Chapter 39

45 9 0
                                    

Sorry for the long wait! I will finish SoST and update as much as I can.

***

Chapter 39

The Duel


Magkaharap si Ambrose at Tyler na may hawak na espada. Hindi ko akalain na makikita ko silang magdu-duel.

"Guys, hindi niyo na kailangan mag-duel. I'm just trying to get through training." Hindi nila ako pinakinggan. Masyado silang nakapokus sa isa't-isa na parang mga lion sa animal kingdom, inaalam kung sino ang king of the jungle.

I don't think they're fighting anymore like they used to. Kung dati madalas silang mag-away kung magkatagpuan sila sa palasyo at iniiwasan ang isa't-isa, pero ngayon, unti-unting nagbabago ang pagturing nilang magpinsan.

Nakaupo kaming lahat sa bangko habang pinapanuod sila. Kahit ang mga bagong recruits na kakatapos lang namin sa training ay nanatili sa Training Grounds para manuod ng laban nila.

Bumuntong-hininga ako, sumandal sa upuan ko, and I just enjoyed their duel like the rest of us.

Some of them are placing bets on who gets to win. Nag-ambag din ng pera ang Hanselions at Trinity sa pustahan para sa kanilang katuwaan lang. I didn't participate in the bet.

"Binoto mo si Ambrose?" Tanong ko kay Daniel nang nakita kong nilagay niya ang ambag niya sa cup na may pangalan ni Ambrose.

"Oo, panigurado si Ambrose ang mananalo. Wala akong tiwala kay Tyler." Daniel grinned.

Napansin ko rin na karamihan sa Hanselions ay binoto si Ambrose. Tiningnan ko sina Hugo at Sachi at nilagay naman nila ang pera sa cup ni Tyler. So they are betting on the opposite sides?

Ano kaya laman ng kokote nila na mag-away sa umpisa at bigla na lang naging ganito?

"The rules are simple: no dirty tricks, no harmful attacks, and just have fun. Whoever loses gets to have a consequence." Pahayag ni Hugo sa dalawa.

"Like a dare?" Ngumisi si Ambrose.

"Yes, the winner gets to choose a dare for the loser."

Naghiyawan ang magkapatid at pinsan maliban kay Ambrose at Tyler na mukhang nag-aalinlangan sa rules ni Hugo pero hindi naman sila tumanggi sa huli.

"The most important rule of all..." Inangat ni Hugo ang hintuturot niya at napalibutan sila ng katahimikan. "Don't attack the crotch."

"Obviously?" Napailing na lang si Ambrose.

"Shall we start?" Tyler nodded to Ambrose. Nagposisyon ang dalawa sa gitna.

Tiningnan ko ang mga manunuod ng duel sa mga benches. Mukhang lahat sila'y excited na panuorin ito.

"This should be interesting." Ngumisi si Malcolm, crossing his arms between his chest.

"So, interesting sa'yo na makitang naghahampasan sila ng espada?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Not in a way you're thinking! Ikaw, ah! Napagkakamalan na kita!"

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya pero hindi ko na ito pinatulan pa.

Hindi ko pa nakikita si Tyler na makipag-duel o gumamit ng espada maliban sa training. Kahit kailan naman ay hindi ko inaasahan na makakasama siya sa Knighthood. I thought being a prince is just being a prince, I didn't think it will require him to hold a sword too.

"One, two, three... Fight!" Once Sachi made the signal to start the duel, nagsimula rin ang hiyawan ng mga recruits at magpinsan.

They are circling on the ground, waiting who to strike first. Ang unang sumugod ay si Ambrose. Tyler parried his strike, a clinging sound of sword clashing echoed in the air.

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon