"Hi babe!" ang masayang bati ni Sofia kay Dallas pagpasok niya sa loob ng bahay ng mommy nito. At katulad ng dati ay patago na naman ang pagpunta niya roon and at sa sandaling iyun ay nakaramdam na ng kasawaan si Dallas sa ganun sistema ng kanilang relasyon ni Sofia. He wanted to be out in the public with him and his daughter kasama ang babaeng tatayo mommy nito at alam niyang sa sandali na iyun ay hindi pa kayang kunin ni Sofia ang papel ng pagiging mommy ni Parisa.
Hinagkan siya ni Sofia sa kanyang labi pero hindi niya sinagot ang halik nito, sa sandaling iyun ay nagitla pa siya sa ginawa ng kanyang nobya, at napansin iyun ni Sofia.
"Why do you look startled?" ang kunot noon a tanong nito sa kanya. Umiling lang ang kanyang ulo at hinayaan niyang hilahin ni Sofia ang kanyang kamay papasok sa loob kung saan nasa dining area na ang mommy nito at ang manager nitong si Archie.
"Hello Dallas! Maupo ka na iho mag-dinner na tayo may dapat tayong i-celebrate," ang masayang sabi ng mommy ni Sofia sa kanya.
Tumango siya sa mommy ni Sofia at mahinang binati ito at si Archie at tiningnan niya ang nakahain na pagkain sa lamesa. Puro mamahalin ang pagkain na nakalatag doon at halos lahat ay paborito niya pero may pumasok sa imahe sa kanyang isipan at sa sandaling iyun ay hindi steaks or lobsters ang nasa kanyang harapan, kundi ang malaking bowl ng umuusok na mainit na naninilaw na sabaw ng sinigang na puno ng gulay at hipon. Iyun ang huling natatandaan niyang sinigang na niluto ni Amenoah para sa kanilang pananghalian.
He shouldn't be here, ang sabi ng isipan ni Dallas, dapat ay nasa bahay na siya kasama si Amenoah na kumakain sa kanilang dining table.
"I have to decline this time, uhm Sofia, you wanted to talk to me right? Pwede ba mag-usap na tayo?" ang mariin at seryoso na sagot niya at alam niyang napansin din ng tatlo ang kakaiba sa kanyang ipinakitang ugali sa mga ito. Dati kasi ay excited siyang makipag-dinner sa nobya at siya pa ang naghahabilin sa mommy ni Sofia para ihanda nito sa anak. But that moment, wala siyang gana. He lost his interest and his appetite.
"Babe, we're not having dinner yet," ang nakangiti at nagtataka na tanong sa kanya ni Sofia na nakatayo sa kanyang tabi at ramdam niya ang palad nitong humihimas sa kanyang likod. She looked so happy ang, sabi ni Dallas sa kanyang sarili.
"I am not hungry Sofia, kailangan ko na makauwi kaagad, ikaw gusto mo ba na sa bahay na lang tayo mag-dinner at mag-usap?" ang hamon na tanong nito sa kanya at ang malapad na ngiti sa labi nito ay nawala na bigla. Tumikom ang mga labi nito at napasulyap ito sa mommy at manager nito na natigilan din sa kanyang isinagot.
"Dallas you know I can't do that," ang mariin na sabi ni Sofia sa kanya, "and besides ayokong makita ang tsimay mo roon," ang dugtong pa nito.
"Hindi ko siya tsimay, siya ang mommy ni Parisa na isang role hindi mo pa kayang i-portray," ang sagot niya rito at bumuka ang bibig ni Sofia sa kanyang isinagot.
"Did someone spit in your coffee?" ang nakangising tanong nito sa kanya.
"Kung wala kang sasabihin uuwi na ako, I' just wasting my time here,"-
"No wait! Ano ba Dallas?" ang sabat ni Sofia at hinawakan nito ang kanyang braso nang akmang aalis na siya.
"Okey mag-uusap na tayo, in my room?" ang tanong nito sa kanya. Mabilis niyang pinasadahan ng kanyang tingin si Sofia. As usual she look gorgeous, sophisticated, and everything that doesn't look like a mommy. Walang dating ng pagiging ina sa hitsura nito, hindi katulad ni Amenoah na may simpleng ganda at may aura ng isang mabuting asawa at mommy sa anak na si Parisa.
"No kung pwede sa garden niyo na lang," ang sagot niya rito at nakita niyang kumunot sandali ang noo ni Sofia bago ito tumangu-tango.
"Alright, if that's what you want, uhm mommy, Archie sa garden lang kami," ang sabi nito at hinawakan nito ang kanyang pulsuhan para yakagin siya palabas ng garden sa may likod bahay.
BINABASA MO ANG
The Contractual Mommy (completed)
RomantiekFor mature readers only 18 and up!!! They will both do anything for the sake of their loved ones, but what if they found love that they truly deserved in each others arms? But they were bound by an obligation. Gagawin ni Dallas ang lahat para mapa...