Tinitigan ni Dallas ang mga papeles na nakalatag sa kanyang mapalapd na lamesa. Kanina pa niya iyun tinitingnan at ang papeles na kanyang kayang pirmahan sa loob lamang ng isang oras ay inabot na ng maghapon sa kanyang lamesa. Halos nagdoble na ang mga letra sa kanyang paningin at humapdi na ang kanyang mga mata.
Wala kasi sa kanyang pinipirmahan ang kanyang atensyon, dahil muling napugaran na ni Sofia ang kanyang isipan. Malapit na kasi ang due date nito at hanggang sa sandali na iyun ay hindi pa siya nakakaisip ng paraan kung paano ang gagawin sa bata.
Of course, they are going to keep the child, hindi na kailangan na pag-isipan pa iyun, ang gumugulo sa kanyang isipan ay ang gusotng mangyari ni Sofia at iyun ay ang itago ang bata. Hindi lang sa publiko, hindi lang sa mata ng mga tao sa pamamagitan ng pagtago sa loob ng bahay, kundi itago ang pagkatao nito at ihiwalay sa pagkatao ni Sofia.
Kahit pa malaki ang ibabayad niya sa nakuha niyang OB para sa katahimikan nito ay matatalino at magagaling na mag-imbestiga ang mga tao ngayon. Rumors have been brewing already about Sofia's secret pregnancy at agad lamang na itinatanggi iyun ng manager ni Sofia.
Sofia is not ready to give up her blossoming career kahit pa hindi na nito kailangan na magtrabaho ay naintindihan niya ang kanyang nobya dahil sa pangarap nito na maging isang sikat na artsita at nang unti-unti nan gang nakikilala ito ay nanatili siyang nasa likuran ng nobya, hindi lang dahil sa sumusuporta siya, kundi nanatili lamang talaga siya sa likod ng anino ng nobya bilang tago na nobyo.
Naalala niya noong may mga namuo na usap-usapan na may relasyon sila ni Sofia nang may makakita sa kanila at patago silang nakunan ng litrato habang papasok sila sa kanyang sasakyan. Kahit pa umiiwas siya sa limelight at mas gusto lamang niya na makilala bilang isang magaling na businessman ay nagpaunlak siya ng interview noon sa isang showbiz news para lamang i-deny ang kwento tungkol sa kanila ni Sofia. Sa sobrang galit sa kanya ni Sofia ay naghamon na ito ng break-up sa kanila pero nagmakaawa lang siya na huwag siyang iwan nito at tulad ng gusto nito ay mananatili na siya sa likod ng kadiliman bilang nobyo nito.
Hanggang sa tuluyan na nitong makamit ang rurok ng kasikatan ay nanatili siyang nakatago at hindi na sa anino nito kundi sa malayo. Ni hindi siya pwedeng makita na kasama niya ang nobya kaya naman napakaingat ang mga patagong pagkikita nila. Ngunit sa kasikatan nito ay hindi niya sinasadya na mabuntis ang nobya.
Napabuntong-hininga si Dallas nang maalala niya ang reaksyon ng nobya nang malaman nito na buntis ito. Kung siya ay halos tumalon sa labis na tuwa at ito ay halos mag-apoy sa galit sa kanya kasabay ng paghagulgol nito. She's not ready to get pregnant, she wanted to get rid of the baby pero nagmakaawa siyang huwag ipalaglag ang bata. But she was so determined in getting rid of her baby kaya naman kinuha na niya ang tulong ng mommy ni Sofia at pinakiusapan niya ito na gagawin niya ang lahat huwag lang ipalaglag ni Sofia ang kanilang anak. Kung kinakailangan na itago niya si Sofia panandalian lamang, kung kinakailangan niyang sustentuhan ang exposure nito habang nagtatago ito sa isla ay gagawin niya para lamang hindi ipalaglag ni Sofia ang bata.
Tatlo lamang sila na nakakaalam na buntis si Sofia. Ang mommy nito, ang manager at siya. He paid a big amount of money sa manager nito para mapanatili na relevant si Sofia sa social media at sa mainstream media. Araw-araw ay may ibinabalita tungkol kay Sofia para lamang mapanatili na makita si Sofia sa television at social media. At ganun na rin para mamatay ang mga speculations about Sofia being pregnant, na unti-unti na ring umuusbong na usapan sa social media.
At inalok naman niya ang mommy ni Sofia na maging kasosyo sa isang bagong restaurant na gusto nitong buksan at siya ang nagpondo ng lahat para maipatayo ang restaurant na gusto nito.
At dahil doon ay pumayag ang mommy ni Sofia at kinausap nito ang anak kaya naman pumayag si Sofia na ituloy ang pagbubuntis nito.
Yes, handa siyang abutin ang mga bituin at hawiin ang dagat para kay Sofia, ganun niya ito kamahal. Kahit pa ramdam niya na one sided lang ang pag-ibig sa kanilang dalawa, but sometimes he felt Sofia's love for him and that was everytime they made love.
BINABASA MO ANG
The Contractual Mommy (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up!!! They will both do anything for the sake of their loved ones, but what if they found love that they truly deserved in each others arms? But they were bound by an obligation. Gagawin ni Dallas ang lahat para mapa...