Chapter 52

33 7 0
                                    

Chapter 52

Missing Piece


Napalibutan sila ng katahimikan. Dahil walang umimik sa kanila matapos magsalita ni Tyler, kinausap kami ng detective kung anong gagawin kay Faiman.

Tyler convinced them not to press any charges but he will still be interrogated and imprisoned for a while until we finally discover who is behind the rebellion from the districts.

"How can you be so sure he's not an assassin? Paano kung nagsisinungaling lang siya sa detective?" Sunud-sunod na tanong ni Nick, he's cautious of the situation.

"It's my job to know if someone's lying to me or not." Sagot ni Detective Arthur. "This man can't lie kaya may mga tanong na hindi niya kayang sagutin kasi alam niyang hindi niya magawang magsinungaling sa'kin."

"Bakit ginawa niya pa rin iyon kung alam niyang masisira lang ang buhay niya?" Napahawi si Nick sa kanyang buhok habang nag-iisip nang malalim. "It's just... hindi ba't mas lalo lang siyang mahihirapan tulungan ang pamilya niya kung makukulong lang din siya? I'm sure he knows the consequence when he picked up the gun and shot my brother."

Detective Arthur heaved a sigh. "Napilitan lang siyang gawin iyon dahil akala niya iyon ang tama at dapat niyang gawin pero hindi niya alam na ginamit lang pala siya ng kung sino man humikayat sa mga rebelde na labanan kayo."

"Someone is leading these rebels." Sabi ko na nakahalukipkip. "Hindi magsisimula ang rebelyon kung walang lider at hindi nagpapakita ang lider nila kahit sa mga rebelde mismo. Sa puno't-dulo, sa kanya nag-uugat ang simula ng gulo."

Kung sino man ang lider ng mga rebelde, kailangan namin siyang pabagsakin bago pa lumala ang sitwasyon sa bansang ito at maiwasan na magkaroon ng patayan at gulo.

Counselor Socrates warned about this before I joined the Knighthood, we need to stop the rebels before they spark a civil war.

The people are already going through so much from the way I saw from Faiman's eyes. A civil war would be the last thing we need right now.

Lives don't have to end in order to gain peace.

"You leave the investigation to me and the police. Mas mabuti pa kung bumalik kayo sa palasyo at antabayanan ang aming nakalap na impormasyon." Utos ni Detective Arthur sa amin.

Nanatili pa rin kami ni Tyler sa upuan namin sa opisina ni Detective Arthur. The rest of the Hanselions went back to their Bentley limousine para ihatid pabalik sa palasyo kasama ng kanilang bodyguards.

"Will you investigate someone for me?" Hiling ni Tyler while leaning against his thighs.

"Sino?" Tanong ni Detective Arthur na hindi nalingon sa kanya.

"General Fort."

Ang mapanuring mata ni Detective Arthur ay napatingin sa kanya na para bang binabasa niya ang mukha ni Tyler, inaalam ang intensyon niya.

"Why do you want me to investigate a general of a military in the middle of a rebel's investigation?"

Kumuyom ang panga ni Tyler. Hindi siya makasagot at kahit ako'y hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ito sa kanya.

Alam niyang hindi niya rin kayang magsinungaling sa detective na ito, it would be insulting his intelligence if he tries to do it kaya hindi niya na ginawa.

Nang dahil hindi umimik si Tyler, mas lalo tuloy na-curious ang detective kung ano ang tinatago niya kaya isinandal niya ang kanyang palad sa lamesa habang sinusuri ang aming blankong ekspresyon.

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon