Chapter 17

59 9 0
                                    

Chapter 17

The Solution


Pinapasok ko si Tyler sa kwarto bago ko sinarado ang pinto, baka mamaya mahuli pa siya sa hallway.

Nilibot ni Tyler ang kanyang paningin sa maliit kong kwarto. Nakasimangot siya habang pinagmamasdan ang paligid niya. Humampas ang amoy ng kanyang mamahalin na pabango nang lumapit siya sa akin.

Bumibilis ang pintig ng puso ko ngayon na nandito siya sa harapan ko. Sinusuri ako ng abo niyang mata, ang hoodie ko, sweatpants, sunod ang mata ko, hanggang sa huminto siya sa labi ko.

"Your Royal Highness." Biro ko habang humahagikhik. I don't know. It sounded more exciting if I say it to Tyler.

"Don't call me your Royal Highness. Call me by your endearment. Don't look at me as a prince but a boyfriend you had from five years ago." He reached for my hand then pulling me close until my chest is pressed against his.

Iniyakap niya ako nang mahigpit sa pagitan ng matipuno niyang braso. He's still wearing his poet shirt. Ramdam ko ang hugis ng katawan niya na nakadikit sa akin. His heart beating on his chest against mine.

Kumalas siya sa yakap para tingnan ako. He held the back of my waist, his other hand caressing my cheek. 

"You don't have to treat me as a prince like everyone else does." Tyler tucked the strand of my hair behind my ear, his grey eyes sparkling from the moonlight glow.

My gosh. How lovely he looks right now.

"But you are a prince."

"No. I am your lover. Your darling."

Tyler sniffed my hair like he's breathing air, lumitaw ang kanyang ngiti nang malanghap niya ito.

"Gusto na kita i-uwi."

"Kung pwede lang."

"Dalhin kita sa kwarto ko. I'll carry you bridal style."

"Alam natin parehas na bawal ang maid sa kwarto mo." Naghalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.

"Ikaw lang naman ang pinapayagan ko sa kwarto at kama ko." Kumindat pa siya.

I blushed. Tyler really has a way to make my heart and lips smile.

"Pasensya na kung magulo." Nilagpasan ko siya para pulutin ang mga nakakalat kong damit at nilapag ang kumpulan nito sa upuan. Nakakahiya. Karamihan pa naman 'yon hindi ko pa nalalaba.

"It's fine. I just wish they made your room bigger." Nilibot niya ang kanyang paningin, his hands on his back. May napansin siyang cassette tape sa lamesa at pinagmasdan ito.

"Okay lang. Hindi ko kailangan ng malaking kwarto."

"There's always an option." He mutters to himself.

Pinagpag ko ang kama ko para makaupo siya but he doesn't sit down, naglakad-lakad lang siya at tinitingnan ang gamit ko kahit nakakahiya dahil magulo pa rin ito.

Itinabi ko ang easel sa gilid para buksan ang bintana at may hangin na makapasok sa kulob kong kwarto.

I'm sure no one can see us from here. It's too dark and the employee quarters is far from the palace.

"Anong ginagawa mo rito? Bawal pumunta ang prinsipe sa employee quarters. Alam mo ba 'yan?" Pumeywang ako.

"I don't care. I just want to see you." Hinawakan niya nang marahan ang palad ko, nanatili pa rin ang mata niya sa akin. "My lips are craving for you, baby."

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon