Chapter 13

3.1K 175 68
                                    

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Amenoah at unti-unting bumukas ang talukap ng kanyang mga mata. Puyat man ay nakasanayan na niya ang gumising ng maaga dahil na rin sa trabaho niya at sa kanyang mga gawain sa bahay.

Pagbukas ng kanyang mga mata ay ang bumati sa kanya ay ang munting anghel na nasa kanyang tabi, hindi napigilan ni Amenoah ang ngumiti lalo pa at nakita niyang mulat na ang mga mata nito ngunit hindi ito umiiyak at ang mga mata nito ay diretsong nakatuon sa kanya na wari mo ba ay nakikita siya nito, at diretso itong nakatingin sa kanyang mga mata.

Hindi naman siya masyado pinuyat nito mga dalawang beses lang siya bumangon kagabi at nang madaling araw para magtimpla ng gatas nito at magpadede. Pero hindi ito iyakin na bata at pagkapadighay niya rito ay inihihiga na niya ito sa kanyang tabi at pinagmamasdan niya itong makatulog na hindi naman nagtatagal. At talaga ngang tila anghel ito sa bait.

Mas lumapad ang kanyang ngiti at hinaplos niya makinis nitong pisngi at maya-maya ay nagsimula nang gumalaw ang mga kamay at binti nito.

"Gusto mo na bang bumangon baby?" ang tanong niya rito na may lambing. At siya naman bumangon na at naupo siya sa ibabaw ng kama.

Nagpatuloy lamang sa pagsipa at suntok sa hangin ang mga bisig at binti ng munting sanggol na hanggang sa mga sandali na iyun ay hindi pa rin nito malaman ang pangalan na itatawag. Hindi pa ito umiiyak kaya naman dali-dali siyang nagtungo muna sa loob ng banyo para umihi at magmumog, ni hindi na niya ginawang maghilamos pa muna ng mukha, mamaya na niya iyun gagawin, at kailangan na muna niyang asikasuhin ang kanyang munting alaga ang kanyang anak para sa loob ng ilang buwan na kumporme sa kanyang kontrata.

Ipinusod niya ang kanyang buhok, at mabilis siyang kumilos, agad niya itong pinalitan ng diaper at pinalitan ng damit saka niya ito pinadede, at nang maubos na nito ang gatas ay kumuha siya ng wrapper at inilagay niya roon ang kanyang baby girl at binitbit niya ito sa kanyang mga bisig at saka niya ito marahan na inihele sa kanyang dibdib.

"Hmm dilat na dilat ang mga mata mo ano? Hindi ka pa ba inaantok?" ang malambing na tanong niya sa munting anghel sa kanyang mga bisig. Labis niyang ipinagtataka kung bakit wala pa ring ibinibigay sa kanyang pangalan ng anak nito si Dallas, hindi naman siguro pwedeng baby o baby girl na lang ang itatawag ko sa anak nito o sila sa anak nila? Ang taka na tanong ni Amenoah sa kanyang sarili.         

"hay naku baby ko, mamaya ay aalamin ko ang pangalan mo pero para ngyong umaga? Baby ko muna ang itatawag ko sa iyo," ang malambing niyang pagkausap sa munting sanggol sa kanyang bisig.

Humakbang siya palapit sa matataas na bintana na gawa sa salamin. Gamit ang kanyang kanan na kamay ay hinawi niya ang kulay puting kurtina na tumatabing sa mga salamin na bintana.

At bumungad sa kanya ang madilim pa na kapaligiran mula sa labas. Mapapansin na malalakas ang hampas ng alon ng tubig ng dagat sa dalampasigan at medyo malapit ang tubig sa beach front na nangangahulugan na mataas ang tubig o high tide ng mga sandaling iyun. Napansin din niya ang ang banayad hanggang sa malakas na pag-ihip ng hangin mula sa karagatan na humahampas sa mga dahon ng puno ng niyog na nasa paligid ng beach house at ng dalampasigan.

Naisip ni Amenoah na buksan ang mga bintana pero nang makita niya ang mga kulay ng kahel at rosas sa kalangitan ay naisip niyang lumabas ng veranda para roon ay pagmasdan niya ang papasikat na araw.

Iyun pa naman ang tanawin na gusto niyang makita, dahil sa kanilang lugar ay hindi mo na mamamalas pa ang tanawin ng isang papasikat na araw dahil abala ang tao sa pagmamadali na pumasok sa eskwela o sa trabaho o kaya naman sa mga gawaing bahay.

"Halika baby ko, doon tayo sa labas para makita natin ang araw hmm, gusto mo rin ba?" ang tanong niya rito habang tahimik itong nasa kanyang bisig kahit pa mulat ang mga mata nito. Gusto niya sanang hagkan ang pisngi nito pero, baka kasi maselan ang mga magulang nito at ayaw na halik-halikan niya o ng kahit sino ang pisngi ng anak, kahit pa siya ang tatayong mommy nito sa loob ng panahon na hindi niya alam kung gaano katagal.

The Contractual Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon