Chapter 21

57 8 4
                                    

Chapter 21

Horseback Riding


Pinanuod ko mula sa bintana ang Hanselions na bumaba mula sa limousine na napagitnaan ng mga itim na van.

Sinalubong sila ng mga butlers at royal guards na sumusunod sa kanila paakyat sa malawak na hagdan ng palasyo hanggang sa nalagpasan nila ang matataas na haligi nito at nakapasok sa loob ng pinto.

"Charlotte! Bilisan mo! Paparating na ang Hanselions natin! Dalhin na natin ito sa gazebo!" Sigaw ni Oregano. Sumunod na ko sa kanya papunta sa kusina.

Dinala ko ang tray na may pitchel ng juice at ang mga baso sa may gazebo kasama si Bayley at Parsley na may dalang mga pastry basket, si Oregano naman ay nagdala ng mga silver platter na may mga main dish kasama ang tatlong butlers.

Inayos namin ang mga lamesa at hinanda ang mga pagkain nila. The roasted butter chicken and mushroom soup is steaming hot, the prawn shrimps forming a circle in its tray and sauce, the wintermelon drinks with little umbrellas.

May narinig akong tawanan at daldalan mula sa likod ko. Napatayo ako nang tuwid para tingnan sila.

Ang Hanselions, naglalakad sa may palace gardens na napapalibutan ng makukulay na bulaklak sa rocky pathway papunta sa gazebo. Suot ang kanilang regency shirts na naka-tuck in sa high-waisted black pants nila.

Nasisilungan sila mula sa mga parasol na dala ng ibang maids para hindi sila maliwanagan ng sinag ng araw.

Kasama rin nila si Counselor Socrates at ang pamilya ng Trinity. Dumating sila sa gazebo kung saan namin hinanda ang mga pagkain nila sa mahabang lamesa.

Umupo ang Hanselions kasama ng pamilya ng Trinity. Umalis ang ibang maids at butlers, naiwan kaming dalawa ni Bayley para tumugon sa pangangailangan nila.

"Psst. Crush mo, oh. Ang gwapo niya ngayon." Sinikuan ako ni Bayley habang nginungusuan niya si Tyler na kumakain ng roasted butter chicken.

"Araw-araw naman siyang gwapo." Sabi ko.

"Ayiee! Landiin mo na, bes! Kapag mag-lean forward ka, pakita mo cleavage mo!"

"Gaga! Mapapagalitan tayo!"

Counselor Socrates lead the conversation for both parties to share with. They talked about the palace, classes, and the Parliament, sharing each other's opinions.

Nahagilap ng mata ko si Tyler na nakatingin sa direksyon ko. May kinakain naman siyang cupcake kaya ang frosting 'non kumalat sa labi niya. Hinimas niya ito ng kanyang hinlalaki at dinilaan habang mariin na nakatitig ito sa akin.

His seductive grey eyes always melts me. Sana ako na lang 'yung cupcake.

"Prince Tydeus, I heard your grades are exceeding in the political science class. How are your classes?" Tanong ni Morissa Dahlia sa kanya.

"Boring." Tyler sighed then his eyes became steady when he noticed Morrisa and Landry weren't happy with his answers. "I mean—uhh, marami akong natutunan sa klase namin. Especially about establishing laws and initiating funds for government projects."

"Mabuti naman. Madadala niyo lahat ng natututunan ninyo sa Parliament dahil balang araw uupo rin kayo 'don para mamahala ng bansang ito." Seriosong tugon ni Landy Von sa kanila.

"It's expected they should excel in class. They are the future of our country. They must do better than the rest of us." Determinadong sagot ni Counselor Socrates.

Nagdulot ito ng katahimikan sa Hanselions. Nabilaukan pa si Daniel sa kinakain niya na agad na inalalayan ni Bayley para ihagod ang likod niya at inabutan ng tubig.

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon