro. He had cut his hair shorter than before, may nakasabit na DSLR camera sa kanyang leeg, may suot siyang red checkered polo, white shirt, faded jeans, and converse. 

Kiera is still as pale as ever, but her beauty ever glows than before. May suot siyang white turtleneck sweater, high-waisted khaki pants, and sneakers.

They're still the same people but their looks and personality had matured. They bully each other but it's just for fun.

"I still can't believe those idiots are the Prince of the Lionheart Palace." Nakatulala kong sabi sa bintana, umasa na bigla na lang sila susulpot at lalabas mula sa van nila mula sa parking lot pero walang dumating.

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon