"S-Sofia?" ang gulat na sabi ni Amenoah rito nang pagbuksan niya ito ng gate ng bahay. Nakakuyom ang mga labi nito at nakataas ang isang kilay sa kanya. Dali-dali itong pumasok sa loob ng gate at nabangga o binangga pa nito ang kanyang balikat nang pumasok ito sa loob. Sumilip siya sa labas ng gate para makita kung may iba pang tao sa labas pero ang napansin lang niya ay ang sasakyan na nakaparada na sa tingin niya ay kay Sofia. Mabilis niyang isinara ang gate at naglakad siya pabalik sa loob ng bahay kung saan nauna nang pumasok si Sofia. Pagpasok niya ay naabutan niya itong nakatayo sa gitna ng salas, ang mga braso nito ay nakahalukipkip ang isang paa nito ay nasa unahan ng isa pa nitong paa na panay ang pag-tap nito sa sahig.
"Bakit ako hiniwalayan ni Dallas?" ang tanong nito sa kanya na may bahid ng galit sa boses nito.
"Uh bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba dapat si Dallas ang tinatanong mo niyan?" ang sagot na tanong ni Amenoah at tinaasan din niya ito ng isa niyang kilay. Tumayo siya sa harapan nito ilang metro ang layo sa kanya, mabuti na yung may tamagang agwat na namagitan sa kanila, para kasing dragon ang mukha ni Sofia nang sandali na iyun, na handa siyang bugahan ng apoy anumang oras.
"Don't play smart with me, dahil hindi bagay sa iyo at wala kang karapatan, ikaw ba ang dahilan?" ang sarkastikong sagot at tanong nito sa kanya.
"Ano bang sinabi sa iyo ni Dallas nang makipag-break siya sa iyo?" ang tanong ni Amenoah rito ayaw niya munang sagutin ang tanong nito dahil sa hindi rin naman talaga alam ni Amenoah ang dahilan ni Dallas. Kung siya ba o sadyang napagod na lang ito sa kahihintay kay Sofia kaya ito nakipaghiwalay, hindi rin naman kasi nagpaliwanang pa si Dallas sa kanya, basta nag-alok na lang ito na gawin nilang totohanan ang naumpisahan nila. Gusto niyang marinig mismo sa bibig ni Sofia kung anuman ang sinabi ni Dallas dito. Kung siya ba ang sinabing dahilan ni Dallas kay Sofia.
"He didn't tell me anything, but obviously mukhang nasa harapan ko na ang dahilan, I saw it the other day habang nasa mall, I saw Dallas watching me from afar then you came at ipinakita nito sa akin na sweet kayong dalawa," ang sabi ni Sofia sa kanya.
"Inakit mo si Dallas halata naman, naabutan kita noon na tanging pantulog lang ang suot, tama bas a isnag katulong na ganun ang suot mo sa loob ng isang bahay na dalawa lang kayo rito sa loob? Lalaki si Dallas at kahit pa anong pagtitimpi nito kung ikaw na ang nagpapakita ng motibo papatol si Dallas, hindi ko siya masisisi, kung may malandi siyang kasama sa bahay, tumihaya ka na ba sa kanya at ibinuka na ang mga hita mo?" ang mapang-insulto na sabi ni Sofia sa kanya.
Sandaling tumikom ang kanyang labi at kumuyom ang kanyang mga palad na nasa kanyang tagiliran bago siya nagsalita.
"Oo bakit ikaw hindi ba? Baka mas maganda ang nakita niya sa pagitan ng hita ko kaysa sa iyo kaya iniwan ka?" ang mapang-asar din na sagot ni Amenoah dito at nakita niyang namula ang mga pisngi ni Sofia sa kanyang sinabi.
"Oo kami na ni Dallas, hindi dahil sa inakit ko siya para lang magustuhan niya ako, nakita niya sa akin ang di niya nakita sa iyo at iyun ay ang mahalin siya ng lubos lalo na ang anak nito," ang mariin na sagot ni Amenoah.
"Alam mo Sofia kahit din siguro ako hihiwalayan ka kasi binalewala mo ng husto si Dallas, sa halip na siya at ang anak ninyo ang pinili mo, mas inuna mo pa ang career mo, tapos ngayon naghahabol ka kay Dallas na iniwan ka na?" ang sagot at tanong ni Amenoah kay Sofia.
Tumikom ang mga labi nito sandali at mula sa pagkakahalukipkip ng mga braso nito ay inilagay ni Sofia ang mga kamay nito sa kanyang bewang at mataray pa rin siya nitong hinarap. Tila ba ito pa rin ang panalo sa sandaling iyun sa pagitan nilang dalawa.
"Uhuh, huwag kang masyadong mayabang Amenoah baka bumagsak ka, huh akala mo ba ganun-ganun na lang ay kaya mo akong burahin sa puso at isipan ni Dallas?" ang nakangising sabi sa kanya ni Sofia at sa sandaling iyun ay hindi niya inaasahan na makadama ng kaba.
BINABASA MO ANG
The Contractual Mommy (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up!!! They will both do anything for the sake of their loved ones, but what if they found love that they truly deserved in each others arms? But they were bound by an obligation. Gagawin ni Dallas ang lahat para mapa...